Chapter 7

154 90 6
                                    

JAXON

"Did she sleep so hard?" Tanong ni Ahlia sa akin. Nagulat akong malaman na nandito na pala siya sa harapan ko. Tinignan ko ulit si Kaiah na mahimbing na natutulog. Hindi na talaga siya gumalaw simula nang bantayan ko siya!

I was just using my phone while waiting for her to wake-up. Hindi ko alam kung ano'ng pinaggagawa niya kanina pa at nakatulog siya. Mabuti nga 'yon, e. Tahimik.

"Quiet muna tayo, ha. She's sleeping," pilyong sabi ko. "Ano ba ginagawa niyang ate mong ang ingay-ingay at ang taray?"

Ngumuso siya. "Why are you talking bad about her while she's sleeping!"

Natigilan ako sa naging reaksyon ng bata. "No, no! It's ano... I like it that way."

"Oh... " tango-tango na sabi niya. "That's good!"

Napakamot ako sa sentido ko. Totoo ba na sinabi ko talaga 'yon?! Ayos lang rin kasi may bata. "Siguro walang tigil siya kakadaldal sa mga bisita kaya logstu na. Hindi ka ba naiinis sa ate mo?" Nang makita kong naguluhan siya sa sasabihin ay natawa ako. "Biro lang! I'll keep watching her here. Go play."

Tumango siya sa akin bago lakad-takbong umalis.

Minsan ay iniiwasan ko'ng pagmasdan si Kaiah dahil baka kung ano'ng isipin ng ibang tao sa paligid. I really don't mind sa totoo lang! Pero nandito kasi ang mga magulang ni Kaiah.

"Oh, she fell asleep."

Nag-angat ako ng tingin sa tatay ni Kaiah nang magsalita siya.

"Opo," natawa na lang ako sa sagot ko. Napansin ko na pinagmamasdan niya ang anak na natutulog.

"Close ba kayong dalawa?"

"Ah... "

Sa puntong ito ay hindi ko alam ang sasabihin. "Close enough po siguro? 'Di ko po mapaliwanag." Tumawa ako.

"Hm... " natawa rin ang lalaki. "Alam mo 'tong anak kong si Kaiah. Gustong-gustong pinapagod 'yung sarili. Anyway, that's what I really like about my daughter. She's hard working but lazy at the same time. You know?"

I smiled. Ngunit napaisip rin ako sa sinabi niya.

I bet she's not as hardworking as I am.

Pero paano nga kung totoo 'yon? Hindi naman siguro kasinungalingan 'yon? Kasi mismong tatay niya na ang nagsabi. Tsk. Ang dami ko rin kaya na kayang sabihin tungkol kay Kaiah.

"Sandali lang sir, may ibibigay sana ako sa kaniya. Pwede kayo na lang ang magbibigay?"

"Sure." Walang alinlangan niyang sabi.

Lumabas ako saglit upang kuhanin ang hinanda kong regalo kay Kaiah. I opened the trunk of the car where I left it. Dahil ayokong makita ni dad! It was a black box with flower like vines sculpted on the outside. Sa loob nito ang rose at ang card. Kulay midnight blue ang card na ito at naka-engrave ang message ko. Pinaghirapan ko 'to ah! Hindi 'to 'yung basta-basta na naghanap ako nang box tas tinapon ko na lang 'yung rosas sa loob.

Inabot ko 'yon kay Alex. "Please... don't ask me why I'm giving it to her," napahawak ako sa leeg ko, nag-iwas ng tingin habang nakangiti.

Ang awkward, tangina.

Noong magising na siya, nag-usap kami sandali sa labas. Behind my head, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya kapag natanggap niya na 'yung gift ko. Basta ang gusto ko lang, malaman niya na seryoso ako do'n. Habang sa simpleng tingin ko lang sa mukha niya, nagagandahan ako sa bawat anggulo at pagkahubog ng facial feautures niya.

Fine, I admit it. She really looks good tonight.

Too good actually. Her dress really suits her well.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now