CHAPTER TWENTY-FOUR

4.4K 233 28
                                    


Dorian

Hindi niya pinapansin ang pagkakagulo ng mga kapatid habang pare-pareho silang naglalakad papasok sa isang hotel. Kanina pa sa sasakyan hindi matigil ang pagbubusa ng mga ito. Hindi na nga lang niya pinapansin ang mataas na boses ni Dindee. Hindi niya pansin na mukhang problemado si Donald. Hindi niya pansin na walang pakialam ang mommy nila sa kung ano ang sinasabi ng mga kapatid niya. Naglalakad lang ito papasok ng hotel.

Because his mind was out there thinking about Amere. She was a lesbian now? How the hell did that happen? When they had sex last night, he was sure that she was liking what they were doing. She was totally giving herself to him. 'Yon nga lang, sigurado siyang sabog ito. Nainis siya nang maalala ang nabasang text message sa cellphone nito. Who the hell was Cami? Babae at nagpapa-cute kay Amere? At papayag si Amere na pumatol sa isang babae? Hindi yata siya makakapayag noon.

"What is your vote about this?"

Napaka-imposible nang nangyari kagabi. Of all the rooms inside that hotel talaga sa hotel room pa niya napapunta si Amere? Doon kumatok sa kanya dahil nagkamali ng kuwartong binalikan. That was destiny. One in a million chance. Isa lang ang pumasok sa isip niya. Sigurado na siyang meant to be sila ni Amere. Magmula pa noong una silang magkakilala at kahit ilang taon ang lumipas na hindi sila nagkita, talagang nagtatagpo at nagtatagpo sila.

Pero paano ba niya ipapaliwanag sa babae na hindi naman siya bakla. Kahit nga ilang beses nang may nangyari sa kanila, parang mahihirapan pa rin siyang mapapaniwala ito na straight naman siya talaga. Sa ganitong pagkakataon ay nabubuhay ang inis niya ya Berett. Kung bakit naman kasi nagkaroon siya ng best friend na bakla na hindi naman niya maitapon basta. Panira ang isang iyon sa love life niya.

Natawa siya. Love life. Was he ready now to have a serious relationship? Six years after she took his virginity, he didn't have any relationship. Wala pa siyang naging steady girlfriend. Puro one-night stands lang at fuck buddies. Kaya din siguro iniisip ng mga kapatid niya na bakla siya. Imagine not having any serious relationship then his best friend was gay. That was total red flags.

But Amere was different. Six years and she never left his mind. He always remembered what they did the first time they had sex. They were both naïve, young. And now that they were matured, the sex was still the best part. And he thought he wanted to experience that with her for the rest of his life.

Nagulat siya nang may tumamang kung ano sa mukha niya. Nang tingnan niya iyon ay binilot na bimpo at tiningnan niya kung saan nanggaling. Si Dindee ang gumawa noon. Binato ang mukha niya. Simangot na simangot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"What?" Asar niyang baling dito at inis na ibinato pabalik dito ang bimpo.

"Kanina pa kami nagdidiskusyon dito pero wala kang pakialam diyan. Did you hear what mom said? She has a boyfriend. At hindi pa natin kilala." Nakasimangot na sabi ng kapatid.

Tumingin siya sa ina at parang bata itong romolyo ng mata. Mukhang hindi naman apektado sa inaakto ng mga kapatid niya.

"She decided to have a boyfriend, who are we to change her mind?" Iyon na lang ang sagot niya.

"Gago," Mahinang bulalas ni Dindee. "Don't tell me okay sa 'yo ang desisyon niya? Have you heard? She has a boyfriend. Nakikipag-boyfriend sa lalaking hindi natin kilala!" Tumaas na ang boses ni Dindee.

"Your voice, Dindee. Ako lang ang may karapatang magtaas ng boses kapag kasama 'nyo akong tatlo," sabat ng mommy nila.

Inis na napasandal ang kapatid sa kinauupuan. Siniko pa nito si Donald para siguro ay ito naman ang komontra sa gusto ng ina nila.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon