Chapter 5

178 99 6
                                    

JAXON

She smells nice.

Iyon ang una kong napansin nang tabihan ko siya dito sa cinema.

"Ikaw," tawang-tawa na sabi ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at agad siyang sumimangot.

Gano'n na gano'n rin sumimangot si Kaiah. Parang doon sa character na nasa movie. Tumawa rin siya sa huli lang ngunit halata kong hindi siya natuwa. Maya-maya ay binuksan niya ang takip ng bottled water na binigay ko sa kaniya. Tinignan niya ako nang maramdaman niya ang pag-oobserba ko sa kaniya.

Kanina noong bumili kami ni Allistaire ng pop corn and drinks, nakalimutan naming tanungin sina Kaiah kung ano ang gusto nila. Hindi ako sanay na may makita akong naiiba sa aming magka-kaibigan kaya kahit hindi ko gusto, I still offered her food. Sapat na siguro 'yung na-bad trip ko siya dahil tumabi ako sa kaniya.

Pero sa totoo naman ay wala akong paki. At parang sinadya ko namang umupo sa tabi niya. At least mabango siya. She smelled like flowers.

"Class bukas na ang orientation niyo sa Research. Ang dalawang subjects niyo ay ma cu-cut off po muna for the mean time. 'Yung Business Finance assignment niyo, next week na lang ang deadline."

Naghiyawan ang lahat ng mga classmates ko, lalo na ang katabi ko.

"Yes! Hindi ko pa nagagawa 'yung akin!" Hiyaw naman ni Allistaire kaya nagtawanan lalo ang classmates namin. Ang iba naman ay ginawa na ang pagkakataon nila para lumapit sa akin.

"Jaxon... patulong ako ah?" Sabi naman ng isa kong babaeng classmate. Her intentions just to be with me ay halata. Kahit si Allistaire ay napatingin sa kaniya at natawa.

"'Di pwede. May date ako bukas." Maikling sabi ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Tumango-tango siya, nadismaya at bumalik sa upuan niya.

"Sira-ulong 'to! Wala ka namang date!"

"Ang ingay mo! Obvious ba na ayaw ko lang?!"

"Aysus. May date pala kayo ni Kaiah?"

"Manahimik ka nga!"

"Mga loko kayo. Ramdam ko 'yung tension sa inyong dalawa parati. Parang ako 'yung nahihirapan."

"Sino ba kasing nagsabi na may tension?! Ikaw lang naman."

"Pre? Sa lagay na 'yan walang tension? Nasa iisang lugar pa nga lang kayo, ramdam ko na 'yung init ng impyerno sa paligid."

"Calm down muna class," tawag pansin ulit ng Adviser namin. Napatahimik ng ingay mula sa pagtapik niya sa table ang mga estudyante. "Ang focus talaga ng Research program ay para sa mga STEM students kaya makakasabay niyo ang Section 2 bukas. Makinig kayong lahat ah. Ayokong may mababalitaang masama sa inyo, is that clear?"

"Yes, ma'am." Sabi naming lahat.

"Uy nandoon 'yung crush ko sa Section 2!" Sabi ng isang lalaki kong classmate. Napairap ako. Sino'ng crush niya?! Si Kaiah?! Hindi naman makakabuti para sa kaniya ang babae na 'yon!

"Why so angry my strong man?" Tanong ni Allistaire.

"Gago."

Nakakainis! Magkakagusto na nga lang, kay Kaiah pa! Feeling ko talaga kay Kaiah siya may gusto dahil siya ang pinakamaganda doon.

Paglabas namin ng room ay usap-usapan pa ang na-move naming deadline dahil tuwang-tuwa sila. Si Allistaire ay panay naman ang kwento sa akin sa hallway tungkol sa outing namin kahapon, kasama sina Kaiah.

"Sana maulit pa! Kailan kaya ulit?!" Excited naman na sabi niya. "Libre niyo ulit ni Kaiah. Tutal naman ang yayaman niyo 'di ba."

Naalala ko na naman 'yung sa resto! Sabing ako na ang magbabayad pero mapilit talaga siya. Sayang. May utang na loob na sana siya sa akin.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz