CHAPTER TWENTY-THREE

4.3K 203 35
                                    


Amere

            Ramdam niya ang malambot na hinihigaan. Napaungol pa siya at niyakap nang mahigpit ang nakapa na unan. Hindi muna siya nagmulat ng mata dahil pakiramdam niya ay pumipintig ang ulo niya. Parang binibiyak. Ang sakit. Hindi naman ganito ang epekto sa kanya kapag gumagamit siya ng weeds. That has a calming effect for her but his time, what she felt was terrible.

            Hinila pa niya ang comforter na nakatabon sa katawan niya. Pero saglit siyang natigilan. Napakunot ang noo tapos ay dahan-dahang iminulat ang mga mata at sinilip ang sarili sa ilalim ng comforter.

            Nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

            She was naked.

            Pakiramdam niya ay nawala ang natitirang antok na nararamdaman niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon at iginala ang mata sa paligid. What the hell happened to her? Whose room was this? And where were her friends? She was sure last time she was enjoying the party with her friends. Cami was hitting on her. Giving her ideas about a threesome. There were strippers dancing wildly. Booze was flooding the room last night. Pero bakit ngayon ibang-iba ang silid na ito? Malinis. Maayos. Parang walang party na nangyari kagabi.

            Pinakiramdaman niya ang paligid. Napatingin siya sa banyo at sigurado siyang may tao doon. Napangiwi siya at marahang sinabunutan ang sarili. Ano ba ang nangyari kagabi? Ang huling naalala niya ay lumabas siya sa hotel room, nag-weeds tapos ay bumalik na dito. Then she kissed the stripper. She was sure she made out with that stripper who looked exactly like Dorian. They had sex? She had sex with the stripper? Napabuga siya ng hangin. Everything was blurry last night. Kinatok pa niya ang ulo sa pagbabakasakaling bumalik ang lahat ng memorya niya sa nakaraang gabi.

            Napalunok siya nang marinig na may nagbubukas ng pinto ng banyo. Bumalik siya sa pagkakahiga at muling nagtabon ng comforter. Nagpanggap siyang tulog at nakikiramdam. Alam niyang naglalakad ang kung sino man na kasama niya sa kuwarto. Inis na inis siya sa sarili niya. She was reckless. Bakit ba hindi man lang siya pinigilan ni Reeva kung sumama siya sa stripper kagabi?

            Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Okay. Think, Amere. He is a stripper. Maybe he needed extra money. If that's the case, give her extra money.

            Nakarinig siya ng tumunog na telepono.

            "Hello?" Boses lalaki ang narinig niya. Napakunot ang noo niya. Parang pamilyar ang boses na iyon.

            "Today? Si Mommy? May announcement si Mommy?"

            Mommy? Sino ang tinatawag na mommy ng stripper na ito? Sugar mommy siguro.

            "What time? Okay, I'll be there. Why don't you ask her? Bakit ako?" Narinig niyang mahinang nagmura ang lalaking may kausap sa telepono. "Fine. Whatever."

            Tingin niya ay tapos nang makipag-usap sa telepono ang lalaki. Tahimik na ang buong silid tapos ay naramdaman niyang bahagyang lumundo ang kamang hinihigaan niya. Napahinga siya ng malalim. She cannot forever stay here under the comforter. She needed to face the consequence of what she did last night.

            "If you are going to ask for additional pay..."

            Napahinto siya sa sasabihan nang makita ang lalaking nakaupo sa kama at nakatingin sa kanya.

            "Good morning," nakangiting bati nito. Wala itong suot na damit kundi nakatapi lang ng tuwalya at halatang bagong ligo.

            Napa-awang ang bibig niya sa kabiglaan.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon