CHAPTER THIRTY-ONE

3.5K 219 58
                                    


Amere

            "I am here, Dorian. Where are you?"

            Nakakaramdam na siya ng pagkainip habang kausap ang lalaki sa telepono. Sa totoo lang, ang gusto niyang mangyari ay makasama ang lalaki. 'Yong silang dalawa lang. She wasted too much time hating hin. But now that she knew that he was straight and they both like each other, gusto naman niyang sulitin iyon. After all, she really missed making love with him.

            "I am on my way. I promise this would be a big surprise." Natatawang sabi nito sa kanya.

            Napairap siya. "May duda na ako sa surprise na iyan. Bibitbitin mo si Berett dito 'no?" Sumeryoso na ang tono niya.

            Ang lakas ng tawa ng lalaki. "Just try to relax and malapit na ako. Order your favorite drink. Get drunk if you want. I can't wait to see you."

            Napangiti na din siya. "I can't wait to see you too. But still, I hate Berett."

            "I promise you'll love him." Tumatawa pa rin si Dorian. "See you in a bit."

            Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang ini-end ang call ng lalaki. Nagsalin siya ng wine sa kaharap na baso at uminom doon. Well, kung si Berett man ang bibitbitin ni Dorian dito, okay lang sa kanya. Willing naman siyang makilala din ang best friend ng boyfriend niya.

            Natawa siya sa naisip. Hindi siya sanay. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng boyfriend. Siguradong kapag nalaman ito ng mga kapatid niya at ni Nik, katakot-takot na panunukso ang gagawin ng mga iyon.

            "We need to talk."

            Naibuga ni Amere ang iniinom na wine nang biglang umupo sa tabi niya si Cami. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

            "What are you doing here?" Gulat na gulat na tanong niya. Pinahid pa niya ang tumapong wine sa paligid ng bibig habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa babae. "Are you following me?"

            "You are avoiding me, Amere. I was trying to call you but you are not answering. I went to your office pero halatang pinagtataguan mo ako. Maghapon kang nasa meeting? Kahit lunch time? What the hell is happening?" Galit na tanong nito.

            Tumingin siya sa paligid at naipagpasalamat niyang hindi naman nakakakuha ng atensyon ang pagta-tantrums dito ni Cami.

            "I was busy. I was really in a meeting the whole day." Napahinga siya ng malalim. "What are you doing here? How did you find me here?"

            Masama siya nitong tiningnan. "I went to your house and followed you here. Iniiwasan mo ako. Ano iyon? Pagkatapos ng nangyari sa atin, tapos na? Ganoon na lang? Wala na?"

            Kumunot ang noo niya. "Nangyari sa atin? Walang nangyari sa atin. We are only friends, Cami. Baka nakakalimutan mo iyon."

            Nagtagis ang bagang nito at halatang napahiya sa narinig na sinabi niya.

            "Friends? Anong friends lang? We have something, Amere. I know you like me. Pumapayag kang hawakan kita. Pumapayag kang magkasama tayo. We are perfect for each other." Dahan-dahang lumambot ang mukha nito. "You like women, right? You told everyone that you like women."

            Napangiwi siya at napakamot ng ulo.

            "I'm so sorry, Cami. I lied about that."

            "What? What do you mean you lied about that?" Seryosong tanong nito.

            Napahinga siya ng malalim. "There's so much happened in me. I had terrible experiences with men and... you know. I just wanted to take a break from dating guys that's why I asked Reeva to spread the news that I am a lesbian." Alanganin siyang ngumiti dito.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon