SMILE IN YOUR HEART

345 8 1
                                    

"What's up madlang people?!" sabay sabay naming sabay ng mga hosts. Nagkamustahan muna at nag kwentuhan kami. Syempre Valentines' day na.

"Ikaw Vice? May LoveLife ka?"Vhong.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Tinatanong mo ko kung may LoveLife ako?.. Huh! Syempre, meron" sagot ko naman at nag tilian yung mga nasa itaas ng studio.

Nahagip ng mata ko yung dala nilang banner, mga anak pala namin to ni kurba.

"Ah sino? Ipakilala mo naman samin."Vhong. Konting konti na lang masasapak ko na ito.

"Nandito ba ate Vice?"tanong ni jugs sakin. Nanlaki naman ang mata ko.

"Hoy! Tama na nga yan." pigil ko sa kanila pero may kasamang kilig.

"Kung nandito nga?"Anne.

Nilingon ko sila isa isa.

"Wala.. Wala dito.. Hindi pa umuuwi." Kasabay noon ang pagtawa ko.

"Kyaaaaah!" ayan na naman sila, my vicerylle babies.

"Si ate K ba yan, ate vice?" Jugs.

Nag pamulsa muna ako at tinuro ko yung prompter.

"Anne, magbasa ka na ng spiels mo, over time na daw sabi ni Direk." pag puputol ko ng mga katanungan nila sakin.

Nag tawanan naman sila at hinampas ko si Vhong at Jugs,
"Kayo talaga, nako." sabi ko off mic.


"Marami na namang mga kaganapan na dapat abangan... At may magbabalik!"Anne. Tumili na naman sila. Two weeks kasing wala si Karylle. Siguro mga nakakuha ng hint na kung sino ang babalik.

"Sigurado ako namiss to ng madlang people." sabi ko at may kasama na namang tili sa madlang people.

"At sigurado din kami na namiss mo sya."Vhong.

Tinulak ko nga para mapayakap kay Anne
"Ay pumaparaan si vhong.. Haluh, paraan pa vhong ah." pang aasar ko para malisya ko ang topic.

"trabaho na daw sabi ni direk" singit ni Jhong. Mabuti naman.

*Commercial break*

"Uy ready na sya oh!"Vhong. Kanina pa ito, ayaw akong tigilan.
"Wag kang magulo vhong. Suprise ko nga to eh! Subukan mo lang mag ingay vhong."Banta ko sa kaniya.. Dumating naman sina Billy, Anne and Jhong.
"Mukhang Handang handa ka na ah."Billy. Nginitian ko na lang.
"Pasaberg to sis mamaya ah, goodluck."Anne.

Nagkakagulo kami dahil katatapos lang ng prod ko.. Tapos si Billy bigla kaming pinatahimik.

"Tahimik muna tayo sandali, dahil may gustong kumausap sa inyo"Billy.

"Hello?"Billy.

"Hello madlang people!" sagot nito, yung nasa phone.

Nag hiyawan yung mga tao.
Boses pa lang kase kilala na.. Napangiti ako.

"Ah karylle?" Vhong sabay tingin sakin.

"yes bruh?" sagot naman niya.

Sheeeet!
"Bukod sa madlang people na namimiss mo at bukod samin. May namimiss ka pa ba?" sabi ni vhong kay Karylle.

Anak ka ng tokwa vhong! Hahaha

"Ha? Oo eh. Nandyan ba?" Karylle.

Nagtilian yung mga tao sa sagot ni K.

"Oo nandito.. Namimiss ka na nya, umuwi ka na daw."Vhong.

"Oh nandyan? Bakit di nag sasalita?"Karylle.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now