CHAPTER THIRTEEN

4.3K 195 36
                                    


Amere

-------------------------------------

"I had a great time."

Sapilitan siyang ngumiti sa lalaking naghatid sa kanya pauwi. Agad niyang inalis ang seatbelt at isinukbit ang bag sa balikat niya tapos ay binuksan ang pinto para makababa.

"Wala ba akong goodnight kiss man lang?" Sabi pa nito.

Napairap siya. "Sorry. Wala." Napahinga siya ng malalim. "Ton, thank you for paying for the dinner, but we cannot go out anymore."

Kita niya ang pagtataka sa mukha ng lalaki. "What? Why?"

"We just don't get along. I'm sorry. I am tired listening to all your whines. Ang dami mong reklamo sa buhay. There is too much toxicity in this world kaya kung puro nega din ang ikukuwento mo sa akin, I'd rather stay in my room. Alone." Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang masabi iyon sa lalaki.

Hindi ito nakasagot tapos ay napatango-tango.

"Arte mo naman. Akala ko pa naman sa second date makaka-homerun na ako sa 'yo. Get out of my car." Biglang-bigla na nag-iba ang pagkatao nito.

Natawa siya. "I knew it. You're an asshole." Binuksan niya ang bag at dumukot ng ilang lilibuhin doon at ibinato sa lalaki. "Ayan. Bayad ko sa kinain ko at sa ininom ko. Sobra pa 'yan para may pang-gas ka pa." Pagkasabi noon ay mabilis siyang bumaba. Hindi pa siya nakakapasok sa bahay nila ay pinasibad na ng lalaki ang sasakyan palayo sa kanya.

"Gago! Asshole!" Inis niyang sigaw kahit alam niyang hindi na iyon maririnig ng lalaki. Nagngingitngit na pumasok siya sa bahay nila at dire-diretso siyang pumasok sa silid. Mabilis siyang naghubad ng suot na damit at pumasok sa banyo para maligo. Pakiramdam niya ay kumapit sa katawan niya ang masangsang na pabango ng lalaking iyon.

Paglabas niya ng banyo ay tumunog ang telepono niya. Si Reeva ang tumatawag sa kanya.

"What happened to your date? Hot si Ton 'di ba?" Excited na excited itong malaman kung anong nangyari sa date niya.

"Hot? Douchebag. Iyon siya. Asshole too." Inis na sagot niya.

"What happened?" Taka ng kaibigan.

"Sobrang yabang ng gagong iyon. Sobrang self-centered. Puro siya ang bida. Alam mo bang hindi man lang ako nakapagsalita sa whole duration na magkasama kami. Puro laging kuwento niya nagkakandarapa mga babae sa kanya. Marami siyang pera. Magaganda kotse niya. Nakatira siya sa mamahaling condo. God!" Napatirik pa ang mata niya at inis na binuksan ang drawer para kumuha ng pantulog.

Ang lakas ng tawa ng kaibigan. Hindi man lang pansin na malapit na siyang sumabog sa inis.

"At natatawa ka pa? Hindi mo alam na asshole ang lalaking iyon?"

"Well, a little bit. But I thought kayang-kaya mo naman na paandaran ang lalaking iyon." Tumawa na naman si Reeva na lalo niyang ikinainis. "Sorry na. Alam ko naman hindi makaka-first base man lang sa 'yo ang lalaking iyon."

"Talagang hindi. Kapal ng mukha. Sobra pa nga ang ibinayad ko sa kanya."

"So, sablay pala ang date mo ngayong gabi. Do you want another one? Marami akong nakapila na puwedeng ipakilala sa iyo."

Napatirik ang mata niya at pabagsak na nahiga sa kama.

"I think I will stop dating men. Ang sakit nila sa bangs. Wala akong ma-meet na matino." Padaing na sagot niya.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon