CHAPTER THIRTY

4.1K 202 45
                                    


Dorian

"You want to what?"

Hindi niya pinansin si Berett na palakad-lakad sa harap niya habang nakahiga siya sa kama at nanonood ng TV. Kita niya ang pagkataranta sa mukha nito nang marinig ang sinabi niya.

"You heard me." Walang anuman na sagot niya dito at inilipat pa niya ang pinapanood na channel.

"Yes, I heard you. You want me to meet her. Pero imposible ang pinapagawa mo sa akin. That woman would skin me alive!" Kinakabahang sabi nito.

Natawa siya. "Amere won't do that to you. Ano ka ba? Mabait iyon."

Umirap ang kaibigan. "Hindi kaya. Nakita ko ang hitsura niya last time para niya akong kakatayin."

"Kasi akala niya lover kita. Dahil na rin sa mga kung ano-anong pinaggagawa mo." Bumangon siya sa kama at tinungo ang ref para kumuha ng beer.

"Ayoko." Umiiling pa ito at sumalampak sa couch na naroon. "Mahal ko ang buhay ko kahit type ko ang pinsan niyang si Nik. Ang babaeng iyon, mukhang hindi talaga ako bubuhayin. I know she's mad at me."

Uminom siya sa beer na hawak at iiling-iling na humarap sa best friend.

"Berett, kahit marami kang kagaguhan na ginawa sa akin, you are still my best friend and I want you to meet the woman that made me fall in love."

Nanlaki ang mata nito sa kanya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."

Natawa siya. "You are my best friend and-"

"No! The last part. 'Yong may love."

"I want you to meet the woman that made me fall in love." Ulit niya sa sinabi kanina.

"Oh my God!" Naitakip pa ni Berett ang kamay sa bibig na hitsurang nanalo sa beauty pageant. "You are really in love."

Napangiti siya. "Yeah. I think it all started six years ago. With her. No one made me feel like this. Only her." He made some contemplating last night at talagang hindi siya pinatulog noon. Paulit-ulit ang isinisigaw ng puso at isip niya. Mahal niya si Amere wala nang iba pa.

"Punyetang babae iyon. May kepyas lang ang bruha minahal mo na." Kunwari ay umiiyak ang hitsura ni Berett kaya lalo siyang natawa. Alam niyang nag-i-exaggerrate lang naman ito. "Mahal mo talaga?"

"Yeah." Walang pag-aalinlangan na sagot niya.

"But I heard a buzz that she's a lesbian. Dorian, I have so many friends around and the news is not good about her. She's wild. She always goes out with..." ibinitin nito ang sasabihin. "You know... her same sex. How can you be so sure that she really likes you? Maybe, it's just the sex with you, but in reality, she wanted something else." Nakangiwi pang sabi ni Berett.

"Trust me, everything is just for a show. Marami nang pinagdaanan si Amere at naintindihan ko naman kung bakit naisipan niyang magpakalat ng ganoong tsismis. She is straight and I know she also loves me." Punong-puno nang kasiguraduhan na sabi niya.

Umirap ang kaibigan. "You can never so sure." Ngumiwi pa ito at tumingin sa kanya. "So, you really love her?"

Tumango siya. "More than anything. Maybe the reason I didn't have any relationship is because I am always looking for her. No one will be perfect for me but her. Kung hindi, wala na lang. I would die a geek like this."

"Gago. Women will always fantasize a handsome nerdy geek like you. Well, ibilang mo na ako doon kahit hindi ako woman."

"Berett," saway niya dito.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon