Chapter 34

39 16 0
                                    

KAIAH

Tangina.

I breathed out. Gusto kong lumayo ngunit masyado akong mahahalata kapag ginawa ko 'yon. Magkatabi lang kami ni Jaxon at ako ay nakaharap sa kabilang gilid. Napagdesisyunan ko na kailangan kong tulungan ang sarili ko. I need to act normal. Inayos ko na lamang ang pag-upo ko. I crossed my legs and sat comfortably. Katabi ni Jaxon si Raquel at si Raquel ang kausap ko! Bwisit kasi 'tong lalaki na 'to. Tumabi pa sa gitna namin.

"Nice choice of song. Sino'ng pumili?" Nakangising tanong ni Raquel.

"Hindi ako." sagot kaagad ni Jaxon. He's holding a glass of wine in his hand.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya dahil totoo namang sexy siya ngayong gabi!

"Ay ang bilis sumagot! Pinaghandaan!" Pang-aasar ni Ron.

"Uy tawagan niyo nga 'yon si Jigzy, ayaw pa kasi umuwi! Edi sana nandito rin siya," sambit ni Ron. "Teka ako na nga, i-dial ko lang."

"Hey besties," narinig kaagad namin ang halakhak ni Jigzy sa cellphone matapos siyang matawagan.

"Ina mo umuwi ka na rito! Miss ka namin!"

"Kasalanan ko bang ang daming ganap pag wala ako diyan?! Masaya ako rito, nagbo-bonding kami ng jowa ko."

"Paano kami!" Sambit ni Allistaire. Kasama na namin siya, nakaakbay naman siya kay Morgan.

"Next week pa uwi ko, itong mga 'to--- gusto niyo lang humingi ng pasalubong 'no?!"

"Alam naman pala, e... " biro ni Jaxon.

"Ina mu, 'wag ka na. Dami mo ng pera."

"Daming sat-sat, uwi ka na kasi!" Jaxon laughed.

"Aysus, mas nauna mo pa ako ma-miss kesa sa ex mo. Tama ka na buy... "

Humalakhak na silang lahat.

Fuck you ka, Jigzy!

"Speaking off, nandiyan ba si Kaiah? Baka hindi na naman nagpunta yan ah,"

"Nandito 'yan, nagtatago lang." Ngisi ni Ron.

Linabas ko kaagad ang phone ko at nag-spam ng mga messages kay Jigzy. Sinasabi kong patay siya sa akin kapag nakauwi na siya ng pinas.

Ang presensiya ni Jaxon ay hindi talaga nakakatulong! Magaling lang akong magtago nitong kaba ko. Hindi ko na nga alam kung gaano ko pa matatagalan ang makatabi siya. We just had a petty fight in my office and that was the last time we have ever spoken to each other.

I invited the girls to dance with me in the dance club, kahit mahiyain ay napilit ko rin si Ate Lancy. Naghawak kamay pa kami habang tumatawa nang hilain ko siya papuntang dance floor. The rest of the girls, Morgan, and Raquel were a natural. We just enjoyed ourselves, listening to the music while dancing.

"Paano 'yung kembot ng bulate?" Nakangisi na sabi ko kay Raquel.

"Can't do it here, I don't wanna break the internet again." Kumindat siya habang sumasayaw pa rin. "Lancy, come here," hinila niya ang kamay ni Lancy. I was dumbfounded while seing Lancy dance. She's also a natural. Kami naman ni Morgan ang magkasama at sabay na sumasayaw.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now