CHAPTER NINETEEN

4.4K 231 21
                                    

Amere

Hindi niya pinansin ang nagtatanong na tingin ng pinsan na si Nik nang umupo siya sa harap ng hapag-kainan. Alam niyang maging ang lolo niya at mga kapatid ay nakatingin din sa kanya.

Paano nga naman, pasado alas-otso na ay hindi pa rin siya naka-ayos. Kapag ganitong oras ay naka-ready na siya para pumasok sa opisina. Pero ngayong araw, wala siya sa mood umalis ng maaga. Wala siya sa mood na humarap sa tao. Wala siya sa mood sa lahat.

Dahil hanggang ngayon, naiinis pa rin siya sa tuwing maaalala niya ang kagagahang nagawa niya kagabi.

"Coffee," marahan pa niyang hinilot-hilot ang ulo niya nang sabihin iyon sa kasambahay na lumapit sa kanya.

"Hindi ka ba papasok sa office?" Alam niyang boses iyon ng lolo niya.

"Mag-half day ako, 'Lo." Tanging sagot niya at nagpasalamat sa kape na ibinigay sa kanya. Hindi pa rin niya tinitingnan si Nik na alam na alam naman niyang atat na atat na malaman kung ano ang nangyari sa blind date niya kagabi.

"Late na kasi umuwi kagabi. Mukhang nakainom pa." Si Emer ang nagsalita noon. Nang tapunan niya ng tingin ang kapatid ay patuloy lang itong kumakain. Nang-aasar ang ngiti nito sa kanya nang mapatingin sa kanya kaya inirapan niya ito.

"Nadadalas yata ang paglabas mo at pag-iinom, Ameria." Kahit mahinahon ang tono ng salita ng lolo niya ay nakaramdam pa rin siya ng pagkapahiya. Alam naman nito na mahilig siyang lumabas at madalas nga ay kasama niya ang mga kapatid at pinsan. Pero dahil siya ang nag-iisang babae sa pamilyan ito, alam niyang iniingatan siya ng mga ito.

"What happened to your date?" Siguro ay hindi na nakatiis si Nik kaya nagtanong na ito.

"You had a date?" Si Owie iyon.

Napa-rolyo ang mata niya at nagpatuloy lang sa pag-inom ng kape. Ayaw na niyang sagutin ang tanong ng mga ito. Ang totoo, ayaw na niyang maalala ang nangyari kagabi. Dahil nabubuwisit lang siya. Lalo na sa sarili niya dahil naging tanga na naman siya.

"You had a date last night. And you came home late. Nakainom pa. Amere, hindi magandang tingnan iyan sa isang babae." Boses pa rin ni Owie iyon.

Sinimangutan niya ito. "Bakit kayo? Gabi-gabi din naman kayong nakainom kung umuwi pero hindi naman issue? And besides, ang tanda ko na para higpitan 'nyo pa."

"Uh-oh. Someone woke up at the wrong side of the bed." Komento ni Nik.

"And it's your fault." Asar niyang baling dito.

"Wait." Ngayon ay sumeryoso na si Nik. "May ginawa bang hindi maganda sa iyo ang ka-date mo? Binastos ka ba? Hinarass ka?"

Napatingin siya sa mga barakong kasama niya sa mesa at lahat ng mga ito ay seryosong naghihintay ng sagot niya. If there was one thing she loves with these men, it was the fact that they will not tolerate men who would try to hurt her. One word from her and these men would hunt Dorian and she knew they would beat him up.

"No. Hindi naman bastos ang ka-date ko kagabi. Hindi lang kami magka-jive. You know. Hindi kami compatible," ngumiti siya ng maasim kay Nik at muling uminom ng kape.

Nakita niya ang relief sa mukha ng mga ito. Nagpatuloy kumain si Emer at maging si Owie. Ang lolo naman niya ay nanatiling nakatingin sa kanya.

Umayos siya sa pagkakaupo at huminga ng malalim. Kagabi pa niya pinag-iisipan itong gagawin niya. At sigurado siyang mabibigla ang mga ito sa kung ano ang sasabihin niya ngayon.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon