Chapter 11

132 60 6
                                    

JAXON

Habang linalakad ko ang alley, patungo pa lang sa bahay namin, I turned back to look at the car where Kaiah left in. Napangiti ako nang mag-isa. Ang saya pala na makatabi siya kanina kahit sinisimangutan niya ako. I still... felt bad that she hated me. Pero mabuti na 'yung nakakausap ko siya.

I was humming happy songs to myself, one bag hung up on my shoulder. Ang pointer finger ko naman ay sumasabay pa sa mga kantang hinu-humm ko. From the big windows, I looked inside to see no one was at home yet. My black shoes clacked on the marble tiles. Tinanggal ko ang sapatos ko at linagay 'to sa shoe rack. Ang bag ko naman ay inakyat ko muna sa taas. I changed into loose sweat pants and my shirt.

Tama nga ako nang pagpunta ako sa dining hall, may pagkain na. There were a lot of glass windows surrounding our house and it was enough to shine a bit of light. I sat down on one of the chairs at nagsimula na akong magtingin ng mga pagkain.

Si daddy ay nagha-hire ng isang cook and isang maid para maglinis sa bahay namin but they never stayed that long. Kadalasan ay bago pa ako makauwi, nakaalis na rin sila ng bahay. I'm assuming, kakaalis lang ng cook dahil medyo mainit pa ang pagkain. It was enough dinner for the three of us.

"Mag-isa na naman ako kakain," I whispered, ngumiti pa nang kaunti to ease the bit of loneliness. At parang hindi na naman ako sanay sa ganito! Sanay na akong mag-isa kumain. Maliban na lang kapag nandito si Ron.

I decided to text him. Hindi uuwi nang maaga ang parents ko. My mom was in another country so... ako lang ulit ang mag-isa sa bahay.

Si Ron naman, hindi siya fond sa pananatili sa bahay niya maliban na lang kapag nando'n ang kapatid niya. Now that I think of it, bakit hindi na lang niya isama si Raquel?

Once I finished eating, hinugasan ko ang mga pinggan. Pinagpag ko pa ang kamay ko sa lababo para matanggal ang excess na tubig. Kinuha ko ang phone ko para mag text sa kaibigan ko.

Jaxon:

pre, wala sina mom sabihin mo kay Ron magpunta siya dito

sama ka na rin

Miss Ganda <3:

yeah sure why not. but I don't think I'll be going though! i'm kinda sick

kuya will be there daw! In a moment lang. wala ba si tita?

Jaxon:

nope

Halos isang oras bago dumating si Ron sa bahay. Hindi naman ako nagbibigay ng susi ko sa bahay namin kaya pinagbuksan ko siya ng pintuan. Nakasuot siya ng compressed shirt, kakagaling niya lang ata sa gym dahil may dala-dala pa siya na duffle bag.

"Gago ka rin talaga 'no. Dito ka pa maliligo?" Sarkastiko akong tumawa. "Maligo ka na! Galing ka pa talaga sa gym!"

"Sabi mo naman, wala sila tito e. Doon na lang ako sa banyo mo ah? May shower do'n 'di ba," alam niya talaga kung paano gumamit ng opportunity.

"Akyat!" Sabi ko na lang. Umiling-iling ako.

Naupo ako sa couch, I rested my head.

Today was a really good day wasn't it. Nagawan ko nang paraan na mahatid si Kaiah sa kotse nila! At ang mas maganda pa diyan, hinatid pa nila ako at nakasama ko siya sa kotse! Magkatabi kami!

Hindi pa ako tapos mag daydream nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan. The window was just behind me so I took a peak to see what it was. Kumunot ang noo ko nang makitang may kakababa lang na driver, pinagbuksan niya ng pintuan si... mom.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now