Chapter 18

63 32 0
                                    

KAIAH

"Ipapaalam daw kay tita," pag-uulit ko sa sinabi niya. "Sige ba. Bet? Pag pumayag 'yon, sasama ako. Kapag hindi... edi sorry, na lang,"

Hinintay ko ang reaksyon ni Jaxon. Knowing him, hindi naman ata siya 'yung tipong umatras sa mga ganoon. Tama nga ako nang mahuli ko ang mga mata niya na tila nagliliwanag dahil sa mga kalokohang naisip. Napangisi ako nang bigyan niya ako nang nanghahamon na tingin. "Okay, then. You want a bet? I'll give it to you,"

Nagulat ako nang ilalabas niya na sana ang cellphone niya sa bulsa. "Huy, huy, ngayon na?! As in ngayon na?!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ayaw mo? Takot ka 'no? Alam mo... feeling ko talaga ayaw na sa 'yo ng mama mo. Pinapamigay ka na sa akin."

Hindi ko inaasahang iyon mismo ang sasabihin niya. Pinapamigay?! "Hoy! Grabe ka naman sa pinapamigay?! Nagtitiwala lang 'yon sa 'yo dahil sa itsura mo ulul!"

Napangisi siya. "And what exactly is it about my looks that made her want to trust me?"

"Ugh," suminghal ako. 'Yan na naman siya. "Whatever."

Ngumiti siya na nagtagumpay. "Gusto ko na tawagan ngayon si tita... " pagdra-drama niya habang nakatingin pa sa ibaba. Binalik niya ulit ang paningin sa akin. "Papayag 'yon! Kahit hindi ka na nga magpaalam, eh,"

"Aba? Desisyon ka? As if naman papayag 'yon!"

Kahit pa may tiwala 'yan si mom kay Jaxon, it's not a valid reason to let me hangout around his house! Hinahayaan naman nila ako gawin ang gusto ko, puntahan ang gusto ko kung ligtas naman, pero hinding-hindi sa bahay ng kaibigan. Lalong-lalo na kapag lalaki! Pero kahit ganito ang naiisip ko, nag-aalala pa rin ako na baka payagan ako ni mom. 'Yung possibility na 'yon ay nanatili sa akin dahil binigay ba naman ang number ko sa mokong na 'to?

Inis akong napakamot sa ulo ko nang kuhanin niya na talaga ang cellphone niya. Naglakad-lakad pa siya kaya nasa gitna kami ngayon ng L.P. tumigil lang siya sa isang tabi... tinitignan ako nang nanunukso. This fucker!

"Oh, gusto mo i-loud speaker ko pa?" Panunukso niya.

I grimaced. "'Wag na, baka mapahiya ka pa."

Sinabi ko 'yon pero ako naman 'tong kabado! Pinaka ayaw ko kapag lumalago 'yung ego nitong isang 'to! And, kung payagan ako ni mom, mas lalo lang tataas ang kompyansa niya sa sarili.

"Sige ah," nakangising pa ring aniya. Parang mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko nang marinig ang pag-ring nito. Tawa na nga siya nang tawa pero ang mukha ko lang ang seryoso.

"H-hello? Jaxon? What is it?"

What the--- sinagot ba talaga ni mom 'yung tawag niya?!

Impossible! Mom said I shouldn't even call her today because she's busy! Ano 'yan si Jaxon, bagong anak?!

"Oh, hi tita! Si Jaxon nga po 'to," Jaxon proceeded, teasingly looking at me. Wala akong masabi! "I was wondering if Kaiah can come to my house?"

"Your house? What for?" Nag-iba na ang tono ng boses ni mom. Naging istrikta na ito. Napansin ko ang paninibago ng emosyon ng mukha ni Jaxon. Aw, looks like I have a chance to win this.

Napalunok si Jaxon. "For... well, don't worry tita! Kasama rin ang ibang friends niya. Mag ha-hang out lang po sana kasi kami sa bahay ko, wala po kasi si mom at dad,"

"What kind of hangout?"

Napatakip ako sa bibig ko at tumalikod upang tumawa. Tawang-tawa ako at hindi ko na mapigilan! Halatang nahihirapan na si Jaxon sa mga palusot niya at kung ano pa man ang gusto niyang sabihin. Humarap ako ulit, medyo kumalma na sa kakatawa. Masama na ang tingin niya sa akin at parang hinahamon pa ako lalo.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now