CHAPTER TWENTY-SIX

3.7K 235 21
                                    


Dorian

He had to do it.

He had to show Amere that she couldn't just walk all over him all the time. He had to let her know that he has his limits. And it happened right now. Nang makita lang niya ang Cami na iyon na panay ang panghaharot kay Amere kanina ay talagang naubos na ang pasensiya niya tapos wala pang tigil ang babae sa kaka-insinuate na bakla siya kaya talagang hinalikan na niya ito.

Saka bakit ba paulit-ulit si Amere sa pagsasabi sa kanya na bakla siya? Ilang beses na ba silang nag-sex? Ilang beses na ba niyang napatunayan dito ang kakayahan niya sa kama? She screamed his name all the time. He could let her reach her orgasms. Tapos hanggang ngayon iyon pa rin ang ipinipilit nito? Medyo napikon na siya. At talagang napipikon siya dahil ngayon ay ipinagkakalat pa nitong lesbiyana na ito.

Tinapunan niya si Amere ng tingin habang nagmamaneho. Matapos niya itong halikan ay hindi na ito kumibo at tahimik lang na nakatingin sa labas ng sasakyan tapos ay hinahawakan nito ang mga labi at napapailing.

He wanted to say sorry for what he did. Kahit kailan ay hindi niya ginagawa sa babae iyon. Well, hindi naman talaga siya humahalik sa mga babaeng nakaka-sex niya. For him, a kiss was something special. It should only be done to someone special for him. But with Amere, he won't be getting tired kissing her. Because she was special to him.

"I told you before and I am going to tell you again. Berett is not my lover. He is just my best friend. He had no one who could understand his situation. He cannot come out because his family will disown him." Iyon na lang ang nasabi niya habang nagmamaneho.

Hindi kumibo si Amere at nanatili lang na nakatingin sa labas ng sasakyan.

"What you saw six years ago was nothing. He thought we had a thing kasi ako lang ang taong nakikisama sa kanya. Akala niya okay lang sa akin iyon. He kissed me but..." bahagya pa siyang kinilig sa pagka-umay nang maalala ang ginawang iyon ng best friend. "I am not really into men. I like women. Ilang beses ko bang dapat patunayan sa iyo 'yon?"

Tinapunan siya ng tingin ni Amere pero muli ay itinuon ng pansin ang tingin sa labas.

"Hindi ako katulad ng ibang mga lalaki na kailangang magpaka-brusko para lang mapatunayan sa babae na lalaki talaga ako. I don't care what people would think about me. They think that I am gay because my best friend is gay? Fuck them. Ako ang nakakakilala sa sarili ko. At alam ko na straight ako at babae ang gusto ko." Patuloy pa niya.

Tumaas ang kilay ni Amere at tumingin sa kanya.

"You never had sex to any man?" Tanong pa nito.

Natawa siya. "Jesus Christ, Amere. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi nga ako bakla. Wala akong experience sa lalaki." Napakamot siya ng ulo. "How about you? The moment you came out. Do you like it? What's your experience with women?"

Saglit itong natigilan sa tanong niya at muling ibinaling sa iba ang tingin.

"Did you kiss? You and that woman in your office? I saw earlier that you are so close to each other." Napasimangot siya nang maalala ang babaeng iyon.

Umiling si Amere tapos ay napahinga ng malalim. Hitsurang talunan.

"I just made that up." Marahan nitong hinilot ang ulo.

"Made what up?" Taka niya.

Sinamaan siya nito ng tingin. "The lesbian thing. For six years I never had any man in my life. Dated many men but it turned out they are just bunch of assholes who wanted to fuck me. Ang pangit ng mga experience ko sa mga lalaki." Tumingin ito sa kanya ng makahulugan. "And then, we met again and I thought, why not you, right? I mean, you're my first and we had sex again. I was ready to try. But then what happened? Your best friend showed up. On our supposed to be date night." Ngumiti ito ng maasim sa kanya.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon