I NEED YOU MORE TODAY

435 10 3
                                    

"You may now kiss your bride" I am over the moon when I heard this line from the priest. Feeling ko, ako na ang pinakamasayang bride mo. Tumitig ka sakin bago mo i-angat ang veil ko and then you cupped my both cheeks and kiss me gently. Sa harap ng maraming tao. Sa harap ng pamilya mo at pamilya ko.

Finally, we are husband and wife now.

"I love you so much, mrs. viceral." sabi mo sa akin. Nagkaroon ng paro paro sa tyan ko lalo ng marinig ko na namang binanggit mo na mahal mo ako.

"I love you too, love." sagot ko bago mo ko ulit hinalikan sa labi.



"Twinnie! Bangon na dyan!" hindi hello ang sumalubong sa akin sa phone ng makausap ko si Anne. Ang lakas pa rin ng boses ng babaeng to. Umupo ako at sumandal sa headboard.

"sobrang aga pa naman Annie, and besides marami akong gagawin today." Ilang alibis pa ba gagawin ko sa kaniya para tigilan muna ko. Gusto ko lang talaga humiga mag hapon.

"If I know hihiga ka lang diyan. Pupuntahan kita with your bruh. Kailangan naka ready ka na kapag nandyan na kami."

"Anne.."

"Shhh, no buts Ana Karylle. Reunion ng showtime kaya pupunta ka." She hanged up the phone call before I can say anything.

Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha bago ko napipilitan na mag asikaso. Nilagay ko na rin sa bag ko yung mga dapat kong dalhin and some stuffs na alam kong kakailanganin ko. Nakarinig ako ng doorbell kaya dali dali akong lumabas bago ko binuksan ang gate.

"Twinnie! Oh my gosh, you look so good. Still gorgeous huh?" Anne. Nakipag beso sya sa akin at ganoon din ang ginawa ni Vhong.

"Namiss ko ang bruh ko!" Vhong. Nginitian ko na lang sila bago ko ayain na pumasok muna sa bahay.

Hinintay lang nila ako na matapos and then go na kami sa aming vacation trip slash reunion.

"Dapat hindi ako sasama. You know my reason guys, nahihiya ako humarap sa inyo pati sa ibang friends natin." saad ko. I turned off my phone bago ko humarap sa kanila.

"Sus. May iniiwasan ka lang doon.. Baka miss ka naman na nun." Vhong chuckled after saying that. Hinampas naman siya ni Anne kaya nag peace sakin.

"Nah. Mapang asar ka pa rin talaga no? And yes, I missed him." ngumiti ako bago ko ipikit ang aking mga mata.

Nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako. I looked for my phone and it's 12 noon na. Lunch time na ako nagising!

I fixed my hair bago ko lumabas ng room. Parang villa pala ang napuntahan namin, malapit lang sa dagat pala. Nakita ko naman sila na nakaupo sa buhanginan habang nag kukwentuhan.

"Finally! Gising na! Hi ate Karylle!" Ryan.

"O em gee Ryan!" agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng makita ko yung frenemy ko. Hinalikan nya ako sa pisngi kaya napa giggles ako.

"Pwede na tayo kumain. Gising na si Karylle!" Jugs. Niyakap niya rin ako bago ako i-beso.

"Huh? Hindi pa kayo nag lunch?" tanging tanong ko bago ko isa isa na tinignan sila.

"Hindi pa. Sabi ni Anne hintayin ka namin. Tska hindi pa luto yung inihaw na manok. Gutom na nga kami"Vhong. Hinahaplos nya yung tyan nya habang nag sasalita.

"Kung maka reklamo ka dyan Navarro, ikaw dapat nagluluto nito. Sayo kaya naka assign to!" Napa lingon ako sa isang cottage ng marinig ko yung pinanggalingan ng boses na yon.

He's here.

Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito after three years? Ang ganda pa rin ng katawan nya. Yung pogi siya kahit walang make up. Naka cap nga lang siya tska naka cleared glasses.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon