Chapter 24

81 23 0
                                    

JAXON

"Malapit na tayong grumaduate, huling exam na natin 'to." Sambit ni Allistaire sa akin nang makarating na ang test papers namin. Business Finance ang subject. Ito na ang huling exam namin para sa term na 'to.

Tumango ako. "Kaya ipasa mo,"

"Uy grabe, parang wala akong napapasang exam ah!"

Nang matapos na ang exams, bumaba ako sa canteen para bilhan si Kaiah ng pagkain niya. Naisapan ko na lang na baka gusto niya kumain ng Bacsilog. Ngayon ay may bagong food service na din ang school. Along with that, I bought her iced tea in a plastic cup.

Naghintay ako sa tapat ng classroom nila, alam kong palabas na din 'yon. Maaga naman siyang natatapos mag exam dahil matalino 'yang babae ko.

Hindi pa din niya ako sinasagot. Minsan ay hindi ko na alam kung dapat ko bang ipagpatuloy 'tong panliligaw ko sa kaniya. But everytime I already see her, my heart keeps wanting to pursue her. It's only when she's not there when I feel that way. Normal lang naman na magkaro'n ako ng mga gano'ng tanong sa utak ko.

Paglabas niya ng room ay nagulat siyang makita ako. Nakangiti naman siyang nagpasalamat sa mga dala ko. At dahil uwian naman, inaya ko siyang sa kotse ko na lang kumain. Nagdala naman ako ng malaking kotse at pwede kaming sa likuran na lang kumain. Binuksan ko ang trunk ng kotse ko at doon kami umupong dalawa. Tinanong niya ako kung kumain na ako.

"Kumain na ako kanina bago mag exam. Last na 'to 'no? Tas tapos na." Nangingiti na sabi ko. "College na ang sunod,"

"Kinakabahan nga ako. Mahirap Engineering,"

Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Kaya mo 'yan, nakaya mo nga ang STEM."

"Tama-tama," pagmamayabang naman niya sa mapagbirong tono. "At saka papatunayan ko pa do'n sa impaktang tita ko na kaya ko mag Engineering. Akala niya ah,"

"'Yun oh, may motivation naman pala. Bukod sa future natin, kailangan mo rin 'yang gawin sa sarili mo."

Napahawak naman siya sa puso niya. "Future natin? Sige ba."

Ngumuso ako at napaiwas ng tingin. Gusto kong magtanong sa kaniya kung kailan niya ako balak sagutin pero ayoko namang isipin niyang namimilit ako. Sa punto nga na 'to, gusto ko na lang lumuhod at magmakaawa dahil hindi ko na talaga kayang maghintay. Nahihirapan na ako.

The day of our graduation finally came, and for the first time in so long. Both my parents were present on a special occasion for school. Nakasuot na ako ng maroon na toga at sa ilalim nito ay ang SHS uniform ko.

Gabi na noong magsimula na kaming bigyan ng award.

"Fleur, Jaxon Reese. With High Honors." Anunsyo sa pangalan ko. Napuno nang malakas na palakpakan ang auditorium. Kasunod ko namang umakyat si mom at dad. Si mom at dad ay nakahawak sa magkabilang side ng medal at sinabit 'yon sa akin.

Habang sinusuot ko 'to ay may narinig akong boses na nangingibaw sa lahat.

"Go, Jaxon! Ang tali-talino mo talaga!"

Napalingon ako sa auditorium seats at ayon nga si Kaiah na nakatayo na. Nakasuot rin ng toga at may medalya na nakasabit sa leeg. Sobra na ang ngiti ko at pamumula ng pisngi ko. At pinigilan ko talaga ang sarili kong tumawa nang malakas nang makita kong pinapagalitan na siya ng mama niya dahil sumigaw siya.

Pagbaba ko ng stage ay sinulyapan ko si Kaiah na ang upuan ay nakahilera sa section niya. Nakatayo pa rin siya at naka-thumbs up siya sa akin. "Good job," she said, just mouthing the words.

Putangina, ang hirap namang magpigil ng kilig. Nandito pa naman magulang ko.

"Congrats anak," hinawakan ni mom ang medal ko at saka ako tinignan. I could tell how happy she was along with dad.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant