Chapter 15

110 36 0
                                    

KAIAH

Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Raquel.

Jaxon likes me? In what world would that happen?

"Hindi magandang nagsasabi ng bad words habang kumakain."

"I was just saying!" Umirap siya.

Katulad dati ay ginugol ko lang ulit ang sarili ko sa mga gawain. Tambak ang assignments namin ngayon sa General Physics, at dumagdag pa ang Entrep.
Need talagang tapusin kaya ginagawa ko na bago pa ako maabutan ng deadline. Nakikipagtulungan rin ako kay Jigzy para matapos kami nang mas madali. Mabait nga 'yun. Dinadalhan niya ako ng coffee kapag nag-aaral kami. Oh kung hindi naman, nagpupunta kami sa near by Starbucks para doon gumawa.

This time, gabi na kami nagsimula kaya gabing-gabi ay nasa Starbucks kami at gumagawa ng assignments. Nakabukas ang laptop ko at may ilang papel na naka-kalat. Ang table namin ay nakaharap sa bintana kaya nakikita namin 'yung nakabukas na street lights. Si Jigzy naman ay may kausap sa cellphone.

"Sige landi pa." Bulong ko.

"Bakit ba beh! Pang-relieve lang ng stress!"

"Mga Jigzy nga naman," umiling ako. "Maawa ka nga sa kalandian mo. Hindi naman 'yan magtatagal sa 'yo 'di ba?"

"Eh, hayaan na."

"Nako! I don't tolerate that attitude ah. Hindi ko kayo pinalaki nang ganiyan."

"Mama ba kita beh? Lakas ng tama ah." Binaba niya na ang cellphone niya. "Tapusin na natin 'to para makalandi ako."

Nang matapos na kami. Nagliligpit na kami ng gamit at ready nang umuwi.

"Beh nag message sa akin si Raquel."

"Nag-aaya na naman ba ng gala?"

Humalakhak si Jigzy. "Oo. Tara samahan na natin si accla."

"Girl? Gabing-gabi na. Gusto mo pa ba'ng mag-ikot."

"Gaga hindi. Nagtatanong lang daw siya kung pwede tayo sa club."

Kumunot ang noo ko. "Club?"

"Oo. Club." Sarkastiko na sabi niya. "Si Allistaire kasi, may-ari ng club 'yung pamilya no'n."

"Allistaire? As in 'yung tropa natin?"

"Beh, please! Tama na! Uulit-ulitin mo na lang ba 'yung sinasabi ko o ano?" Pigil na pigil na ang pasensiya niya. Natawa ako sa reaksyon niya at maging sa sarili ko.

"Epekto talaga ng aral 'to," tumawa ako.

"Oh basta 'yon, si Allistaire. Tropa natin ah. Hindi kapit-bahay, hindi asawa, tropa natin beh."

"Ah... " tumango ako. "Hindi ko alam kung makakapunta ako. Hindi naman kasi ako nagpupunta sa mga club."

"Weh hindi ka pa nakapunta?"

I pursed my lips and shook my head. "Nope. Haven't."

"Sige, pero try mo. Kasi for sure, ako, sasama ako." Nag-tipa siya sa phone niya. "Oh ito nag reply na ang lola niyo. Kasama na ako, si Allistaire syempre. Kambal, tapos si Jaxon. Ikaw daw?"

"Sabihin mo kamo na magpapaalam pa ako. Titignan ko pa sched ko."

"Hm, okay po." Sabi niya at sumunod naman sa sinabi ko.

Bago kami umalis sa starbucks ay nag-order pa kami ng pagkain, saka lang kami sumakay ng kotse. Nagpasundo na lang ako sa driver ko dahil late na at para mahatid ko na rin si Jigzy sa bahay.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now