Chapter 9

166 78 17
                                    

JAXON

Allistaire brought me to a club and I nearly fell asleep.

"Tawagan mo na please... " halos maiyak na ako sa pagmamakaawa.

I just realized something, something really bad!

Oo na! May gusto ako kay Kaiah!

Iniisip ko pa lang, namumula na ang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa sarili ko. Ang alam ko lang ay nakasandal ako sa couch, habang ang isang braso ay nakasabit sa sandalan ng couch. I tilted my head. Nagkamali ako! Nakuha niya na talaga ang puso ko!

Nag back-fire lahat ng mga sinabi ko. Ilang linggo lang pala ang kailangang lumipas bago ako mahulog sa kaniya. This is a strange feeling for me since I've never liked someone in so long.

Kasi nakakahiya mang aminin, nahalata ko na sa sarili kong nagseselos ako kanina noong may kausap siyang lalaki. Hindi ko kaagad 'yon napansin sa sarili ko. Making new friends my ass. Inggit lang talaga ako kanina.

Hindi ko na maalala ang iba pang nangyari and the next thing I knew, gumising na ako sa condomenium. Nag pa-panic akong tumawag kay Allistaire para itanong sa kaniya kung ano ang nangyari. Pinaliwanag niya ang lahat sa akin at napahilamos ako sa mukha ko. I was definetly a turn-off for her! Uminom lang ako no'n dahil sinabi ni Allistaire na need niya ng karamay.

Pero ang babaeng 'yon. Wala man lang consideration.

Kinaumagahan sa school field nakita ko siyang nagpupunas ng pawis niya gamit ang panyo niya. She had her hair up in a ponytail. Suot niya ang P.E. uniform namin na maroon ang jogging pants and white with a hint of maroon touches naman ang shirt. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman niya atang nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko napigil ang sarili ko at tinignan siya ulit, nakataas ang kilay niya sa 'kin habang nagpupunas pa rin.

Hindi niya ba ako pwedeng tignan katulad kung paano tumingin ang ibang babae sa 'kin?!

Palagi na lang siyang mataray o kaya napapairap tuwing tinitignan ako. It didn't change the fact that I liked her. Pero it annoyed me! Hindi ko mapiliwanag kung paanong naiinis pa rin ako sa kaniya pero at the same time, may gusto ako sa kaniya. Hindi ko pa alam kung posible 'yon. Linapitan ko siya para guluhin.

"Gusto mo ba 'ko?" She raised an eyebrow. Tinigil niya sandali ang ginagawa. Kaunting pawis lang ang pimupunasan niya and I'm impressed na mabango siya. She smelled fresh.

Oo!

"You? Maybe if you worked on your attitude then yes." I smirked. Nanlaki ang mga mata niya iniisip siguro na sumusubro na naman ako. Nagustuhan ko kung paanong dinaan niya na lang sa pekeng tawa ang pagkainis sa 'kin. Kung aayusin lang niya ang tingin niya sa 'kin, mas lalo ko siyang magugustuhan.

Gusto ko siya pero... she's not looking at me the way other people do!

"Sus! Ano namang mapapala ko sa 'yo?! Naglalasing ka nga!"

My mouth almost dropped. "That was an accident."

"Tse! Aksidente mo mukha mo! Hindi ako mahilig sa mga katulad mo. You're not my type!"

May parang natamaang parte ng katawan ko ang sinabi niya. Hindi 'yon gano'n kalalim pero 'yung sinabi niya ay nakasakit talaga sa damdamin ko! Aminado ako'ng kasalanan ko naman talaga ang malasing, pero the way she said I wasn't her type? It didn't have any hesitation at all.

"Don't lie to me," I scuffed.

Don't lie to me oh am I lying to myself dahil hindi malunok ng pride ko na ayaw mo 'ko?

"I'm everything but a liar." She smirked back. Itinabi niya ang panyo sa bulsa ng jogging pants niya at tinignan ako.

"Ah talaga ba? Hindi ka ba nagtataka na walang lalaking nagkakagusto sa 'yo dahil diyan sa ugali mo? It's no wonder a lot of people hate you." I insulted.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now