CHAPTER EIGHT

4.5K 209 19
                                    


Dorian

------------------

She was laughing so loud.

At walang pakialam si Amere na ang lakas na ng tawa nito. Pasimple siyang tumingin sa paligid at kita niya ang ibang mga tao doon na napapatingin sa kanila. Gusto niyang mahiya kasi baka nakaka-istorbo na sila sa ibang customers. Pero tingin naman niya ay natatawa pa ang mga ito sa babae. Napaka-bubbly kasi ng personality nito. Tough woman but funny. Hindi nahihiyang sabihin ang mga opinions na gustong sabihin. Saka natural na natural ang mga arte. Hindi nagpapapansin. Hindi nagpapa-cute.

Madaldal at maingay na nga si Amere. Walang tigil ang pagsenyas nito sa waiter na magdala ng mga shots ng vodka sa table nila. Ilang shots na rin ang nainom niya at iba na ang pakiramdam niya. Hindi siya madalas uminom pero kaya naman niyang dalhin ang sarili. Nasa high school pa lang ay tinuruan na siya ng mga kapatid niyang tumikhim ng alak. Cool ang dalawa niyang kapatid. Siya lang talaga ang naiwang walang hilig sa mga ganoong bagay.

Pero si Amere. Sa totoo lang, nagugulat siya sa lakas nitong uminom. Ang dami ng nainom nito pero kayang-kaya pa rin at parang tubig lang kung tunggain ang shots ng vodka.

"So, when did you learn how to jack off?" Natatawang tanong nito at dinampot ang isang shot glass na may laman na vodka. Alanganin siyang tumingin sa babae dahil marami-marami na talagang itong nainom. Baka kung anong mangyari dito ay sagutin pa niya. At sa totoo lang, siya ang nahihiya sa mga tanong nito. Hindi ito nahihiya na pag-usapan ang tungkol sa sex. Kaswal na kaswal lang na sabihin ang mga bagay na iyon.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito at hinawakan pa nito ang mukha niya tapos ay iniharap sa mukha nito.

"Hey. I am asking. When did you first jack off?" Halatang interesado itong malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

Ramdam ni Dorian na nag-init ang pisngi niya sa tinatanong nito. Pero ngayon pa ba siya mahihiya sa babae? Nakita nga siya nitong may ginagawang kabalbalan sa banyo.

"Twelve." Napa-ehem siya at napabuga ng hangin. Kinuha niya ang shot glass na hawak ng babae at ininom iyon. Napangiwi siya sa pait at napa-whew.

"Wow. Twelve. Bakit? Nakapanood ka ng porn?" Natatawang sabi pa nito.

Napakamot siya ng ulo at marahang inayos ang salamin sa mata para hindi mahalatang nahihiya siya.

"I saw some smut magazines from my brother's room. I was young and you know-" hindi niya maituloy ang sasabihin.

Humalakhak si Amere. "Relax! It's okay. It's a natural thing for men. Ang dami kong ring nakikitang smut magazines sa kuwarto ng mga kapatid ko at pinsan. Nagkalat. Buti nga kayo magja-jack off lang at nakakaraos na and normal na gawin 'nyo. Hindi taboo. Unlike us girls, kapag ginawa namin na magsarili at malaman ng ibang tao, masama na kami." Napailing pa ito nang sabihin iyon.

"I don't see anything wrong with that. It's a natural thing for both men and women." Sagot niya.

"I know but hindi pa rin naman kasi tanggap ng society ang ganoon." Marahang nilalaro-laro ni Amere ang hawak niyang shot glass at tumingin sa kanya. "You do it all the time?"

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

"That thing. Pleasuring yourself." Kaswal na sagot nito.

Pakiramdam ni Dorian ay nanunuyot na ang lalamunan niya sa pinag-uusapan nila. Bakit ba napunta sa pagma-masturbate niya ang usapan nila? Wala ba silang ibang mapag-uusapan na topic?

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon