CHAPTER EIGHTEEN

4.3K 210 35
                                    


Dorian

--------------------------------------------

Wala na siyang nagawa habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinakyan ni Amere.

Mahina siyang napamura at mabilis na lumayo mula sa pagkakayakap ni Berett.

"What the hell, man? Ano 'to?" Inis na sabi niya dito.

Napahagulgol ang kaibigan. "I'm sorry. I didn't mean ruin your date. But I am so afraid."

"Shit." Mahina siyang napamura. "How did you know I am here? Hindi ko naman sinabi sa iyo kung saan ako pupunta."

Pinahid nito ang mga luha at tumingin sa kanya.

"Sorry kasi nangialam ako. Gusto ko lang naman makita mga messages ni Nik. I-I checked your phone and looked at your messages." Nahihiyang sabi nito. "Dorian, please. Forgive me." Muli itong lumapit sa kanya at akmang yayakap pero sinenyasan niyang huwag lumapit.

"You should know your boundaries, man. Tinanggap kitang kaibigan ko kahit ano ka pa. But you shouldn't do this. You ruined my date." Marahan niyang hinilot-hilot ang magkabilang sentido sa sobrang tensyon na nararamdaman.

"I'm sorry. I am so sorry. Takot na takot kasi ako. Someone wanted to hurt me." Umiiyak na sabi nito. "Pinuntahan pa ako sa unit ko. Alam niyang nandoon ako."

Takang napatingin siya sa kaibigan. "What? Sino naman ang mananakit sa iyo?"

"Remember the guy that I picked up a few days ago? He keeps on harassing me. Stalking me. Nanghihingi ng money. Hindi ko naman na pinapansin but he is freaking me out. He went to my condo earlier and tried to hurt me." Umiiyak na sabi nito.

"Shit. 'Yan na nga ang sinasabi ko kaka-pick up mo ng mga lalaki kung saan-saan. Hindi ka na nadala na may nanapak sa iyo sa CR ng Shangri-La dahil sinisilipan mo habang umiihi," tonong nanenermon siya.

"I thought he was harmless kasi okay naman kami 'nong una. We clicked. Tapos everyday he keeps on calling na. Asking money, so nagbibigay naman ako. But he started to stalk me na. I had to run kasi talagang parang ibang tao na siya kanina. Parang nababaliw." Halatang takot na takot pa rin si Berett.

"And here you are."

Pareho silang napatingin sa nagsalita at nakita niyang isang lalaki ang nakatayo malapit sa kanila. Agad na kumapit sa kanya si Berett.

"It's him," mahinang sabi nito habang itinuro ang lalaking naroon na ang sama ng tingin sa kanya.

"Can you please leave?" Mahinahong sabi niya sa lalaki para matapos na ang eksenang 'to.

Natawa ito. "Bakit? Sino ka ba? Syota ko 'yan." Tumingin ito sa gawi ni Berett na lalong nagsiksik sa likuran niya.

Tumingin siya sa paligid. Some people were already looking at their way. Halata kasing may komosyon na nangyayari.

"He doesn't want to talk to you. Maybe you can talk to him some other time." Pilit pa rin siyang nagpapakahinahon.

Saglit siya nitong sinipat-sipat tapos ay napatango-tango.

"Oh. You must be his other lover. Ang lagi iyang ikinukuwento sa akin na best friend daw niya na gusto niyang matikman." Natatawa pang sabi ng lalaki.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Berett at ngumiti ito ng alanganin sa kanya tapos ay nag-peace sign.

"Chika ko lang 'yon sa kanya. OA naman. Masyadong dinibdib lahat ng sinabi ko umi-eme lang naman ako." Pagkasabi noon ay bumaling ito sa lalaki. "Hoy, Aaron. Magtigil ka ng ilusyon mo, ha? Isang beses lang may nangyari sa atin at feeling ko bayad ka doon dahil binigyan kita ng pera. Tikiman lang naman tayo. Kaya ano itong ginagawa mo?"

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon