Chapter 42

51 23 0
                                    

KAIAH

Ang daming kong gagawin sa birthday week ko.

First, I've planned on going out of the country for my birthday.

But before that, meron pa akong birthday celebration kasama ang buong friend group namin. Ang sabi nila sa akin ay sila na ang nakapagplano no'n. Kasabay pa no'n ay kailangan kong mag-visit sa site sa Pampanga dahil sinisimulan na siyang gawin. Punong-puno na ang schedule ko.

I'm also celebrating my birthday with Jaxon's parents. Naisip ko na kung kailan 'yon, pwede mangyari kaso nga lang ay hindi ko naman alam kung available ba no'n sina tito at tita. E, kung kinakausap lang sana ako ni Jaxon edi sana alam ko.

Kakauwi ko lang galing Pampanga and it's so dark already. I just got out of my car after parking it. Sobra akong napapagod. Ilang araw na rin akong nagpupunta ng Pamapanga na sunod-sunod kaya nakabisado ko na rin ang daan papunta.

Pagkatapos ko mag-shower at magbihis, I texted Raquel and Jigzy regarding our trip to Australia. That's where I'm planning to go. Ilang araw lang din naman 'yon dahil kailangan ko ulit umuwi sa Pilipinas. I actually have control over my schedule, as hectic as it is. Siguro kahit gaano pa ako katagal mag-stay dahil ako ang boss. Sa ibang bansa pa dapat ako pupunta pero nagkataon na na-assign akong magpunta sa Australia para bisitahin ang ginawa kong building doon! I'll have to deal with that soon.

Pagkatapos ko mag-text kay Raquel and Jigzy, hindi ko na nakayanan at ako na ang nagbaba ng pride ko. I texted Jaxon to ask kung kailan ang handaan sa bahay nila. Marami akong gagawin kaya hindi ako dapat mag-inarte.

To Jaxon:

Good eve. Kailan pala maghahanda sa bahay niyo? Wala kasi ako sa pinas sa mismong birthday ko. Pakisabi na lang kina tito. Pero available naman ako the day before my birthday.


From: Jaxon

Wala ka? Bakit?

Napangiti na lang ako. To him, siguro wala lang ang tanong na 'yon.

Let's just pretend he's worried about me.

To: Jaxon

Pupunta me ng Australia, para sa work tas celebration.

From:

Ah, sige. Sabihin ko na lang sina dad.

I rolled my eyes. "Psh, ang cold naman. Kailan niya ba kasi ako papansinin?!"

Noong umaga, nakatanggap ako ng message kay Jaxon kung kailan ako pwedeng pumunta sa bahay nila. It was three days before my birthday, nandito pa naman ako no'n sa Pilipinas. Saktong timing!

Sa araw na 'yon ay nagpunta ako ng six pm, kabababa lamang ng araw pagkarating ko sa bahay nila gamit ang kotse ko. Bumagal ang paghinga ko habang pinagmamasdan ang bahay nila. Akala ko hindi na ako kailanman makakapunta ulit dito. Nagpapasalamat ako na kahit wala na kami ni Jax, tinuturing pa rin akong anak nina tito.

Pero pwede rin naman akong maging girlfriend ulit ni Jax, eh.

For the special day, I'm wearing a mauve colored cardigan on top of my white shirt. Ang pambaba ko ay white wide-legged jeans.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now