CHAPTER TWO

7.4K 253 23
                                        




Dorian

Napapailing siya habang nakaharap sa laptop at gumagawa ng term papers na kailangan niyang ipasa sa susunod na linggo. It was Friday night and most of the students in this dorm were having a good time. But him, just like those previous Friday nights, he would glue himself to his chair and in front of his computer. He doesn't have time to have those Friday nights. He could enjoy the weekend by himself. He looked around his room and everything was complete. Nice sound system. Check. Fridge full of supplies and beers. Check. Binuksan niya ang drawer at napangiti siya nang makita ang supot ng marijuana na ibinigay ng panganay niyang kapatid. Natawa siya at kinuha iyon tapos ay napailing. Siraulo din ang mga kuya niya. Hindi naman daw masamang tumikhim nito. Mabuti na daw na matikman niya ngayon para kapag tumanda siya, hindi siya tatanga pagdating sa mga ganoong bagay.

Kumuha siya ng isang roll at sinindihan iyon. Hindi naman siya madalas gumamit nito. Minsan lang kapag nai-stress siya. And according to studies and research na nabasa niya, a little bit use of this weed won't affect his health.

Nakarinig siya ng malakas ng pagkalampag mula sa katabi niyang silid. Nalunok niya ang usok na hinithit at napaubo-ubo. Halos araw-araw naman ay ganoon ang ganap sa silid na iyon. Non-stop partying every night. Lagi ngang pinupuntahan iyon ng guard dahil madalas ireklamo sa sobrang ingay.

Tumayo siya at binuksan ang ref tapos ay kumuha ng isang beer at naupo uli sa harap ng computer. Sumasakit na rin ang ulo niya sa term paper na ito. Kahit matagal pa ang deadline ay gusto na lang niyang matapos agad. Ayaw niyang matulad sa ibang mga estudyante na kung kailan malapit na ang deadline, saka magka-cram sa paggawa.

Tinungga niya ang beer na hawak habang nanatiling nakatingin sa monitor. Ano pa ba ang kulang dito? Parang kailangan pa niyang mag-research.

Naibuga niya ang beer na iniinom nang makarinig ng mas malakas na kalabog. Napamura siya dahil tumapon sa damit niya ang iniinom na beer. Bukod sa malalakas na pagkalabog ng pinto, nakakarinig din siya ng pagsigaw. Iba ito. Hindi ganito ka-wild ang katabing kuwarto niya.

"Demonyo ka, Bern! Anong palagay mo sa akin? Gago ka! Buksan mo 'to!"

Malalakas na kalabog na naman ang narinig niya pagkatapos ng sigaw na iyon. Napangiti siya ng mapakla. Si Bern na naman ang may issue. Ilang beses na bang may mga babaeng nagwawala sa harapan ng kuwarto nito? Hindi ito ang una.

"Gago ka! Gago kang demonyo ka! Buksan mo 'to! Harapin mo ako! Anong palagay mo sa akin? Laruan mo? Gago ka!"

Napakunot ang noo niya. But this one was different. Ramdam na ramdam niya ang galit sa boses ng babae. Alam niyang nagkakagulo na sa labas dahil naririnig na niya ang boses ng ibang dorm-mates niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. At doon niya nakita ang babaeng hinahampas ang pinto ng silid ni Bern. Hindi pa nakuntento, kinuha nito ang trashcan at ibinato sa pinto.

Natawa siya. Hindi dahil sa nag-eeskandalo ang babae. Natatawa siya at naa-amused sa ginagawa nito. She looked so fierce. She was cute in those short plaid skirt and crop top tees. Bagay ang suot na DM's shoes sa outfit. Nakalugay ang mahabang buhok. She was the typical college rocker chick that doesn't listen to authorities.

Ang daming comment ng mga naroon. Lahat sila ay nakatingin lang sa nagwawalang babae. Maya-maya ay nakarinig sila ng pagpito. Dumating na ang guard. Sigurado siyang may nagsumbong na at siguradong kakasuhan ang babaeng ito dahil sa pagwawala. Sinisita ito ng guard at talagang lumalaban ang babae. Parang tigreng nagwawala.

"Huwag mo akong hawakan!" Pinipilit nitong alisin ang pagkakahawak ng guard.

"Hindi ka puwedeng magwala dito. Taga-dito ka ba? Nasaan ang ID mo?" Parang pulis kung magtanong ang guwardiya ng dorm nila.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Where stories live. Discover now