DARKEST SECRET II

423 7 2
                                    

Bakit nga ba napunta sa ganoong sitwasyon sina Vice at Karylle?

One time na nag inom silang mga magkakaibigan dahil sa anniversary ng kanilang showtime, nagkausap sila ni karylle. Lasing na kasi ito dahil nakakapag tagalog na ng diretso, malalim pa ang binibitawan na salita.

Dahil alam ni vice na lasing na nga ang dalaga, nagpaalam na siya sa kanilang mga kaibigan na ihahatid lamang si karylle sa hotel room nito.

Pagdating sa hotel room ni karylle, hinalikan nya ito sa noo at lalabas na sana ng pigilan siya nito sa pamamagitan sa pag hawak ng kaniyang kamay.

"Vicey, pwede bang dito ka muna sa kwarto ko hanggang sa makatulog ako?" medyo naka pout nitong sabi sa kaniya. Gulo gulo na nga ang buhok nito at medyo malamlam na rin ang mga mata.

Na cute-an naman si vice sa itsura ni karylle na kaharap nya. Para kasi itong bata na nagmama kaawa sa kaniya na samahan siyang matulog.

"Sige na, dito muna ako hanggang sa makatulog ka."

Umupo na siya sa bed at tinap ang gilid nya para humiga na si karylle. Lumapit naman ito habang naka ngiti. Humiga ito sa kaniyang tabi at niyakap siya.

Akala niya matutulog na ito, pero narinig nya itong humihikbi.

"Whuy kurba! Kapag lasing walang iyakan. Bakit ba?" pilit niyang pinapaharap ito sa kaniya hanggang sa makita niya ang mukha nito.

Namumula, humihikbi at basa ang mukha dahil sa luha.

"whoy ana karylle, bakit?" nag simula na siyang mag alala sa babaeng kaharap nya ngayon na lihim niyang minanahal.

"Vice, hindi kami maayos ni yael. Ilang araw na siyang hindi umuuwi tapos hindi man lang niya ako tinatawagan, o kaya mag padala ng mensahe sa akin."

Hinawakan nya ito sa kamay at ni-rub nya yon para kumalma nga ito. Ayaw nyang nakikitang nasasaktan si karylle.

Nag simula niyang mahalin ito ng mag hurado ito sa showtime at palagi niyang pinapansin at inaasar. Hindi pa nga siya makapaniwala na anak ito ni ms. zsazsa padilla.

Dahil sa pang aasar nya dito, sa pagiging close nila sa isa't isa, tuluyan na siyang nahulog..

Dinadalahan nya ng pagkain sa dressing room, nililibre nya ito ng mga ticket for concerts at si karylle ang laging may pinaka maraming pasalubong lagi ang natatanggap mula sa kaniya.

When he's ready to say his true feelings for her, that was the time that she revealed.. she's getting married.

Nalimutan nyang may boyfriend nga pala ito. Kaya ganoon na lamang ang pag pipigil nya ng iyak habang nasa tapat ng camera, hababg kasama nya ang kanilang mga co hosts.

"Alam mo kung bakit? Gusto nyang mag hiwalay na kami! Yung dahilan nya dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Vice, gustong gusto na nya ng anak pero hindi ko maibibigay yon. Mahirap sakin yon."

Nasaktan naman siya ng marinig nya ang sinabi ni karylle sa kaniya.

" Kayo naman kasing mag asawa, puro kayo work. Try nyo mag pahinga muna kaya? Mag relax kayo, kaloka. Paano kayo makakabuo nyan kung pareho kayong stress at pagod lagi?"

Hindi din nya alam kung saan nya kinukuha ang mga sinasabi niya, pero alam nyang nasasaktan siya ang kaniyang sarili. Hanggang ngayon naman kasi, mahal nya si karylle. Hindi nawala ang pagmamahal niya dito. Hindi na lang nya sinasabi dahil may asawa na ito.

"May scoliosis ako vice. Hindi ko siya kayang bigyan agad ng anak."

"Sure kang ikaw ang may problema? Baka naman kasi impotent yang asawa mo." (Sorry na! :< for the story lang naman e!)

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon