Prologue

541 147 45
                                    


Author's note: Gonna start uploading chapters. Starting tonight!

KAIAH

Gaano na katagal simula nu'ng maka-graduate ako?

Nandito ako ngayon sa school field, nakaupo sa pinakababa ng bleachers. Hinihintay ko ngayon ang dalawang kaibigan ko para sa reunion namin. Isang mini reunion lang para sa aming tatlo sa Laurent University.

Dito ako nag-aral simula Senior High School hanggang maka-graduate na ako ng College. This place holds a lot of memories for me. Pinagmasdan ko ang malaking ark-shaped building ng Laurent University. Napangiti ako habang may mga naalalang masasayang memorya kasama ang mga kaibigan ko at ang pag-aaral ko.

Noong dumating na ang dalawa kong kaibigan, si Raquel and Jigzy, nagyakapan kaming lahat. Walang pinagbago si Raquel, kung maganda na siya noon, mas lalo pa siyang gumanda. Si Jigzy naman ay gano'n rin, he also dresses even better. Bagay sa kaniya ang dress shirt! Habang tinitignan ko sila, para akong naiiyak sa saya. Matagal-tagal din kaming hindi nakapagkita dahil busy na kami sa bawa't buhay ng isa.

"Bakit pala sa Laurent? Pwede namang sa restaurant na lang." Usal ko pagkatapos ko silang yakaping dalawa.

"God, did you forget?" Pagtataray naman ni Raquel. "SHS graduation anniversary natin ngayon,"

Nanlaki ang mga mata ko. Tinginan naman ako ng dalawang kaibigan ko like I was from another planet. Pinanliitan nila akong dalawa ng mata. Nagmamadali kong kinuha ang phone ko sa maliit kong purse at tinignan ang date. My mouth dropped a bit and then nodded. "Anniversary na?! Kagabi lang napanaginipan ko 'to, e... nawala sa isip ko!"

"Oo girl, anniversary na. Breakup anniversary niyo na rin ni ano sunod dito 'di ba?" Sabat ni Jigzy.

Pinakyuhan ko siya. "Shh... don't mention any names."

Kung ang lugar na 'to ay puno nang masasayang memories, kasama na doon ang memories ng ex ko. Ang sakit pa rin pag naalala kong dito nagsimula lahat. Pero wala naman akong pinagsisihan doon. We were happy together.

"Tara guys, let's take pictures! I want to post it on Instagram."

I got a text message from my phone so I checked it first. Kausap ko kasi ang kliyente ko kanina.

"Oy Engineer Verde, halika na dito!" Tawag sa akin ni Jigzy. Isinilid ko naman ang phone ko sa bag nang makita na handa na silang mag take ng selfie. Ako na lang ang hinihintay. Pwumesto naman ako sa gilid ni Jigzy at nagsimula na ang non-stop picture taking namin. Magaganda ang suot namin kaya game lang talaga mag-picture.

Gumawa kami ng isang pose na kunwari hahalikan namin si Jigzy sa magkabilang pisngi. At sunod-sunod na 'yon. Makapal pa ang mukha ko dahil nagsabi pa ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala na kuhanan kaming tatlo ng picture sa harapan ng ark-shaped building ng Laurent. Nakahawak kami sa bawat bewang ng isa habang naka-wacky pose naman ako.

"Thank you!" Pagpapasalamat ko naman sa taong kumuha ng picture namin.

"You're w-welcome," nahihiyang sabi niya. Namumula ang pisngi.

Lumapit naman ang dalawang kaibigan ko para tignan ang larawan pagkatapos ibalik sa akin ang cellphone ko.

"Type ka ata nu'ng bata," humalakhak si Jigzy. Estudyante pa lang kasi 'yon. "Lagot 'yon kay Jaxon."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala ngang magbabanggit ng pangalan 'di ba?!" Inis ko siyang binatukan. "Isa pa talagang banggit mo sa pangalan no'n, magsasampalan tayo dito."

Tumawa naman siya at nag-'sorry'.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa buhay bago silang naunang umalis. Si Jigzy ay sinundo ng boyfriend niya at si Raquel naman ay umuwi nang mag-isa. Ako na lang ang tanging naiwan sa aming tatlo dahil gusto ko muna manatili sa school. Mahangin naman dito at hindi gaano kainit.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt