Chapter 33

47 15 0
                                    

KAIAH

"Oh, Jax! Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ni Ron. Sabay kaming lumabas ng elevator. Kumuyom ang palad ko ngunit pigilan ko ang sarili kong gumawa ng eksena. That's inapproriate now that we're in our work place.

"Hinahanap ko sana kayo! Gusto ko lang makita 'yung progress ng design," nakangiting sabi niya. Hindi pa rin ako iimik hanggat ako ang kinakausap niya. Gusto ko pa naman sanang makaluwag-luwag sa nangyari kagabi pero sira na ang plano dahil nakita ko naman siya!

Liningon ako ni Ron kaya naisipan ko nang magsalita.

"Ah sir, pasok na lang tayo sa isipan—opisina! Opisina ko!" Nanlaki ang mga mata ko nang magkamali ako ng sasabihin. Parang biglang bumaliktad ang utak ko.

Si Ron ay nagulat rin at ang lakas lakas ng tawa niya!

"Ah, okay," napahwak si Jaxon sa likod ng leeg niya at nangingiting nag-iwas ng tingin. This bastard! "Uuwi na sana ako kasi hindi ka pa raw pumapasok sabi ng staff."

"Huy!"

Nanlilisik ang mga mata kong tinignan si Ron nang banggain niya ang balikat ko! Mga bwiset! Mga bwiset talaga!

"Sinasabi ko sa 'yo wala ka ng babalikang gamit dito bukas," pambabanta ko kay Ron habang naglalakad kami papunta sa opisina ko. Si Jaxon ay nakasunod lang sa amin.

"Pasok ka muna sa isipan ko."

Napakagat ako sa labi ko at napatigil sa paglalakad. Naramdaman ko namang napatigil rin si Jaxon sa paglalakad kaya napalingon ako sa kaniya. Mukhang nagulat siya. Binigyan ko pa muna ng isang masamang-masama na tingin si Ron bago ako magpatuloy sa paglalakad. Napaayos ako ng buhok ko ng de-oras pagkapasok namin sa opisina ko.

"Sir, upo kayo," sambit ko sa kaniya oara umupo siya sa swivel chair na katapat ko.

"Kukunin ko lang po 'yung design," sambit ko. The layout is still in my computer. Habang ginagawa ko naman 'yon ay nahagilap ng mga mata ko si Ron na hindi pa umuupo. Binalik ko na lanang ang tingin ko sa monitor ng computer at binuksan ang software. Pagkatapos no'n ay tinawag ko si Ron upang lumapit.

Ron explained the layout to him and Jaxon was listening.

"Use the best materials as possible. My budget is around one-hundred million," nakangiti niyang saad, iyong ngiti na ang bait-bait tignan.

Tumango-tango si Ron. "Estimated ko na around three or four years pa bago matapos ang construction. One-hundred million?"

"Yup. Gusto ko ng magandang branch sa Batangas para puntahan ng tao."

"Idol talaga kita! Nagpapatukbo na ng home appliances, suma-side line pa ng hotel."

Jaxon tilted his head and smirked.

"Ang daming kayang pagsabayin, ano?" Sarkastikong sabi ko kay Ron.

"Oo nga pre, paano mo nakakaya 'yon?" Bigla ay nasa side ko na si Ron. Tinaasan niya ng kilay si Jaxon.

"'Yung negosyo ko pa ba 'yung pinag-uusapan natin?" Nakasimangot na tanong ni Jaxon.

"Of course naman, sir." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya. "Sabihin niyo na lang sa amin ang date kung kailan niyo gustong simulan 'yung contruction. Kung wala na kayong ilapabago sa design, magandang masimulan na."

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now