Chapter 10

112 62 11
                                    

KAIAH

"Kanina pa ba 'to?" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, aaminin kong nahihirapan akong gawin 'yon. "Ha, Jigzy?"

"Hindi ko sigurado, Kaiah. Pero siguro kani-kanina lang. Kakaakyat ko lang din kaya hindi ko alam." Nagliligpit si Jigzy nang mga gamit niya. Kinuha niya sa harapan ko ang racket at pinasok niya ito sa case, kasama ang isang pair.

"Normal lang ba para kay Fleuride na kunin 'yung mga gamit mo ng walang paalam?"

I smirked. Natural lang pala sa kaniya ang pagiging ganito ka-bastos. At may gana pa siyang kwestyunin kung gaano ba ako kagusto ng isang tao o hindi. Ang kapal ng mukha.

"Hm... depende! Usually naman hindi. Pero nakakalaro ko kasi 'yon si Jaxon ng badminton kaya medyo it makes sense?" May pag-aala sa tono niya ng titigan niya ang mga mata ko. "Girl, okay ka lang ba? Ano ba kasing nakasulat doon?"

I still can't believe it! I was sorry for nothing!

"Nag-confess ba siya sa 'yo–"

"Don't start with this. Hindi ko type si Fleuride."

"Fleuride?" He laughed. "Saan naman galing 'yung Fleuride 'te?"

"Eh 'yung apelyido naman niya kasi tunog gamot! Pwede rin ngang kemikal, e!"

Kung kemikal man siya, nakakalason siya panigurado. Lason na lason na nga 'tong utak ko sa kaniya, e.

"Love hormone?" Jigzy teased.

"Ano siya, oxytocin?!"

Bumuntong-hininga si Jigzy. "Ewan ko sa 'yo girl. Akala ko talaga okay na kayo. Ayaw mo ba talaga makipag-tropa tropa sa kaniya? Para naman everybody happy! Lahat tayo magka-kaibigan! Promise naman eh, mabait talaga 'yon. Mahirap lang talaga makita."

"So ako ngayon ang pinag-a-adjust mo?"

"I wouldn't be friends with him if he's that bad, Kaiah. At least try to befriend him. In the very least! Give him a chance!" He was eagered to convince me but my mind said otherwise.

"Alam mo ba kung ano'ng sinabi sa 'kin no'ng gago na 'yon?"

"Uh-oh... "

"Ah talaga ba? Hindi ka ba nagtataka na walang lalaking nagkakagusto sa 'yo dahil diyan sa ugali mo? It's no wonder a lot of people hate you." I mocked, sadiya ko pang ginaya kung paano 'yon sinabi sa akin ni Jaxon. "Tangina niya talaga kamo! Hindi ko talaga malunok 'yung pag-uugali no'n. Bwisit talaga!"

"Sinabi niya 'yon... sa 'yo?" Hindi siya makapaniwala. I nodded, displeased at the thought of it. "Bwisit nga talaga. Ginagano'n ka niya?! Mabait naman siya sa 'min ah! Ba't pag dating sa 'yo, trinatrato ka nang ganiyan?! Tara! Susugurin natin 'yung lalaki na 'yon!"

Umiling ako. "Huwag mo na sayangin 'yung oras mo doon. Bastos talaga ang ugali niya. Who does he even think he is? Without his surname and money, he would be nothing. No one would respect the fuck out of him." Sabi ko habang nanlilisik na ang mga mata. Kanina ko pa pinipilit sa sarili ko na huwag sumama ang loob ko pero ang hirap-hirap!

Kung ikaw ba naman ang bastusin ng gano'n, makakalimutan mo ba kaagad?!

"Korek ka diyan. Grabe 'yun ah... may pinipiling tao lang pala 'yon... " Jigzy obviously felt bad about it. Pero ano naman ang magagawa niya? Naiintindihan ko naman kung mahirap paniwalaan na may ugali ang kaibigan niya pag dating sa mga piling tao. At ako 'yung piling tao na tinutukoy ko.

Inis akong naupo sa upuan ko. I really hope I don't see his face until I leave this school, or ever!

Katulad nang kadalasan nagpunta kami sa L.P., nakipag-unahan pa kami nina Jigzy at Raquel sa mga ibang tao na makaupo sa isang bench dahil ang iba ay puno na. Sumandal ako sa balikat ni Jigzy habang ginagamit ang phone ko. Nagtitingin ako ng mga updates tungkol sa ganap ng family ko ngayon. Si Raquel naman nakararating lang ay naupo sa tabi ko. She had a mini electric fan with her, I noticed it blowed the sides of her hair out of her face, revealing her beauty.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now