KURBABE

310 15 0
                                    

Ilang araw na akong hindi kinakausap ni karylle dahil sa bagong segment ng showtime. Yung sexy babe. Ako pa naman nag suggest ng segment na ito para may exposure yung mga magagandang kababaihan . Pero mas maganda pa rin ang misis ko.

"misis ko!"pag tawag ko kay karylle habang nasa backstage kami. May halong pang aasar ang pag tawag ko ngunit sincere ako no ! Gusto ko sya asarin at lambingin.

"Ano na naman ba yon vice?" Karylle. Salubong na naman ang kilay nya. Ang ganda talaga nito kahit napipikon.

"Wife ang ganda mo naman . Crush na crush kita talaga" ngumiti ako sa kanya bago ko sya halikan sa pisngi.

Ayun lang, pinunasan nya yung halik ko. Ouch naman.

"Wag mo ko bolahin viceral ha. Kilala ko pagkatao mo. Dun ka na sa sexy babe mo, diba gustong gusto mo naman na tinititigan mga yon?" Karylle. Hinayaan ko lamg sya magsalita habang ako pangisi ngisi lang.

Hirap talaga patulan ng mga babaeng may toyo minsan.

"Love hindi naman eh. Ikaw lang naman ang pinaka maganda para sakin. Bakit ba inis na inis ka ? Nag seselos ka na naman."  Inirapan nya lang ako bago sya pumasok sa kanyang dressing room at pinag saraduhan ako ng pinto.

Pagkauwi namin, akala ko okay na kaming dalawa. Hindi pa rin pala. Hindi ako kinakausap kahit na halik halikan ko sya sa pisngi pati sa buhok. Habang sya patuloy lamang na kumakain ng mangga with dip na mayonnaise. Weird.

"Hindi ba sasakit tyan mo dyan?"

"Mag hapon ka ng sunod ng sunod sakin. Then pati kinakain ko papansinin mo. Sa ibang kwarto ka na lang matulog ngayong gabi. Ayaw kitang makita." Karylle. Tumitig ako sa kanya bago ko sya iwan sa may dining. Baka may period. Pero bakit naman mangga? Hindi ba bawal yun?

Hindi naman talaga sya ganyan sakin. Hindi ko na lang pinansin kahit na nasaktan ako sa sinabi nya, ayaw ko na lang na mag away kami. Dahil alam ko kapag sinagot ko yung sinabi nya panigurado away to.

Nag punta ako sa guest room at doon ako tumambay. Nanuod na lang ako ng movie. Panaka naka pa rin akong tumitingin sa phone ko pero wala syang message.

Ala una ng hatinggabi , nagising ako. Ramdam ko na may nakadagan sa akin. Kita ko si karylle naka upo sa tyan ko habang umiinom ng gatas.

"Vicey.." pag tawag nya sakin pagkatapos nya ibaba yung baso. May bakat pa ng gatas sa may taas ng lips nya. Cute.

"Bakit hindi ka natulog sa tabi ko?" Karylle.

What? Sabi niya lang ayaw nya akong katabi ah.

"Sinunod ko lang yung gusto mo. Bakit ka nandito? Akala ko ayaw mo akong makita?"

"I can't sleep. Gusto ko yakap mo, mister ko."

Nag pupungay na rin yung mga mata nya, halatang antok na antok na. Hinigit ko sya para yakapin at halikan sa noo.

Sayo pa rin marupok, mahal ko.

"I am sorry vicey. Hindi ko mapigilan na hindi mag selos. Kase yung tingin mo sa girls, bat naman ganun ? Parang tuwang tuwa ka pa sa kanila. "

Minsan talaga hindi ko alam kung nag seselos to tapos mag sosorry o mang aaway pa rin. Tumitig ako sa kanya bago ko ngitian.

"Love, love makinig ka sa akin. Kahit ibat ibang girls kaharap ko araw araw sa sexy babe segment walang papantay sayo. Loka ka, sayo lang ako attracted merlat. Walang makakapag pabago ng nararamdaman ko sayo. Yung tawa ko kapag sila kaharap , hanggang ganun lang yun. Iba pa rin yung saya ko kapag ikaw yung kasama ko. Palagi mong tatandaan na mahal kita. " hinalikan ko sya sa labi at tinugon nya yon.

Mehel enebe.

Ramdam ko na pinalalim nya yung halik nya sa akin kaya mas lalo kong tinugon. Hanggang sa nauwi sa make love naming dalawa.

5 am nang makatulog na sya. Kaloka talaga. Minsan lang sya mag first move sa make love namin and gusto ko rin naman yon. Jusko. Bet na bet ko ano ba.

8 am gising na rin sya at sinabi nya na kay mama muna sya. Nag file pala sya ng leave at ngayon lang sinabi sa akin. Wala na rin daw kasi ako magagawa.

"Kailan ka babalik?" tanong ko.

"Hindi ko alam love, magka message naman tayo palagi. Gusto ko mag leave ng ako lang. Don't worry, hindi ko naman papabayaan sarili ko. Hindi tayo pwede sabay mag leave kasi need ka ng show."

"love naman eh.."

"promise, babawi ako pagkauwi ko."

Three weeks. Three weeks ng hindi pumasok si Karylle sa showtime. Miss na miss ko na yung misis ko. Ayaw nyang pumunta ako sa Quezon Province dahil nga malayo tapos pagod pa ako galing work.

Lagi naman kami magkausap, pero iba pa rin kapag gusto ko sya kayakap.

Pagkatapos ng opening ng showtime, mag sisimula na sana kami pero may yumakap sakin mula sa likuran.

"Hello, tahanan ko." bulong sa akin. Kusang lumabas yung ngiti ko kasabay ng pag lingon ko sa kanya.

"Misis ko!" wala akong pakealam kung on air kami. Hinalikan ko sya sa labi ng mabilis at pinupog ko ng kiss sa pisngi kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit.

"Namiss kita, misis ko"

"Aww, I missed you love."

We had our quick love making sa dressing room ko. After that sya muna ang inasikaso ko. Inayos ko yung damit nya pati buhok nya.

"Love, may sasabihin ako." sabi niya sa akin. Inayos nya yung belt ng shorts ko habang nakatingin sya sakin sa mata ko.

"love..." sinabi nya yan habang napapa-labi sya.

Ramdam ko na anytime papatak yung luha nya.

"Bakit ka umiiyak? Mahal, jusko. Sabihin mo sakin, bakit? May problema ba?"

Umiiling pa sya habang pumapatak ang luha.

"Kinakabahan ako love, ano yan? Iyak ka nang iyak. Kahit sa phone call umiiyak ka ah."

"Sorry sa pang aaway ko talaga sayo, pero mukhang madadagdagan pa yon eh. Mahihirapan ka lalo sakin."

Nagkaroon ako ng ideya sa utak ko pero agad ko winaglit.

"Ano yon love? Okay lang, hindi ko naman dadamdamin yon. Baka masama lang talaga mood mo kapag ganun."

Lalo pa syang umiyak at lumakas pa nga. Niyakap ko naman sya.

"Daddy vice.."

Napatitig ako kay karylle ng banggitin nya yun.

"Daddy, I'm four weeks pregnant"





"So bakit nga hindi pumapasok si K ng matagal? Miss na namin si Karylle, brad." Vhong.

Tumingin ako sa cam bago ko ngumiti.

"Kasama si mama sa bahay. Hi love. Ingat kayo dyan, ingat ka dyan palagi. Kumain ka ng marami para healthy ka
... kayo ni baby."

Tumigin si vhong sa akin at kinalabog ako sa likod ng mahina, "buntis si K?!!"

Napa sapo ako sa bibig ko. Shet. Naibulalas ko.

Panigurado, lagot ako pag uwi ko.





A/N:
Hi! Ngayon lang ulit nakapag update because wala akong classes. Nakapag pahinga kahit paano ang utak ko.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now