VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK

424 10 0
                                    

"Hi ponies and babies! Welcome back to the vicerylle channel!" pag iintro ni vice habang sya ay naka upo sa bed nila sa entertainment room.

"so for todays vlog, ang naisip kong gawin ay iprank natin ang mommy kurba nyo!" he grinned.

"So ang gagawin ko, sasabihin ko na nawawala ang anak namin na si Joseph, or ang tinatawag kong tutoy. Sya na ngayon ang tutoy ni nanay, hindi na ako." naka ngiti niyang sabi.

Nilingon muna nya ang pintuan at siniguradong naka lock ito.

"Wala kasi si kurba ngayon, hindi niya ako sinama sa pag go grocery kahit gusto ko sumama kasi nga, alam nyo na buntis sya. Pero may kasama naman syang dalawang angels namin, tapos may isang body guard tska yung driver. Hindi ko mapigilan, mainitin ang ulo lately, nag lilihi. Hindi ako mananalo talaga dun ngayon. "

"si tutoy ngayon ay nasa mini library ng room nya, nagbabasa o kaya nag papaint. Tara, puntahan natin!" tinakpan na nya ang camera at pumunta sa kwarto ng kanyang anak.

Pag kabukas pa lang ng pintuan ng mini library ng kwarto ni joseph ay agad itong sumalubong sa kaniya.

"Hi siblings!" bati ni joseph sa cam.

"baby, may naisip si daddy ngayon para kay mommy." sabi niya sa anak at pinaupo ito sa lap.

"ano yon daddy?"

"kunwari anak, nawawala ka. Pero ang totoo, dadalhin lang kita kina daddy lo mo. Tapos si mommy susunduin ko sa mall para sbaihin na nawawala ka."

Nilingon sya ng kanyang anak at naka cross arms ito. "daddy po ah, may baby sa tummy ni mommy po ah. Wag mo aawayin yon."

Ngumiti naman si vice sa kaniyang anak. "Opo baby, noted po. So papayag ka ba sa prank ni daddy?"

"Yes daddy." Pag tango nito. Tumingin ito sa camera bago lumapit at may sinabi.

"mommy, i love you po. Mahal ka po ni Joseph talaga, pero sasamahan ko muna si daddy sa vlog nya."

Binihisan na ni vice ang kaniyang anak at inayos ang mga gamit nito. Marami pang habulan at harutan ang naganap bago sila matapos.

Pag dating sa car, si Joseph ang may hawak ng camera.

"Hi Siblings! sabi ni daddy ako muna mag hawak ng camera kasi nag ddrive sya. For now, mag oorder muna si daddy ng fries because I'm hungry na po. Drive through naman po kasi."

Tinapat ni joseph ang camera sa kaniyang ama, "ang aga pa anak baka makagalitan tayo ng nanay mo"

"Daddy ako naman mag sasabi kay mommy na nagpabili ako. Nasaan si mommy po pala bakit wala sya kanina pa sa bahay?"

"nasa grocery si mommy, namili ng pang stocks natin sa bahay."

Tumango tango naman si joseph at matapos ang ilang minuto ay nakuha na nya ang inorder na burger at fries ng kaniyang daddy.

"Thank you for these daddy vice. Bibigyan ko din si daddylo Modesto nito daddy. I'm sure he will love these pasawwuuubooongg"

Nag ddrive si vice habang ang anak ay kumakain. Pareho silang nakikinig ng song at sinasabayan din nila ito.

"mabuti na lang hindi traffic kaya madali kami agad naka punta kina daddy and almost 30 minutes lang naman ang byahe from our house."Vice.

"Siblings, nandito na kami sa tapat ng bahay ni daddylo...and oh,nahulog yung fries dad!" bulalas ng anak ng matapon ang fries sa loob ng sasakyan.

"Huwag mo ng pulutin yan ah, bilhan na lang kita ulit mamaya."

Nag park na si vice ng sasakyan at inaya ang kaniyang anak na pumasok na sa loob ng bahay ng kaniyang father-in-law

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now