CHAPTER FIFTEEN

4.1K 226 28
                                    

Amere

-----------------------------------

            Naparolyo ang mata niya habang tumutunog ang telepono sa bag. Pinahinto niya ang sinasakyang grab car at nagbayad. Hindi na siya nagdala ng kotse. Sanay naman siyang kapag nakikipag-date ay inihahatid ng mga nagiging ka-date niya. Kung kailangan naman niyang mag-walk out sa mga iyon, she could easily book her ride home.

            Bumaba siya sa sasakyan at lumakad patungo sa Beers and Cheers. Bagong bar ito na na-discover ng pinsan niya. Napabuga siya ng hangin. Sa totoo lang, wala talaga siya sa mood na makipag-blind date. Kung hindi lang talaga siya natalo sa pustahan ng pinsan niyang iyon at ng mga kapatid niya, hinding-hindi talaga siya papayag dito.

            Wala pa ring tigil ang pagtunog ng telepono niya sa bag at nang mapatapat siya sa receptionist ay sumenyas siya ng sandali dito at dinukot ang telepono.

            "What, Nik?" Iritable niyang bungad dito.

            "Where are you?" Damang-dama niya ang excitement sa boses ng pinsan.

            "Here. In this..." tiningnan niya ang paligid at napangiwi siya. "...bar that you chose. Buwisit ka talaga. Alam kong sinadya mo talaga dito."

            Ang lakas ng halakhak ng lalaki. "Ano ba ang problema? I chose the best bar for you and your blind date. It's a newly opened bar, maganda ang paligid, superb service, and I booked a private room for you and your date. Para naman wala kang masabi na pinabayaan ko ang dare mo."

            "Ewan. Bakit kasi nauso-uso pa 'yang dare na iyan." Napabuga siya ng hangin at napailing.

            "Teka, ikaw ang nagpauso nito. Ikaw kaya ang nauna. Akala mo kasi ang galing-galing mo. Akala mo hindi ka na sasablay," natatawang sabi ng pinsan. "But I am sure mag-i-enjoy ka naman diyan. I mean, your date for tonight is a good man. I can vouch for him. Ako ang namili sa kanya.  Mabait 'yan. Guwapo. Saka may pera."

            "Excuse me. May pera din ako," sagot niya dito.

            Lalong ang lakas ng halakhak ni Nik. "Sige na. Enjoy mo na ang date mo. Malay mo, siya na pala ang hinihintay mo all your life. Bakit nga wala kang nagiging boyfriend?"

            "Because I hate men," umirap pa siya nang sabihin iyon.

            "And you're telling me that you're coming out now?" Seryoso na ngayon ang boses ni Nik.

            "Sige na nga nang matapos ko na 'tong trip mo." Hindi na niya hinintay na sumagot ang pinsan at ini-end na niya ang call nito. Humarap siya sa receptionist at tinanong kung saan ang reservation ni Nik. Sasamahan siya ng receptionist pero tumanggi na siya. Inalam na lang niya kung saan at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob.

            Napataas ang kilay niya tapos ay napangiti nang makita ang loob ng silid na sinasabing pina-reserve ni Nik para sa kanila ng blind date niya. She was impressed. The whole room was nice. Cozy looking. Kumpleto rin ng foods and drinks para hindi na sila maistorbo pang lumabas at magrequest ng mga kailangan nila sa mga attendant.

            "Maarte talaga si Nik," natatawang sabi niya sa sarili at nilapitan ang mga pagkaing nakahain doon. "This looks yummy." Dumampot siya nang nakitang deviled eggs at kumagat doon. Tapos ay nilapitan niya ang mga drinks na naroon. Expensive liquors. May mga available din na juices and mixed drinks.

            Dinampot niya ang Grey Goose vodka at nagsalin sa basong naroon. Nilagyan niya ng lemon at ininom. Napasipol siya sa tapang ng alak pero nakatulong iyon para kumalma siya. Muli siyang nagsalin at muling uminom. And she was feeling better already.

BAD DATE | Bad Series 4 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon