CONSTANT & BUKO

150 5 0
                                    

Kakatapos lamang ng lunch naming magkakaibigan. Pansin ko naman ang pag iwas sakin ni Karylle simula kanina pa. Itong kulot na ito di ko mawari kung ano ang problema, biglang tatahimik tapos susungitan ako bigla.

"Baka matunaw, huwag mo naman pagmasdan."Sabi ni Vhong sakin.

"Hindi ko naman gusto pag masdan eh, eh anong magagawa ko kahit saan ako lumingon, sa kanya pa rin bumabalik ang pagtingin ko?"Medyo napalakas kong sabi. Naagaw naman ng atensyon ni K ang pinag uusapan namin ni vhong pero nag iwas agad syang tingin samin.

"Guys pupunta muna akong dressing room ko."Paalam nya sa lahat except sakin. Syempre diba, ako ang jowa dapat mas magpaalam sya sakin. Hay. Hindi naman ito kung anong lugar kaya di naman sya siguro maliligaw dito sa studio.

"Oh saan ka pupunta sis?"Anne.

"Susundan ko si Kurba, ayaw ako pansinin kanina pa."Dali dali akong tumungo sa kanyang dressing room.

"Kurb---

"Ouch!" napatingin ako sa kung sinong nauntog pagkabukas ko ng pinto. Nakatanggap akong hampas sa braso.

"Hindi ka nag iingat! Sasaktan mo na lang ba ako lagi ha?!" sabi niya sakin habang nakahawak sya sa noo nya. Niyakap ko sya agad at hinalikan ko ang kaniyang noo.

"Sorry sorry. Hindi ko sinasadya. " humalik pa ako ng ilang beses pa ulit.

Tinignan nya ako bago pumalag sakin, naalala nya siguro yung nagawa ko. Ano ba yun? Wala nga kong maalala.

"I'm fine, bumalik ka na sa Jackque mo."Karylle. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Love, pinapamigay mo na ko? Love wag naman ganun, sayo lang ako eh." Napa pout kong sabi bago ko sya yakapin. Nakakunot noo niya kong tinignan bago ako irapan.

"Kapag nandyan sya hindi mo naman ako napapansin, kitang kita ko yung panghaharot mo sa kaniya ah mula dun sa hurado seats." Karylle.

"Nag seselos ka?"

"Hindi."

"Eh ano?"

"Nasasaktan na ko Vice. Baka di mo namamalayan, nahuhulog ka na sa kaniya."

Para kong tanga habang on going ang tawag ng tanghalan, lutang ako dahil sa sinabi ni Karylle. Hindi naman sa guilty ako na nahuhulog ako kay Jackque, pero nasasaktan ko na naman ang taong mahal ko.

Nung commercial break, hindi ako pumunta sa lounge, magkakasama kami sa stage habang nag haharutan at nag kakantahan. And then karylle caught my attention, ngumiti sya sakin pero tipid lang yun.

Lumapit ako sa kaniya, "Knock Knock girl, excuse nga muna. Kakausapin ko lang Yung kulot dito." sabi ko ng naka mic, nagtawanan tuloy ang mga tao.

"Grabe naman yung knock knock girl, vice!" sabi ni Kyla sakin na di kalaunan ay umalis sa pwesto niya at pumunta muna kina Anne.

Pagkaupo ko pa lamang, tumingin sakin si Karylle bago bigla syang tumayo at paalis. "luh Karylle, kakapunta ko pa lang dito."

"pupunta muna akong comfort room, I need to pee." natawa ako ng sinabi nya talaga yun kahit naka mic. May pagkabaliw din itong girlfriend ko.

"Hindi naman totoo yun eh, Hindi ka nga nag mamadali oh." sabi ko Sa kaniya at hinawakan ko sya sa kaniyang kamay.

"Dito ka muna, usap muna tayo." hinila ko yung upuan nya palapit sa inuupuan ko para mayakap ko sya.

"kung liligaya kaaaa sa piliiiing ng ibaaaaa."Napatingin ako sa babaeng nasa ibaba lang, at sinilip ko.

"Hoy ngangabu! Paki off mo nga yang mic mo, ang lakas mo gumamit sa kuryente!" tumawa naman siyang malakas at isama na rin ang tawa ng madlang people.

"Kung tutol Ba akooo.. Kung kagustuhan mo.." Anne. Nakita ko si Jhong na hinampas ang gong kaya nagtawanan kaming lahat. And suddenly, someone poke my cheek. Si Karylle.

Binitawan ko muna ang mic ko at nilapit ko sya sakin bago ko sabihin ang mga litanya ko.

"Kung ano man ang ginagawa ko kay Jackque tuwing Q and A, harutan lang yun. Biruan lang yun."

"Yung mga banat mo sa kaniya, mga banat mo sakin yun before ah? I'm not saying this para magpabebe sayo or mag pacute sayo viceral kaya don't laugh at me. I'm saying this kase nakakatampo ka na."
Nilapit ko sya sakin at humalik ako sa buhok nya.

"I know, pero ikaw naman ang nauna dun, at ako naman never naman magiging kaniya dahil sayo lang naman ako simula pa lang diba? I'm sorry love hindi ko na napansin na nasasaktan kita. Akala ko okay lang sayo."

"Okay lang naman sakin na may moments kayo, pero pwede ba vice? Wag mo naman ilapit yung mukha mo sa kaniya? Nakakairita kaya, alam mo yun?" sabay rolled eyes. Tinawanan ko na lamang siya at niyakap ko ng tuluyan.

Bumaba na ko sa stage at lumapit ako sa banda.

"Isang tugtugin naman dyan oh. Dali, kakanta ako. At may kakantahan ako."sabi ko sa kanila. Then pinag usapan namin yung mga banda.

"Maganda yung mga tugtugin nung Eraserheads,." Vhong.

"Ano ba mga kantahin nila?"Anne. Biglang sumabat naman si Mariel.
"Yung ano, katulad ng Sinasayaw ni ion, yung 'Lintik na pagibig parang kidlat..puso mo'y—

Nagtawanan kami dahil kay Mariel, "Ma, brownman revival naman yun!"Vhong. Tumawa naman si Mariel.

"Meron pa Vicey, diba yung spongecola? Maganda din mga kantahin nila?"Karylle. Tumingin ako sa kaniya, maayos na ang awra nitong kulot na ito. Inaasar na niya ako.

"Anong sabi mo Karylle?"Tanong ko at tinawanan nya ako.

"Pero syempre dun pa rin ako sa poging rockstar. Yung si singer na si Viceral."Karylle. Eh ayun bigla na lang nya ako pinangiti.

"Karylle, nako ha. Nako."Medyo may paturo turo pa ko sa kaniya at tinawanan nya ko.

"Sige na vicey, kanta ka na. Ijujudge kita."Karylle.

"Attorney, bigyan nyo nga yan yung pang 'Woah!' " sabi ni Anne habang naka slant na higa sa upuan.

"Parang may nabasag lang Anne Curtis ha."Bigla nya ko tinapunan ng tissue.

"Attorney, yung mga pang brownman revival. ."

"Itanong mo sa akin.. Kung sinong aking mahal.. Itanong mo sa akin.. Sagot ko'y di magtatagal."

Pag tingin ko kay Karylle, nakangiti sakin habang nakalagay ang mga kamay sa kaliwang pisngi nya.

"Ikaw lang ang aking mahal.. Ang pag ibig mo'y aking kailangan.. Pag ibig na walang hangganan.. Ang aking tunay na nararamdaman.."

"Bruh, bakit ganyan ang ngiti mo ha?"Vhong to Karylle.

"Alam mo, nakakainlove ang boses ni Vicey."Karylle.

"isa lang ang damdamin.. Ikaw ang aking mahal.. Maniwala ka sana.. Sa akin ay walang iba.."

Lumapit ako sa kaniya at nag salongbaba ako sa tapat ng desk nya.
"Ikaw lang ang aking mahal..ang pag ibig mo'y aking kailangan."

"Ang pag ibig na walang hangganan.. Ang aking tunay na nararamdaman..."

"Sing with Vice madlang people!" Karylle.

"Ang nais ko sana'y inyong malaman.. Sa hilaga o sa timog o kanluran.. At kahit sa'n pa man .. Ang laging isisigaw.."

Karylle looks at me with a genuine smile, kasabay nang paghawak nya sa kamay ko.

Kasabay nang pag sabay nya sa huling mga liriko ng kanta.

"Ang nais ko sana'y inyong malaman.. Sa hilaga o sa timog o kanluran.. At kahit sa'n pa man .. Ang laging isisigaw..."

"ikaw ang aking mahal.. Ikaw ang aking mahal..ikaw ang aking mahal.."

"Sorry na love, I love you so much kulot. sabi ko sa kaniya at humalik ako sa noo nya.

"I love you too, love."Karylle.

I'm her constant, and she's my 'buko'.
At umeksena na naman si jugs..

"Vicerylle!" sabay click ng kaniyang camera.

Oh babies.. Kalma!

A/N:
01.19.19. Need ko ng feedbacks please! Hahaha! Do vote rin! Sana bet nyo to! Year 2019 ko pa ito sinulat.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon