CHAPTER FOURTEEN

4.1K 221 32
                                    


DORIAN
------------------------------------------

"Bakit ang pogi mo?"

Hindi niya tinapunan ng tingin si Berett habang inaayos niya ang pagkaka-butones ng polo na suot. Nakadapa ito sa kama niya tapos ay nakasapo ang baba sa dalawang kamay habang nakatingin sa kanya.

"I need to look good. Nik set me up on a date with his cousin." Sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Inilapit pa niya ang mukha sa salamin para tingnan kung maayos ang pagkaka-ahit ng balbas at bigote niya. Hindi naman niya inahit iyon lahat. Pinabayaan niyang may mga naiwang papatubong balbas doon. He knew women like it that way. Ilang babae na ba ang nagsabi noon sa kanya?

Umirap si Berett tapos ngayon ay nahiga na sa kama niya. Natatawang napailing na lang siya. Kung hindi lang talaga niya kaibigan ang isang ito, talagang matagal na niyang itinaboy ito sa buhay niya. Pero kahit magkaiba sila ng preference pagdating sa sex ng lalaki, ito pa rin ang best friend niya.

"Look good." Tumirik pa ang mata nito. "Babae na naman 'yan." Halata ang pagka-disgusto sa boses nito.

"Of course, it's a woman. You know I am straight." Inayos pa niya ang pagkaka-tuck in ng polong suot sa maong pants. He wanted to look perfect tonight. For years, this would be the first time that he's going to do a blind date again. The last one was six years ago. His first time and he remembered it was a disaster. Actually, a beautiful disaster. Wala sa loob na napangiti siya nang maalala ang nangyari noon. Amere found him doing a nasty thing inside the rest room.

"Bakit kasi hindi mo i-try naman ang katulad ko." Ngumiti ng nakakaloko sa kanya si Berett. "I mean, we're best friends, we get along ever since, and we click together."

Humarap siya dito. "Berett, nawawala ka na naman sa hulog. Gusto mo ba talagang friendship over na tayo?"

Napabuga ito ng hangin tapos ay parang batang sumimangot.

"Kasi naman. Nakakainis. I can't find someone to date. Puro na lang mga boylet na ang gusto lang sa akin ay ang katawan ko at ang pera ko." Saglit itong nag-isip. "Well, mas madalas 'yong pera ko lang talaga ang gusto nila. I want a real relationship. Someone who could accept me for who I am, and ikaw talagang tanggap mo kung ano ako."

Napahinga siya ng malalim at lumapit sa kaibigan.

"Bro, I don't judge. Kahit ano ka pa, tanggap kita. Pero..." bahagya siyang napailing. "I like women. I like to fuck them. I like to be with them. I don't want any backdoor."

Napaangat ang kilay ni Berett tapos ay ngumiti sa kanya.

"Alam ko naman. Inaasar lang kita. I know you're straight. Kasi kung burrito din ang trip mo, matagal mo ng pinatulan panglalandi ko sa iyo. But still, you want those tacos." Tumaas-taas pa ang kilay nito. "Patingin si girl. Gusto kong makita kung maganda at dapat papasa sa akin iyan."

"This is a blind date. Si Nik ang nag-set up nito, so he is just going to give me the details. Hope she's pretty." Dinampot niya ang pabango at nagwisik noon sa katawan. "Saka, umuwi ka na sa condo mo. Bakit ba dito ka nagbababad?"

"Ayoko 'don. Ang kulit kasi 'nong isang na-pick up ko 'nong nakaraan. Pabalik-balik. Feeling ko ini-stalk na ako. Utang ng utang. Nakaka-turn off."

Napahalakhak siya. "Tigilan mo kasing magdadampot ng lalaki kung saan-saan."

"Excuse me," nakataas ang kilay na sabi nito sa kanya. "Nagsalita ang hindi parang pokpok. Ikaw nga kindatan ka lang diretso na kayo sa CR. Walang pili."

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon