CHAPTER THIRTY-TWO

3.7K 236 86
                                    


Berett

            Wala siyang pakialam kahit na magwala dito sa restaurant ang babaeng ito. Pero hinding-hindi siya papayag na sundan nito si Amere kahit pa nga naiinis siya babaeng iyon. Kahit na buwisit siya sa nakita niya, hindi rin naman niya ito pipigilan na puntahan si Dorian. Kung matunton nito kung nasaan ang best friend niya, okay lang. Pero kung hindi, mas mabuti.

            "Who the fuck are you? Wala kang karapatan na pigilan ako," galit na sabi sa kanya ng babae at talagang pumipiglas ito sa pagkakahawak niya para masundan si Amere. Pero nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito.

            Nakataas lang ang kilay niyang nakatingin dito at natatawa pa sa nakikitang pagkairita nito sa kanya. And he didn't care. Mairita ang babaeng ito, wala siyang pakialam. He was born to be like this. Ang kaasaran ng mga tao sa paligid niya dahil maldita siya.

            "Let go of me!" Lumakas na ang boses nito lalo na nang makita na nakalabas na ng restaurant si Amere. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang may ilang mga tao na ang tumitingin sa gawi nila. Maasim siyang ngumiti sa waiter na nakatingin sa lugar nila at kumaway pa ng bahagya dito.

            "This is just a misunderstanding. We are okay," pilit na pilit ang ngiti niya sa waiter.

            "Anong misunderstanding? Bitiwan mo ako bakla ka!" Singhal ng babae sa kanya.

            Sa narinig niya ay malakas na niya itong hinila at napaupo ito sa couch. Lalong ang sama ng tingin nito sa kanya at akmang tatayo uli pero tinabihan na niya ito.

            "I am gay, but I can still beat you. Kung kailangan itali kita diyan, gagawin ko. Tigilan mo na si Amere." Sagot niya dito.

            Tingin niya ay sasabog na sa galit ang hitsura ng babae. Nakita pa niyang kumuyom ang kamay nito at para siyang susuntukin.

            "Are you going to punch me? Try. Marunong ako ng self-defense. I knew how to do Jiu Jitsu. You know, those physical combat moves," saglit pa siyang nag-isip. "I don't know if it's called physical combat moves but, I just like it." Napatirik pa ang mata niya nang maalala ang training niya noon. "Those muscles. Those hard thighs. Especially when we were grappling on the floor. Gosh." Bahagya pa siyang kinilig at napakagat-labi. "Those sweaty bodies."

            Nakita niyang parang nandidiring nakatingin sa kanya ang babae.

            "I don't fucking know you. And you don't have the right to do this to me. I will go because I want to go." Mataray nitong sabi sa kanya.

            "I don't know you too." Sagot niya dito. "Oh, well. I think my friend mentioned your name." Tumaas pa ang kilay niya na pilit inaalala ang pangalan ng babae. "Is it... Cami? Is that it?"

            Hindi ito sumagot sa kanya at inirapan lang siya. Muli ay akma itong tatayo pero hiniwakan na niya ito sa hita at pinandilatan ito ng mata.

            "Huwag kang makulit. I am telling you hindi ka makakaalis dito hangga't hindi nagkakaayos 'yong dalawa. Even if I hate it." Napa-ikot pa ang mata niya nang maisip na papatawarin naman ni Dorian si Amere.

            Bahagyang kumalma ang hitsura ni Cami at takang tumingin sa kanya.

            "You hate it? Ayaw mo silang magkaayos?" Paniniguro nito.

            "Yeah. But I can't do anything about it neither do you. Those two are meant for each other. Six years ago, they already met. They had a thing. And I did something that made them fall apart. Technically, it's my fault because I tried to seduce my best friend." Ngumiwi pa siya nang maalala ang nagawa niya kay Dorian. Sa ilang beses na niyang pang-aakit dito at pangha-harass, sigurado na siya na hinding-hindi siya papatulan ng kaibigan.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon