Chapter 27

45 22 0
                                    


KAIAH

Pinunatahan kaagad namin si Jaxon sa game. Sinabihan niya akong huwag muna siyang yakapin dahil pawisan siya. May isa pa daw siyang game pagkatapos.

"Akala ko hindi ka na dadating. Magpapatalo na sana ako kanina," sambit niya habang nagpupunas ng pawis. I was stairing at his chest, na kahit may rash guard ay bumabakat ang dibdib niya. He snapped his finger near my face kaya gulat akong nag-angat ng tingin sa mukha niya. "Sa mukha mo ako tignan, tsk tsk. Dumi ng utak ah,"

"Huh?!" Nagmaang-maangan ako bagamat halata na 'yon sa namumulang pisngi ko. Umiling-iling siya habang natatawa.

"Hay nako, Kaiah. Mga Kaiah nga naman."

"Hoy!"

Tinaasan niya ako ng kilay at nginisihan. "Mamaya tayo kapag nakauwi na."

Inasar-asar pa niya ako at wala akong nagawa. Nagpaalam naman siya sa amin dahil may sunod pa siya na game pagkatapos nito. Kaya kami ni Raquel at Jigzy ay nagpunta sa isang coffee shop na malapit lang mismo sa arena kung saan ginaganap ang iba't-ibang laban. May nadaanan pa nga kaming grupo ng mga bata na nakasuot ng gi at nag wa-warm up.

"Angas ni Jaxon 'no. 'No Kaiah?" Binangga niya balikat ko.

"Uh-huh," tumango-tango ako. "Pogi pa."

"Huy!" Sabay nilang pang-aasar ni Raquel. Sinambit ko naman ang order ko na caramel machiatto sa babae. Sina Jigzy at Raquel ay pumili na rin ng drinks nila. Naisipan naming mag stay dito at inatayin na lang marinig tawagin ang pangalan ni Jaxon para mapanuod ang next game.

Sina Ron at Allistaire naman, ang alam ko ay bumili din ng pagkain. Pero malamang ay babalikan din nila 'yon si Jaxon para makapag-usap ang tatlo. Those three were catching people's attention so easily, especially when they're together. Para silang magnet ng mata ng mga babae.

"Oh, I saw you kanina."

Kaming tatlo ay nag-angat ng tingin kay Patricia. May kasama din siyang dalawang babae sa gilid niya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman tinarayan ko siya.

"Oh, tapos? Pake ko?" Pabalang na sabi ko. Suddenly ay tinatarayan niya ako e wala naman akong ginagawa sa kaniya. Don't tell me may gusto 'to kay Jaxon kaya nagkakaganito?

Hindi siya nagpatalo at mas lalo akong tinarayan. "Girlfriend na girlfriend na kilosan mo ah. Baka nakakalimutan mong bestfriend ka lang?"

Napatayo na si Raquel. "Bitch?! Sinasabi mo girl?! Girlfriend niya na 'to?!" Tinuro ako ni Raquel. Sabi ko na nga ba ay kung may magagalit man dito, kasama na si Raquel dahil maldita din siya.

Tinignan ko naman si Jigzy para ipaalam na kailangan niyang paupuin si Raquel. Umupo naman si Raquel pero nagulat ako nang pakyuhan niya si Patricia.

"Bitch! Bakit nakikisali ka?! Maldita!" Sabi naman ni Patricia.

Sarkastiko akong natawa. "Oy 'wag mong tinatawag na maldita 'tong kaibigan ko. Attitude ka girl? Problema mo?"

"Back-off from Jaxon 'cause he only sees you as a friend."

Napamaang ako at ako naman ang napatayo sa kinauupuan ko. E, masasampal ko pala 'to, e. "Boyfriend ko na 'yon. Kapal ng mukha mo, sino ka ba sa tingin mo? He doesn't even talk to you anymore."

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now