CHAPTER THIRTY-FOUR

7.3K 360 82
                                    


Amere

"Nik!"

Pumuno ang malakas na boses niya sa buong bahay nang makarating siya doon. Walang siyang tigil kakatawag sa pangalan ng pinsan habang nanatili siyang tumatawag kay Dorian. Nik had to help her. She was sure he knew where to find Dorian. Kahit magpasama siya dito na puntahan kung saan nakatira ang lalaki ay gagawin niya.

Hindi niya pinansin ang dalawa niyang kapatid na nakaupo sa sala na nakatingin lang sa kanya. Naiinis na siya at napapamura nang hindi pa rin sinasagot ni Dorian ang tawag niya.

"Nik! Jesus Christ! Where the hell are you?!" Sa pinsan niya maibubunton ang inis na nararamdaman niya ngayon.

"Where's the fire?" Si Owie ang narinig niyang nagsalita. Kaswal lang itong nakatingin sa kanya habang umiinom ito ng kape. Si Emer naman ay nakatingin lang din sa kanya.

Tinapunan lang niya ng tingin ang dalawa pero hindi pinansin. Sinubukan pa rin niyang tawagan si Dorian. Tumayo si Emer at lumapit sa kanya tapos ay pabiglang inagaw ang telepono niya.

"And who is Dorian?" Parang sa sarili lang iyon tinatanong ng kapatid habang tinitingnan nito ang telepono niya.

"Give me that! Ano ba? Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon," inis na sabi niya at pilit na inaagaw ang telepono na ayaw ibigay ng kapatid.

"Amere, sit down." Seryosong sabi ni Owie sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin ang panganay na kapatid. "I am not in the mood, okay? Give me back my phone, Emer. I need to call someone." Muli ay sinubukan niyang agawin ang telepono pero parang batang nang-aasar ang kapatid niya at nagpapahabol pa.

Malakas siyang napasigaw at pabagsak na naupo sa sofa. "Where the hell is Nik? Nik!" Ang lakas-lakas ng boses niya habang tinatawag ang pinsan.

"Ano bang kailangan mo kay Nik? Saka sino nga 'tong Dorian na 'to? Lalaki? Ano 'to? Niloko ka?" Tanong pa ni Emer habang nanatiling nagba-browse sa telepono niya tapos ay napangiwi nang may makita doon. "I thought you're a lesbian? Bakit puro abs at shirtless men ang screenshots mo?" Ipinakita pa nito sa kanya ang isang litrato ng model na nakuha niya sa IG.

Mabilis siyang dumukwang at inagaw ang telepono na napagtagumpayan na niya ngayon. Inis siyang nagti-text kay Dorian. Naiiyak na siya sa inis. Sa frustration.

"Do you have a problem?" Tanong pa ni Owie. "You could tell us. Did someone hurt you."

Napabuga siya ng hangin. "No one." Inis niyang naisuklay ang kamay sa buhok. "There's this guy that I like and-"

"Wait." Sabat ni Emer. "Guy? Lalaki? Naguguluhan na ako sa iyo. Tibo ka ba o ano?"

"I am not! Okay? I just made that up dahil nga sobrang napu-frustrate na ako sa mga lalaking nakikilala ko. But there's this guy that I like. Actually, we already met six years ago and we just had some misunderstanding." Napahinga siya ng malalim at mangiyak-iyak na tumingin sa dalawang kapatid na lalaki. "I like him. But he thinks I am into girls." Napasubsob na siya sa mga palad. "This is all my fault. He saw me kissing a woman."

"Wow. Hot." Bulalas ni Emer. Malakas naman itong binatukan ni Owie.

"She's our sister." Inis na baling ni Owie kay Emer.

"Ouch." Marahan pang hinilot ni Emer ang parteng binatukan ni Owie. "I am talking about the other woman."

Nagbabanta pa rin ang tingin ni Owie sa kapatid tapos ay bumaling kay Amere.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon