CHAPTER SEVEN

4.7K 210 20
                                    




Amere

--------------

            "You have a date?"

            Hindi niya pinansin ang pinsang si Nik na nagmamaneho ng sasakyan. Patuloy lang siya sa pagre-retouch ng make-up niya. Even if she doesn't want this blind date, she still wanted to look perfect for whoever she was going to meet tonight.

            "Not a date. I am going to meet someone." Pagtatama niya.

            Natawa si Nik. "You're going to meet someone. In short, it's a date."

            Sinamaan niya ito ng tingin.

            "Hindi nga date. My friends just asked me to meet this guy. I am helping Reeva." Katwiran niya. Isinuksok niya ang compact powder na hawak sa bag tapos ay inayos-ayos ang buhok niya.

            "Kaya pala nagpaganda ka ng sobra. At hindi ka nagpahatid sa mga kapatid mo." Hindi mawala ang ngiti ni Nik sa labi habang nakatutok ang tingin sa kalsada.

            Napairap siya at napailing. "My brothers are douchebags, but if they learned that I am going to meet a guy, they will definitely stalk him. Please, don't tell them about this."

            "Bakit naman? Matutuwa pa nga ang mga iyon na nakikipag-date ka na."

            "Basta. Alam mo naman sila Owie at Emer. Mga pakialamero ang mga iyon. Kukulitin lang ako." Asar na sagot niya.

            "They are your brothers. They just want to protect you. Us. We are the only family you've got. We have each other's back. So, we don't want anything bad happen to you. If there is someone who's going to do something bad at you, they don't want to mess with us." Ngayon ay seryoso na ang mukha ni Nik.

            "Tingin mo ba papayag akong maisahan?" Napalabi siya nang maalala ang ginawa niya sa apartment ni Bern kaya kapahinga siya ng malalim. Hindi puwedeng malaman ng mga kapatid niya at ng pinsan niya ang bagay na iyon dahil siguradong aabangan ng mga ito si Bern at lalong magkakaroon ng gulo.

            "Alam ko naman na hindi." Ngayon ay natatawa na ito. "So, tell me. Who is this guy?"

            Umiling siya. "I don't know him. I haven't seen him. I don't have any idea who is it."

            "At pumayag ka? That's a first." Halatang hindi ito makapaniwala.

            Hindi na siya kumibo. Tinapik niya sa braso si Nik nang makitang malapit na sila sa restaurant na pupuntahan. Gusto na lang niyang matapos ito at nang makauwi na siya.

            "Dito na lang ako. I can go home myself. Don't worry about me. And please, don't tell my idiot my brothers about this one." Pinanlalakihan pa niya ng mata ang pinsan.

            "Relax. I am not a snitch. Go have fun. Watch out for the roofies," paalala pa nito.

            Natawa siya at bumaba na ng sasakyan. Hinintay na muna niyang makaalis sa ang sasakyan ng pinsan bago siya pumasok sa loob ng restaurant. Dumiretso siya sa reception at sinabi ang pangalan ng naka-reserve. Itinuro siya sa isang bakanteng mesa.

            Tumingin siya sa relo. She was not late. Five minutes before eight in the evening. Luminga siya sa paligid. Wala pa ang imi-meet niya? Late?

            Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Reeva. Napapatirik ang mata niya dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya. At hindi naman siya titigil na kakatawag dito hangga't hindi siya sinasagot.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon