Chapter 41

47 21 0
                                    

KAIAH

"Fuck my life... " I whispered.

"Engineer Verde, 'yung ground ceremony daw po next week na." Paalala sa akin ni Engineer Abapo. He's one of the Engineers from my firm.

Mahigit isang linggo na kaming hindi nakakapag-usap ni Jaxon! Pagkatapos ng nangyari na tinawagan niya ako, hindi na ulit nakapag-usap. I ignored him on purpose but I didnt know he would just take it as it is. Akala ko naman ay susuyuin niya ako pero hindi naman nangyari ang gusto ko!

"Y-yes, I already... no, actually. Thank you for reminding me,"

"Of course miss!" Full of energy niya pang sabi sa akin.

Minsan nakakalimutan ko na I'm well respected in the field because of my succesfullness. I already had a name in the corporate world kung ginamit ko, pero iba itong sa pagiging Engineer ko. Hindi ko rin naman kasi 'yon pinapatakbo sa utak ko.

Paghahandaan ko pa pala ang event na 'yon. Well, hindi naman ako gagawa ng paghahanda ng buong event, ngunit paghahandaan ko rin ang speech na gagawin ko.

Noong hapon, nakatanggap ulit ako ng email from Fleur Enterprises, an invitation email, reminding me of the speech. So that night, iyon na lang ang ginawa ko. Ang magsulat ng speech ko, it didn't have to be that long. Kailangan ko rin pala i-memorize ito. Tanging study lamp na nakapatong sa table ko ang nakabukas na ilaw. Binuksan ko na ang laptop ko.

Pagkatapos ko gawin ang speech ko, pinatay ko na ang laptop at nag-inat ng braso. Finally, tapos!

Nahagip naman ng mata ko ang calendar.

It's already the month of November.

"Malapit na pala ang birthday ko... " I sighed. Wow. Malapit na rin ako maging twenty-four kagaya ni Jaxon.

Naalala ko tuloy na two years ng birthday ko ang hindi ko na-celebrate ng hindi siya kasama. At kapag hindi pa niya talaga ako kinausap ulit, magiging pangatlo na 'to. Ugh. Bakit ba ginagawa ko na naman 'tong tungkol sa kaniya e birthday ko 'to?

To get off my thoughts, lumabas muna ako ng kwarto at nagtimpla ng hot chocolate drink. Ngayon pa lang ay pinag-iisipan ko na kung kailan at paano ko isasaulo ang speech. Madali lang naman para sa akin ang magsaulo, ang problema nga lang busy ako kaya hahanapan ko 'yon ng oras.

Napasandal ako sa kitchen counter habang sumisimsim sa drink ko.

Bahala na.

Pero bothered pa rin ako na hindi niya na ako kinausap!

Narinig ko ang pag-ring ng phone ko kaya binalikan ko 'yon sa kwarto. Napanganga ako nang makita na si Jaxon 'yon. I was just thinking about him.

"Oh?" Sinabi ko 'yon na parang wala akong pakialam. Na parang hindi ko siya iniisip kanina.

"Hindi mo kukunin 'yung mga gamit mo rito na naiwan? Medyo marami 'to... "

I blinked. "What?"

"Ito, 'yung mga gamit mo? Hindi mo ba kukunin dito?"

Napangisi ako dahil sa inis. "Gusto mong kunin ko? Pinapalayas mo ako?"

"Ha.. hindi... " tila nahirapan siya magpaliwanag. "Sinasabi ko lang na—"

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now