CHAPTER SIX

4.5K 210 36
                                    


DORIAN

--------------------------------------

"Fucking relax. Relax."

Naramdaman niyang marahan pang tinatampal-tampal ni Dindee ang mukha niya habang tinutulungan siyang ayusin ang suot niyang polo. Inis na tinabig niya ang kamay nito at siya ang nagbutones ng polo niya hanggang leeg.

"Let it loose. Remember you are going for a date. Hindi ka pupunta sa lamay," inalis nito ang pagkakabutones sa leeg ng polo niya at inayos ang kuwelyo noo. Tumingin pa sa buhok niyang naka-sideswept ang bangs na nilagyan niya ng gel. Alam niyang naasar ang kapatid sa hitsura niya kaya walang sabi-sabing ginulo nito ang buhok niya para magmukhang rugged ang dating.

"Ano ba? Ang tagal kong inayos 'yan," muli ay umiwas siya dito at inayos ang ginulong buhok.

"Inaayos na nga kita. Kapag nakita ka ni Donald na mukha kang ililibing ako naman ang malilintikan doon. Pinsan ng syota niya ang idi-date mo. Hindi kung sinong babae lang. You need to look nice. Smell nice. Act nice."

"Kayo lang naman kasi ang may gusto nito." Reklamo niya. "Kaya ayaw ko ng mga date na ganyan kasi kailangan pang mag-ayos. Magpa-impress. I want women to like me as me."

"And women are not going to like you if you look like you're going to read them a bible." Napakamot ng ulo si Dindee. "Bro, we are just helping you, man. Ano ka ba?" Napahinga pa ito ng malalim.

Nakonsensiya naman siya. Kahit naman madalas binu-bully siya nito at pinagti-tripan alam niyang concern din ito sa kanya.

"Did you do it?" Naninigurong tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Did what?" Ano ang sinasabi ng kapatid niya.

"Did you jack off?"

Napabuga siya ng hangin. "Yeah." Pagsisinungaling niya. "Hindi naman kami magsi-sex ng ka-date ko."

"You'll never know. And jacking off makes you relaxed too." May dinukot ito sa bulsa at tatlong packets ng condom ang ipinakita sa kanya. "These are ultra-thins. I bought these especially for you. Maybe you'll get lucky and you'll get laid later so it's better to be ready. You need to know how to practice safe sex." Paliwanag pa nito.

"Pakiramdam ko naman ang tanga-tanga ko. Alam ko naman iyon. I know how to read. And I am watching porn all my life." Asar na sagot niya.

"Iba ang binabasa, iba ang porn sa reality. Baka kapag nandoon ka na at yumayari ka na ng babae, nakalimutan mo ng balutan 'yang alaga mo. Iba ang feeling ng walang balot at nakaka-addict iyon. Saka mo na gawin kapag sanay na sanay ka na sa babae." Parang sa bata nagpapaliwanag ang kapatid niya. Bahagya pa itong lumayo at sinipat-sipat siya tapos ay napangiti. "Puwede na. Ayaw mong tanggalin ang salamin mo?"

Todo ang iling niya. Gusto ba nitong maglakad siyang nangangapa?

"Fine." Tumingin ito sa relo. "Go. Baka ma-late ka sa date mo." Halos itulak pa siya nito palabas ng bahay nila at inihatid siya hanggang sa makasakay sa kotse niya. "Remember, stay cool." Nag-thumbs pa ito at sinenyasan na siyang umalis.

Hindi na niya pinansin ang kapatid at pinaandar na ang sasakyan papunta sa restaurant na pina-book ni Donald. Wala namang traffic kaya wala pang thirty minutes ay nagpa-park na siya sa tapat noon. Tiningnan pa niya ang sarili sa rear view mirror at inayos-ayos ang suot na damit bago tuluyang bumaba. Lumapit siya sa reception at nagpakilala. Inihatid siya sa naka-reserve na table para sa kanila ng date niya.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon