Chapter 36

63 19 11
                                    


JAXON

My eyes are fixed on my ipad instead of the person speaking in front of us. Nandito ako ngayon sa board meeting room. Kahit hindi ako nakatingin ngayon sa presentor at wala ang presensiya ko sa taong nakapalibot ngayon sa akin ay alam kong tahimik at iisang boses lang ang nagsasalita. Muli akong nag-angat ng tingin sa employee ko na nagsasalita sa harapan ko.

"Our online platform gives our customers more access on the new things we have to offer... "

Nagpatuloy lang ako sa pagtitingin ng social media feed niya.

20 posts 896 followers 143 following

Kaiah Amara

Blinock nga niya 'yung main account ko pagkatapos namin mag-break! Buti na lang nalusot ko 'yung dummy account ko. I created a dummy account and gave her a follow request, hindi ko alam bakit niya tinanggap. Siguro hindi niya na napansin.

Namalayan ko na lang ang sarili kong ngumi-ngiti habang tinitignan ang mga pictures niya. Nang mapansin ko ang kinikilos ko, napatingin ako sa harapan at napatango-tango nang mapansin na mukhang nagkakasundo na ang board members. I didn't pay them any mind anymore and just continued what I was doing.

Hm... pinaka-recent post niya last month pa.

Sight seeing pero literal na site :)

It was a picture of her wearing her corporate attire. Nakasuot siya ng blouse and pencil skirt, sa ulo naman niya ay nakasuot ang puting hard hat. Nakatayo siya sa harap ng isang building na hindi pa tapos gawin. Naka-"thumbs up" siya sa harapan ng camera, nakangiti ng pilyo.

She's so cute....

While scrolling through her pictures, my heart skipped a beat.

Ang ganda... ang ganda-ganda niya...

Whether it was a selfie or a picture of her striking a pose, damn. Kaiah's really a sight. Lalo na 'yung ngiti niya na nakalabas 'yung ngipin... how her cheekbones were up, you could tell she was happy.

Nararamdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko habang tinititigan ang photos niya kaya bigla ko na lang pinindot ang off button ng ipad ko. Binaba ko 'to sa table, ang screen ay hindi nakaharap sa akin. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang nasa isip ko lang ay ang mukha niya. It was making me crazy. I knew what was going on inside my head and It makes me want to smile all over.

Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Binuksan ko na naman ang ipad ko para tignan ang mga pictures niya. Puta, konting-konti na lang baka mangitian ko na lahat ng employado ko rito!

"Mr. Fleur, in order for us to update our online platform regarding our products, we have proposed a new budget for it."

Wala sa oras kong pinatay ang ipad ko ulit at tinignan na ang presentor. Natatawa pa rin ako sa kagagaguhan na ginagawa ko kaya napatikhim ako para sumeryoso. Inayos ko ang upo ko at diretsong tinignan ang lalaki. "This budget is a bit too high, gaano katagal bago natin ma-upgrade ang online platform natin?"

"It will be worked on for months sir, pero the updates can be continued on for a year."

"So eventually, the budget for it will still increase in the long run," Sambit ko nang maisip ito. "This budget can be used for other things lalo na at napakalaking amount. I like your proposal, but the budget needs to be worked on. I've read some feedbacks sa website natin, and so far it's okay. Let's continue with the upgrade, but let's not make big changes yet. Let's make it gradually."

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now