Chapter 21

73 27 0
                                    

KAIAH

Pagakatapos ulit ng ilang minuto ay tumambay na lang kami dito sa field. Si Raquel ay nagpupulbo sa isang tabi habang si Jigzy ay nakikipag-chikahan naman. Si Allistaire at Ron naman ay may pinag-uusapan. Habang ako, nakaupo lang sa may damuhan habang umiinom ng tubig sa hydroflask ko.

Si Jaxon na lang ang nawawala sa amin dahil ang sabi niya kanina ay bibili daw siya ng pagkain sa food park. Sinabihan niya pa akong hintayin ko siya dito. Sus, parang aalis naman ako dito e nandito rin naman lahat ng kaibigan ko.

Noong linapag ko ang hydroflask ko sa tabi ko, nakita ko na si Jaxon sa malayuan na naglalakad papunta sa pwesto ko. Napatigil lang siya sa paglalakad nang may babeng pumigil sa kaniya. Nalipat ang tingin ko sa babaeng maganda na may highlights ang buhok. Nakakapit siya sa balikat ni Jaxon at mukhang may sinasabi dito.

Mukhang chicks niya. It's still so hard to believe that this guy has feelings for me! Lalo na marami namang magagandang babae diyan. Magsasawa rin 'yan sa 'kin. Sinasabi ko.

Binalewala ko na lang ang nakita ko at patakbo ng bumalik si Jaxon. "Babe!" Pang-aasar niya sa 'kin, naupo siya sa tabi ko. "Matagal ba ako?"

Liningon ko siya nang nakataas ang kilay. "Hindi."

Bakit niya ba ako tinatawag ng gano'n?! Baka may makarinig pa at seryosohin nila.

"Ang ganda nu'ng babae na 'yon kanina. Sino 'yon?" Patungkol ko sa kausap niyang babae kanina.

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Si Patricia?"

Bulls-eye! Alam ang pangalan. Importanteng babae siguro. "Bagay kayong dalawa, siya na lang ligawan mo," pang-aasar ko sa kaniya habang nakangiti. Inis naman niya akong tinignan.

"Bakit, hindi naman siya 'yung gusto ko ah?"

Napalunok ako. "Ayaw mo ba sa kaniya? Kinakapitan 'yung braso mo, tas tinitignan ka na parang in love na in love," pang-aasar ko lalo, binunggo ko ang baliakt niya gamit ang balikat ko.

"Bet lang kapag ikaw gumawa no'n," panunukso niya. Nu'ng simangutan ko siya, he stuck his tongue out playfully. Nanlaki ang mata ko at iniwas ang paningin ko. Bakit ang hot tignan no'n.

My god, Kaiah. Mahiya ka nga! Wala ka pa namang gusto sa tao tas naiisip mo na ang gano'n?

"Gusto mo ba layuan ko si Patricia? May gusto kasi sa 'kin 'yon, baka uncomfortable ka. Basta hindi ko siya gusto. Ikaw lang,"

What?! "Shh, 'wag ka maingay ano ba. Baka may makarinig!" Nag-init ang mga pisngi ko at nahihirapan ako makipag eye contact sa kaniya. He just played it off at inakbayan ako palapit sa kaniya. Hindi ko inaasahan 'yon at hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang siya. Mas nalapit ang katawan ko sa kaniya at ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

Shit, this is really bad...

"Gusto ka ni Patricia? Saang strand ba siya?"

"ABM din, classmate ko."

Namilog ang bibig ko at hinarap siya, nanatili ang akbay niya sa 'kin. "Oh? Ang lapit naman pala niya sa 'yo. Bakit hindi na lang siya?"

"Sabi ko nga sa 'yo, 'di ko siya type. Ayoko sa mga maldita. Akala ko nga maldita ka kaya ayaw ko sa 'yo no'n dati."

Pinalo ko ang hita niya at hindi makapniwala siyang tignan. "Oy grabe ka naman! Hindi naman ako maldita! Seryoso lang ako tignan minsan," hindi ko alam na gano'n pala ang impression ni Jaxon sa akin dati. "Tas pinagtripan mo naman ako dahil doon?!"

"Kalimutan na natin 'yon, babe! Ang importante trip na kita, this time it's for real."

"Ay may maghaharutan, may naghaharutan," nadinig kong paulit-ulit na sabi ni Jigzy mula sa likuran namin. Liningon ko siya at binigyan nang nanunuyong tingin. Tinawanan naman niya kami.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now