Chapter 4

184 107 8
                                    

KAIAH

"Hala! Ayoko na, ayoko na!" Tanggi ko kaagad nang marinig ko ang sinabi niya.

"Hindi na pwede, Kaiah! Bawal na bawiin!" Pamimilit sa akin ni Jigzy. "Sama ka na please? Pagbigyan mo na ako! The more the merrier. Para ka namang others," nagtatampo na aniya.

"Eh bakit kasi kasama pa 'yon?! Hindi ba pwedeng 'wag na siya kasama?"

"Hindi pwede. Alam mo namang bestfriend niya 'yung kambal ni Raquel 'di ba? Kahit saan magpunta 'yon, sasama talaga si Jaxon."

"Edi 'wag isama si Ron," umirap ako.

"Hindi nga pwede 'te! Tayo nga lang ang makikisama sa kanila. Request nga 'yon ni Raquel, e. Ayaw mo no'n, pumayag si Ron?" Nakangisi namang pang-aasar niya sa akin.

"Tsk. Bakit naman siya papayag? Close ba kayo?"

"Ay wow, sis. Ang sama ha. Baka pumayag kasi crush ka! Hahahaha! Alam mo namang beloved niya 'yung kapatid niya. Bukod pa doon, ayon sa aking research. Crush ka ni Benison."

Ngumiwi ako. "Hindi totoo 'yon. Saan mo narinig?"

"Kay Raquel."

"Linoloko ka lang niyan."

"Anyway..." Suemeryoso na ang tono niya kaya pinukol ko lalo ang atensyon ko sa kaniya. "Bakit pala ayaw mo kasama si Jaxon? Nahihiya ka ba sa kaniya kasi ano... may something kayo? 'Wag ka magagalit! Napapansin ko lang!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Pero hindi ko na naman alam ang sasabihin. Nginitian ko na lang siya. Pero noong tumalikod ako sa kaniya, diring-diri ako! Gumawa ako nang nasusukang mukha. Iisa lang naman ang kilalang tao na kilala ko na mag a-assume na mayroong namamagitan sa amin. Iisang gago lang naman ang nasa isip ko at mukhang kilalang-kilala na 'yon ng bawat parte ng katawan ko.

Pinag-usapan pa ulit namin ang tungkol sa pupuntahan namin this Saturday. Hindi pa namin nakakausap si Raquel tungkol doon kahit siya talaga ang dahilan kung bakit kami aalis. May bibilhin kasi siyang mga materials para sa project niya at doon na lang isasabay ang hangout naming magka-kaibigan. Hindi rin namin matyempuhan si Raquel dahil may inaasikaso siya sa room nila, ganoon rin kami ni Jigzy. Iintayin na lang namin siya mamayang uwian.

"Hayaan mo na. Minsan lang naman." Pampalubag-loob na sabi ni Jigzy. Nakangiti siya sa akin. Akala niya siguro ay mahahawa ako sa saya niya na 'yan.

Oo nga. Minsan ko lang naman makakasama nang buong maghapon yung gago na 'yon.

Noong nakita na namin si Raquel. Pumasok na lang muna kami sa room nila dahil wala ng tao doon bukod sa amin.

"Tomorrow pala, alis tayo ng 2 pm." Paalala ni Raquel sa aming dalawa ni Jigzy. Suot-suot ko na ang backpack sa likod ko at iniintay na lang ang mga sasabihin ni Raquel bago ako umuwi. "Sa mall lang naman tayo. I will buy my things first and then bahala na tayo magliwaliw sa mall."

Tumango-tango ako.

"Kung gusto niyo magpa-late pa kayo ng konti. Saglit lang naman 'yung bibilhiin ko sa department store."

"Ay gano'n? Okay lang! Samahan ka na namin!" Sabi ko naman.

"Sure, why not." Ngumiti si Raquel. Napaka-friendly pakinggan ng boses niya.

Sumakay na lang ako ng taxi pauwi sa condo ko. Pagkarating ko sa floor ko ay kinuha ko na ang susi at binuksan ang kwarto.

Nagbihis na ako nang pambahay matapos ko mag shower. Ngayon ay iniisip ko na kung ano ang kakainin ko pang hapunan. Binuksan ko ang pantry sa taas lang ng lababo para makita kung ano ang pwede kong makain. Kahit instant lang ay pwede na sa akin. Basta masarap.

Tough Encounters (Laurentian Series #1)Where stories live. Discover now