SHOWTIME BABIES

276 9 2
                                    

Nasa isang beach resort ngayon ang magkakaibigan dahil nagkaroon muli sila ng bonding slash party at para na rin nilang reunion. Ngayon na lang kasi sila mabubuo ulit kasama ang kani kanilang mga asawa at mga anak. Ilang taon na rin ang lumipas at walang nagbago sa kanilang pagiging magkakaibigan. True friends indeed.

Si tyang amy naman ay nag aayos ng food sa may table kasama si Kim sa kabilang kiosk. Si Ryan naman ay nag gagawa ng kimchi sa loob ng kitchen.

"Mommyyyy!"iyak ng isang kulot na bata habang nakatitig sa isang batang lalaki na nakasuot ng polo shirt. Naka shades rin ito at nakangisi sa batang kulot.

Agad naman nilapitan ni karylle ang bata at hinawakan ito sa kamay,"what happened baby? "

" mommy! si kuya amari , inaaway po ako. Kinuha nya yung hotdog na kinakain ko mommy."nakapout na sabi nito sa ina.

"What happened ate K?"nakalapit na tanong ni coleen habang si billy naman ay sumunod din. Kinarga nya si amari na .

"Wala naman, kinuha lang ni amari yung food ni ana " nakatawang sabi ni karylle bago abutan ulit ng hotdog at marshmallow ang anak.

Pinag sabihan naman ni billy ang anak at sinabi na makipag laro na lang sa anak ni vhong at ni jugs.

"Nako, sorry ate K ah. Makulit talaga si amari minsan."pag hingi ng paumanhin ni Coleen sa kaniya habang hinahaplos ang kulot na buhok ni ana.

"That's fine Coleen, ganyan talaga mga bata," nakangiting sabi ni karylle bago punasan ang labi ng anak. Dumating naman ang isang naka dress na bata at naka shades din ito. Fashionista katulad ng ina.

"Dahlia !" Tawag ni ana dito habang naka ngiti. Rumarampa naman si Dahlia na palapit kay ana bago nag flying kiss dito. Nagkatinginan na lang si karylle at anne bago sila sabay na natawa.

"Oh my gosh twinnie! Kamukhang kamukha mo si ana talaga!"saad ni anne bago yakapin ang kaibigan.

"Uhh same sayo si dahlia. Pareho kayong fashionista and ang cute cute oh! I think they will be best of friends." saad ni karylle bago tignan ang kanilang mga anak na nag uusap. Inaabutan pa nga ni ana si dahlia ng fries.

Maya maya lang, sa isang tabi naman ay may nag iiyakan na rin na mga bata. Hinampas kasi ng robot toy ng anak ni vhong si ramdy. Ang anak ni jugs at andie na five years old rin. Singkit din ito at medyo chubby.

"Nakakaloka naman yang anak mo vhong, ang bayolente parang ikaw!" Saad ng kakarating lamang na si vice habang karga naman ni ion ang kanilang anak . Binatukan naman sya ni vhong ngunit agad sya nakabawi. Nakipag beso naman sya sa lahat ng kaibigan nya at nag mano naman isa isa sa kaniya ang mga bata.

They are all respectful. Naturuan ng maayos ang mga bata o sadyang alam lang nilang matanda na si vice. Charot.

"Bon, mag sorry ka kay Ram. Diba sabi ko masama yung nag aaway ? Bakit mo hinampas ng robot?"tanong ni vhong dito habang si ramdy naman ay pinupunasan na ng pawis at luha ng mommy nitong si andie.

"Nakakaloka, tingin nyo makakapag party tayo? Parang mag aalaga lang tayo ng mga chikiting," saad ni vice bago ayusin ang buhok ng anak at nakipag laro na ito kina dahlia at ana.

"Hello mga pards!" sabi ng isang batang naka polo rin, naka shades at naka khaki short.

"Eto na pala ang litol teodoro !" Sabi ni vhong at pinat ang ulo na anak ni teddy na si Theo. Nakipag bro hug rin naman si teddy at beso sa ibang kaibigan.

"Vice, yung anak mo pomoporma kay ana ha! Malupet yan tol!" May pa siko na sabi ni vhong habang nakatitig sa anak ni vice na si joseph at kay ana.

"alam mo ana , parang pugad ng ibon yang buhok mo" joseph. Napa nganga naman si vice dahil sa bigla sa sinabi ng kaniyang anak. Umiyak na naman ang ana kaya lumapit naman si karylle.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now