VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)

674 12 0
                                    

"good morning mga bibi ko! Welcome back to our channel" bati ni karylle na pabulong habang hawak ang kaniyang camera. Nasa banyo sya ngayon sa first floor at nag tatago.

"So nakikita nyo naman ngayon, mag isa ako at nandito ako sa banyo ng first floor ng house namin.. So for todays vlog, nakaisip ako ng bagong pang prank kay love." natatawa nyang sabi habang may kinukuha mula sa bulsa nya. Naka balot pa ito sa tissue.

Unti unti niyang kinuha at nireveal kung ano ito at tinapat sa camera.

"I have two pregnancy test here.. and positive na lahat yan. So these two pregnancy tests galing sya kay coleen. Tapos kahapon, I asked her if naitatabi pa ba nya yung mga pregnancy test and sabi niya tinago nya daw talaga. So sinabi ko na hihiramin ko muna. Ibabalik ko din naman, may sentimental value to ano. Nireremind dito yung first baby nila."

Natahimik saglit si karylle ng marinig niyang may tao mula sa second floor. Kaya in-end muna nya ang video.

Lumabas sya ng banyo at nilagay ang camera sa may cabinet bago lumapit papunta kay vice na karga ang anak nilang si joseph.

" Good morning daddy and baby" bati niya sa kaniyang mag ama bago halikan sa pisngi si joseph at smack naman ang ginawad nya kay vice.

"where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap ni tutoy." sabi ni vice sa kaniya habang inaakbayan.

"Ah, nag banyo lang ako love. Mag pprepare nga sana ako ng breakfast natin" pag papalusot niya bago humiwalay muna kay vice.

"Mommy, dito ka lang sa amin ni daddy" Joseph.

"I'll cook our breakfast, anak. Bonding muna kayo ni daddy mo." Karylle. Lumingon sa kaniya si vice at nag papa awa rin ito, nag mana talaga ang anak sa kaniya.

"mommy, dito ka lang sa amin please?" Vice.

"alam mo vicey, hindi bagay sayo yan. Dun na muna kayo love because I'll cook." Natatawa nyang sabi sa kaniyang mag ama. Bumaba naman si joseph mula sa pagkarga ni vice at yumakap sa bewang ni karylle.

"mommy, mamaya ka na mag luto. Hindi pa naman ako gutom po." Joseph.

Sumunod naman si Vice at naki yakap sya kay karylle.

"love, mamaya ka na lang mag luto. Bonding muna tayong tatlo. O kaya ako na lang mag luluto mamaya, please asawa ko?" malambing na tanong ni vice dito habang hinahalik halikan sya sa kaniyang leeg.

Napa chuckles na lang siya, "love, nandyan si tutoy. Enough that." bulong ni karylle habang kinukuha si Joseph mula sa kaniyang likuran dahil nakayakap ito.


Maghapon na nag bonding ang mag anak. Nanuod ng mga movies habang nag fofood trip, nag swimming at naglaro sa kanilang bakuran.

"daddy, gusto mo paglaki mo?" Joseph. Napa kunot noo naman si karylle at natawa si vice.

"malaki na ako baby e. what do you mean?" Vice.

"Anong gusto mo po, dream mo maging.." Joseph.

Pinaupo naman ni vice si joseph sa lap nya, "before nung nag aaral pa lang si daddy, gusto nya maging lawyer kaya lang hindi natapos ng pag aaral si daddy." Vice.

"Why dad?"

"Kasi baby, inuna ni daddy before yung rampa rampa, ganern! Kaya di natapos ng pag aaral si daddy." Vice.

Ngumiti naman sa kaniya ang kanilang anak.
"Bakit ngayon daddy di ka na nag susuot ng gown?"

"It's my choice anak, bakit mo naman naitanong?"

"Wala po daddy. Para pareho kayo ni mommy ng naka gown!" sinabayan nito ng tawa.

Natawa na lang silang pareho ni karylle dahil sa kanilang anak.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now