CHAPTER ONE

9.4K 268 37
                                    




Six Years Ago

Amere

"It's now or never."

Dinampot niya ang shot ng vodka na nasa harapan niya at ininom iyon. Alam niyang nagtatawanan ang mga kaibigan niya dahil sa inaakto. Sinamaan niya ito ng tingin at muli ay inagaw ang bote ng Belvedere vodka at nagsalin sa shot glass at muling ininom iyon.

"Hoy. Dahan-dahan naman. Baka ma-bad shot kami sa mga hot mong kuya kapag iniuwi ka namin na lasing na lasing." Natatawang sabi ni Acie at kinuha sa kanya ang bote ng alak.

"Walang pakialam ang mga buwisit kong kapatid sa gagawin ko. Busy mambabae ang mga iyon," muli at inagaw niya ang bote pero hindi na nito ibinigay sa kanya. "Come on. Give it to me."

Umiling si Acie at sumegunda naman si Reeva. "Amere, ano ba kasi ang nangyayari sa iyo? Bakit ka ba nagwawala?"

Pahilata siyang naupo sa sofa at tumingin sa kisame. Umeepekto na ang ilang shots ng vodka na nainom niya.

"You know I'm in love with Bern for so long. I cannot control my feelings anymore. And he told me he likes me too." Naiiyak na tumingin siya sa mga kaibigan. "Am I not pretty? One moment naglalandian kami tapos biglang-bigla iniiwasan na niya ako." Parang bata ang hitsura niyang nagta-tantrums sa harap ng mga kaibigan.

Parehong napa-rolyo ang mga mata ng mga ito at napailing.

"Amere, Bern is an asshole. Flavor of the week ka. Ano ka ba? Dami-daming may gusto sa iyo mas gusto mong magsiksik sa gagong iyon," nagsalin sa shot glass si Acie para inumin pero mabilis niya iyong inagaw at ininom.

"What do you mean flavor of the week? Hindi ganoon. We have a mutual understanding." Pinahid pa niya ang alak na tumulo sa baba niya. "We like each other. We are craving for each other and I am ready for him to pop my cherry."

"Jesus Christ!" Magkapanabay na sigaw ng mga kaibigan niya. Naramdaman niyang sinabunutan pa siya ni Reeva. "Gaga ka ba? Ano bang pinagsasasabi mo? Gusto mo bang mapasama sa list of girls na tinikman lang ni Bern? Gaga ka. Makakalbo ka ng mga kapatid mo kapag nalaman 'yang mga sinasabi mo."

Sumimangot siya. Bakit ba hindi nila maintindihan na totoo ang nararamdaman niya kay Bern? They were talking. They have a mutual connection. They both have sexual attraction with each other. The guy was not an asshole. He was...

Ano nga ba? Ano pa nga ang mga characteristics ni Bern? Guwapo. Iyon. Iyon ang number one. Yes, he looked like a screaming asshole, but she knew he was not an asshole like what her friends were telling her. He was hot. Girls were practically throwing themselves to him at kasama na siya doon.

"Amere, luka-luka ka. Si Bern, pakitang tao lang ang mga ginagawa niya. Ang mga ipinapakita niya sa mga babae, superficial lang iyon para ma-inlove sa kanya. Pagkatapos makuha ang gusto, iiwan na. Kaya tumigil ka. Huwag kang sumali sa mga gagang babae na nabulag sa gago na iyo." Damang-dama niya ang galit sa boses ni Reeva.

Inirapan niya ito. "Inggit ka lang. Kasi hindi ka pinatulan ni Bern."

"What the fu-" gulat na gulat ang kaibigan sa sinasabi niya. It was the alcohol. It was kicking in her system kaya hindi na niya mapigil ang bibig niya at kung ano-ano na ang nasasabi niya. Saka alam naman talaga niya na type din ng kaibigan niya si Bern.

"Totoo naman 'di ba? You like him. Tapos hindi ka niya pinansin. He told me that," umirap pa siya.

Halatang nagpipigil ng galit si Reeva at namumula ang mukhang tumingin sa kanya. Naiiling na tumayo at binitbit ang bag.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon