Chapter 14

103 42 0
                                    

JAXON

Hindi ko mailis sa isip ko.

Kung paano siyang umahon. She looked like a goddess, emerging from the waters. The way her dressed still looked pretty, and the way she looked pretty even with wet hair.  She blew my mind, kailangan ko lang talaga itago.

Tinalikuran niya na ako. Pinigilan ko ang mangiti habang tinatanaw siya. Nagulat pa ako nang tignan niya ako bago buksan ang pintuan ng kotse at pumasok sa loob! I bet sobrang namumula na ako. Buti na lang at walang makakahalata.

Pagkauwi namin ay sinalubong kami ni mom.

"You're back! How was it?" Salubong ni mom sa amin. Nakasuot na siya ng pantulog niya habang kami naman ni dad ay nakasuot pa ng suit.

"It was boring. Ask your son why he's changed his clothes."

"Oh! Oo nga! Iba na ang damit na suot mo ah?!" Puna ni mom. Sinarado niya ang pintuan sa likuran namin.

Ngumisi si dad. "Why don't you tell your mom who you were spending time with?"

"Jaxon?! You?" Tinuro ako ni mom. Kahit ako ay napaturo sa sarili ko.

"Just nobody." Sabi ko habang masama ang tingin kay dad. Hindi na makakatulong kung malaman pa nilang dalawa na may gusto ako ngayon. Lalo na dahil hindi ko naman alam kung magugustuhan ba ako ni Kaiah. Hindi ko rin gusto na may ibang makaalam.

Hindi naman seryoso 'tong nararamdaman ko.

Sa mga sumunod na araw, nagtutuloy lang ulit ang buhay ko. Noong sunday, nasa bahay lang ako at nag-aaral. Si mom at dad naman ay parating wala sa bahay kaya nasosolo ko ulit ito. Para malibang na lang ang sarili ko, nag wo-work out ako sa mini gym namin.

Hindi ko inaasahan na the next week, naging busy na naman kami sa mga task na binibigay ng teachers kaya 'yon din ang kumukuha ng oras ko. Sandali ko rin nakalimutang magpakita kay Kaiah dahil ang dami kong ginagawa, at malamang ay siya rin. As much as gusto ko siyang makita, magkaiba kami ng sched. Ang buong grupo rin ng tropa namin ay hindi nagkikita dahil malapit na magtapos ang first semester.

"Saan ka galing kamo? Kasama na naman si Kaiah?" Tanong sa akin ni Allistaire. Nasa labas kami ng campus. Nakasandal siya sa isang building.

"Oo. Badtrip nga, e. Nasira mood ko." I scoffed.

Pero kapag naalala ko 'yung umahon siya...

"Sinungaling ka, e! Ba't kinilig ka?!"

"Huh? Sino'ng kinikilig?!" Inis na sabi ko.

"Halata sa mukha mo! Umamin ka nga sa 'kin pre, may gusto ka na ba doon?"

"Wala! Bakit ko naman magugustuhan 'yon?" Nagpanggap ako na nandidiri. Pero we all know that it was fake. Kahit ako ay alam kong pinepeke ko lang. "Ano ba'ng meron do'n?"

"Lahat ng gusto mo sa babae." Nakangisi na sabi niya. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang may maisip.

"May gusto ka ba kay Kaiah?" Hindi ko inasahan nang sumeryoso ang tono ko. Ang isipin lang 'yon ay nakakapagpagalit sa 'kin. "Meron ba?"

"Tangina pre, joke lang! Alam mo naman na may gusto na akong iba 'di ba? Chill. Ang obvious ah."

"I... I was just asking," napatikhim ako, sinusubukang itago ang reaksyon kanina. "Basta ayon nga–"

"Oy magkwe-kwento na siya oh! Happy 'yan? Hahaha!"

Sinamaan ko siya nang tingin. Gusto ko pa rin namang magkwento. "Nagkaro'n kami ng party tapos nu'ng nasa deck ako, nandoon din pala siya. Kaso nga lang, may asungot naman siyang dala-dala–" hindi ko na natapos ang kwento ko nang humalakhak siya. Babanatan ko na sana siya pero sinenyasan niya akong magpatuloy. "Tapos sinamahan ko siya nang mag-'hi' siya sa mga guests. Tapos ano pa ba... "

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now