BABY KO SI KULOT

216 5 0
                                    

Habang nag hihintay pauwi ng probinsya, may umakyat na isang naglalako ng mga mani, nilagang itlog pugo, pastillas at chicharon sa bus.

Tinuro ng kulot na bata ang nagtitinda, "mama gusto ko noon oh" sabi nito kay zsazsa.

"ana, wala na tayong pera. pamasahe na lang ang mayroon tayo pauwi ng probinsya." sagot nito sa anak. Gusto man niyang bilhan si ana, ngunit kapos sa pera. Masakit man sa kaniya, iniwas na lang niya ang kaniyang tingin at tumanaw sa bintana.

Maya maya naman, may umakyat na isang babae habang hawak niya ang kaniyang anak na lalaki. Halos kasing edad lang din ito ni ana. Parang limang taong gulang din ito.

Patuloy pa rin sa pag aalok ng itlog pugo, mani at chicharon ang lalaki sa loob ng bus.

"anong gusto mo anak?" tanong ni rosario sa anak. Tumingin naman ito at ngumiti.

"gusto ko yon nay, yun." turo nito sa pastillas. Agad naman na kumuha si rosario at agad na binigay ito kay jose.

Napatingin si jose sa batang nasa unahan niya bago niya ito ngitian.

"Gusto mo?" tanong niya dito. Nakatitig lang naman si ana sa kaniya bago marahan na tumango. Napatingin naman si zsazsa sa kaniyang anak na si ana habang tumatango ito sa batang si jose.

"nanay, gusto nung bata nitong pagkain ko." sabi ni jose sa kaniyang ina.

"sige anak bigyan mo."sagot nito. Pagka bukas pa lang ng pastillas, agad na inabutan ni jose si ana.

Nakangiting tinanggap naman nya ito," thank you" saad nito bago kumain. Ngumiti lang si jose at nag simula na rin kumain at nanahimik na.

Maya maya lang muli itong tumayo at sinilip ang batang babae. "Gusto mo pa?" tanong nito.

Binabawalan naman na ni zsazsa ang anak na tumango subalit binigyan pa rin ito ni jose.

"thank you. Kakantahan na lang kita... baby ko si kulot... baby ko si kulot.." paulit ulit na pagkanta nito bago isubo ang pastillas na muling bigay ni jose.

"Ako si jose, ikaw anong pangalan mo?" tanong nito. Naka tayo pa nga siya sa upuan kaya't binabawalan sya ni rosario dahil baka mahulog siya.

"Ako si ana" simpleng sagot nito bago ngumiti sa kaniya.

Buong byahe, magkakwentuhan lang ang dalawang bata. Parehong probinsya pala ang kanilang pupuntahan.

Naging magkaibigan sina ana at jose hanggang sa nag elementarya silang dalawa. Alam ni jose na mahirap lang din si ana ngunit siya ay mas nakaka angat sa buhay. Palagi niya itong sinasama sa kanilang bahay at inaaya nya ito maglaro.

"ana, aalis na ako." malungkot na saad ni jose habang sila ay nasa tabing ilog. Napatingin naman sa kaniya ito.

"huh? Uuwi ka na? maaga pa kaya, di pa nga lubog yung araw eh!"

ayun lang, slow talaga

"Sabi ko aalis na ako, pupunta na kaming manila. Nandoon na yung trabaho ng tatay ko." saad nito. Napa pout naman si ana at agad na niyakap si jose.

"Mamimiss kita, tutoy. Sa susunod ba tayo pa rin mag bestfriend? Babalik ka pa ba dito sa atin?"

"babalikan kita dito. Mag aaral muna ako doon tapos babalik ako dito para marami ako pasalubong sayo. Diba gusto natin ng maraming cake at maraming chocolates palagi?"

Tanging tango lang ang naisagot ni ana habang patuloy na humihikbi.

"kailan ka aalis?"

"Bukas na.." malungkot na saad nito.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now