Dorian
------------------------------
Present time.
"My man!"
Kahit hindi siya lumingon ay alam na niyang si Berett iyon. Sumenyas siya sa waiter at ipinakita ang baso na walang laman. Alam na naman nito ang gusto niya. Maya-maya ay lumalapit na ang waiter at inilapag sa mesa niya ang dalawang baso ng scotch on rocks.
Tumayo siya at hinarap ang kaibigan nang makalapit. Agad itong yumakap sa kanya at gumanti naman siya. Pinigil niyang matawa nang maramdaman na ayaw na nitong bumitaw tapos ay nakasubsob pa ang mukha sa leeg niya. Inaamoy-amoy siya. Tapos ang kamay ay bumababa hanggang sa puwet niya.
"Berett," saway niya dito.
Agad itong humiwalay sa kanya at nahihiyang tumingin tapos ay nag-roll eyes.
"Sorry. I got carried away," inirapan pa siya nito tapos ay napangiti na nauwi na sa tuluyang pagtawa. "Ang bango mo naman kasi."
Natawa na lang siya at napailing. "How are you?" Tanong niya dito. Sabay silang naupo at ibinigay dito ang isang baso ng scotch.
"Oh, I don't like that brand. Masyadong masculine." Kumumpas pa sa hangin ang kamay nito. Sumenyas ito sa waiter. "Two Martinis, please." Ang ganda ng ngiti nito sa waiter. Marahan niyang hinilot ang ulo at napailing. Pati waiter ay gustong landiin ni Berett.
Nang bumalik ang waiter at ibinigay kay Berett ang order ay bumulong ito sa waiter tapos ay my isinuksok sa bulsa. Sigurado na siyang calling card iyon.
"For real? Pati waiter?" Natatawang sabi niya.
"Why? What's wrong about that?" Tumulis pa ang nguso nito. "He's cute. At least alam kong may pag-asa ako sa kanya. Samantalang sa iyo, six years na akong nagpapa-cute hindi ka pa rin bumibigay." Parang batang nagmaktol pa ito.
"Do you want our friendship to be over?" Naghahamon na sabi niya.
Nanlaki ang mata ng kaibigan. "No! No." Umiiling pa na sabi nito tapos ay ngumiti sa kanya. "I am really thankful that after what I did, we are still friends."
Naalala niya ang nangyari noong college pa sila na nagtapat ng totoong feelings sa kanya ang kaibigan. Hinalikan pa nga siya. He was so pissed at that time. All along, akala pala ni Berett ay may something sa kanilang dalawa dahil sobrang close nila. Hindi nga niya naisip noon na bakla ang kaibigan. Akala lang niya ay katulad lang din niya itong tahimik at pihikan sa babae.
Nagkibit siya ng balikat at inubos ang laman ng iniinom. Napangiti siya ng mapakla nang maalala iyon. And that woman.
Amere
Napahinga siya ng malalim at tiningnan ang nasa harap na baso. What happened to her? It's been six years, but he couldn't forget that woman after all. Well, no one can forget about their first time. She was his first in everything. But after the incident that she saw in his dorm, Berett kissing him, he never saw her again. He tried to look for her, tried to go to their house but guards from the gate of her village didn't let him in. Hindi na rin naman siya nagpilit. Kahit gusto niyang ipaliwanag sa babae ang totoong nangyari, alam niyang hindi na rin iyon maniniwala.
Maybe she was only bound to be a one-time encounter and experience in his life.
Napatingin siya kay Berett at kita niyang nakikipagngitian ito sa waiter na kausap kanina. Kumakaway pa ng palihim. Napailing siya nang makitang nag-flying kiss pa ito. Nang halikan siya nito ay talagang gusto niya itong bugbugin. First time niyang nahalikan ng lalaki at talagang hindi siya natuwa. Pero umiyak ito ng umiyak sa kanya. Halos lumuhod pa. Sinasabi na mahal na mahal siya nito. Na walang ibang nakakaintindi dito kundi siya lang. At naawa naman siya. Sa dami ng pinagsamahan nila, hindi naman niya basta-basta maitatapon ang friendship nilang dalawa. He forgave him for what he did, but he told him that the only thing that he can give was his friendship.

YOU ARE READING
BAD DATE | Bad Series 4 (complete)
RomanceTo save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on telling her to see. Dorian Ambrocio. A bad date that ended up in a one-night stand. After six years o...