CHAPTER TWENTY-FIVE

3.8K 228 17
                                    



Amere

            Pakiramdam ni Amere ay pumipintig ang ulo niya dahil sa stress. Masakit talaga. Dalawang Tylenol na nga ang nainom niya mula pa kanina pero hindi talaga nawawala ang pananakit ng ulo. Ipina-cancel niya ang lahat ng meetings niya ngayong araw pero nakababad lang siya dito sa loob ng opisina. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Ayaw niyang humarap kahit sa mga kapatid niya o si Nik pa iyon. Dahil pakiramdam niya ay sasabog na iyon sa sobrang pag-iisip.

            Because of the reality that Dorian and her would become a family soon.

            Shit.

            Okay nga lang sa kanya na mag-asawa ang Lolo Red niya. Hell, she was the first one who got excited when she learned that her grandfather was in love again. Although medyo nag-alangan lang naman siya noong una dahil akala niya younger escort ang babae ng lolo niya. Pero palabas lang pala iyon para i-push si Nik na mag-asawa. Natawa siya nang maalala iyon. Galit na galit si Nik pero in the end na-in-love din naman kay Jade.

            But this. What was happening right now was a mistake. Lolo Red niya at ang mommy ni Dorian ang magiging mag-asawa. Sa sobrang iniiwasan niya ang lalaki, hindi niya maintindihan kung bakit parang pagkakataon ang laging gumagawa ng paraan para magkita pa sila uli ng lalaking iyon. At ngayon nga magiging isang pamilya pa sila.

            Marahan niyang hinilot ang ulo at tiningnan ang tumunog na telepono. Tiningnan niya kung sino ang nag-send ng message sa kanya. Si Cami. Nangungumusta. Napangiwi lang siya at hindi sinagot ang text nito. Oo nga at kumakalat sa circle of friends niya na lesbiyana na siya pero hindi naman talaga niya feel na makipag-laro kay Cami. Parang ngayon siya nagsisisi kung bakit naisip niya pang gawin iyon. Pero mahihirapan na siyang bawiin ang nasabi kaya paninindigan na niya. Well, it was just her friends and her family at alam niyang maiintindihan naman ng mga iyon kung ano ang napagdesisyunan niyang gawin sa buhay niya.

            Pero napahinga din siya ng malalim. Ano nga ba ang reason bakit niya ginawa iyon? It was because her never-ending bad experience with men. Pero naisip niya si Dorian. Sexually, all her experience with him was superb. Sa tuwing magkakaroon sila ng pagkakataon na mag-sex, ramdam na ramdam niya na totoong lalaki ito. Ramdam niya sa bawat paghawak nito sa balat niya ang kakaibang kuryente na nagpapabuhay sa bawat himaymay ng laman niya. Napapapikit siya at pilit na ipinilig ang ulo. Pilit kasi na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa kanila. Kung gaano kagaling si Dorian sa kama.

            "Shit. Please. Not him," inis niyang sabi at tumayo sa kinauupuan at dumungaw sa bintana ng opisina niya. Mula sa 8th floor ng building ay tanaw niya ang paligid at napahinga ng malalim. Kinuha niya ang bag at may dinukot doon. Nagsindi siya ng weed at humithit doon. Baka sakaling makatulong na mawala ang sakit ng ulo niya. Isa. Dalawa tapos ay pinatay na rin niya. Hinawi-hawi pa niya ang usok noon tapos ay dinampot ang air-fresh bottle para mawala ang amoy na nilikha noon sa opisina niya.

            Muling tumunog ang telepono niya tapos ay si Cami ang tumatawag. Hindi rin niya sinagot. Pinabayaan lang niyang tumunog ng tumunog ang telepono. Wala siya sa mood na makipag-kulitan kay Cami. Huminto naman iyon pero ang telepono niya sa opisina ang tumunog na.

            "What?" Walang buhay niyang sagot sa sekretarya niya.

            "Ma'am, there is someone here who wants to see you. Cami Garcia." Narinig niyang sabi ng kausap.

            Nanlaki ang mata niya. Si Cami? Ano ang ginagawa ng babaeng iyon dito?

            "Papapasukin ko ba, Ma'am?" Muli ay tanong ng sekretarya.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon