DANCING WITH YOUR GHOST

339 10 0
                                    

🎶Yelling at the sky
Screaming at the world...

"Good morning, love. Have a wonderful day." I looked at him and gave him a genuine smile.

🎶Baby, why'd you go away?

After ko mag luto ng breakfast, nilagay ko sa tray yung food. Always naman ganito, breakfast in bed with him.

"hey, it's time for our breakfast! Wakey wakey, darling." I planted soft kisses, all over his face. Pinaka titigan ko sya. Mmp. Ang pogi talaga.

"Don't smile at me like that, alam mo talaga kung paano ako papakiligin." natawa kong sabi sa kaniya. Hinawakan ko na ulit yung tray bago ko iharap sa kaniya.

"breakfast? Let's eat na, love.. sige kung ayaw mo ako na lang ang kakain, basta kakain ka mamaya ha?"

Sinimulan ko ng kumain habang walang tigil ang pag kukwento ko sa kaniya. Naka ngiti lang siya sakin. Pinag mamasdan ako.

🎶I'm still your girl
Holding on too tight...

"Gustong gusto mo talaga na pinag mamasdan ako ano? Uh, don't worry makakauwi naman ako agad mamaya kaya may kasama ka na ulit dito sa bahay." I touched his cheek.

"nandito rin pala si vicekee at si mini me, may kasama  ka pa rin kahit papaano. Atleast hindi ka mabobored dito love."

Hinalikan ko sya bago ako lumabas ng kwarto. Naglinis na ako sa kitchen. Bumalik ulit ako sa kwarto para kumuha ng robe at maliligo na. Marami pa akong work ngayong araw.

🎶Head up in the clouds
Heaven only knows...

After ko mag asikaso, hinarap ko sya ulit. "love, bagay ba sakin itong suot ko?"

Natawa ako ng parang nag kunot noo sya sa akin. "O sige na, mag papalit na ng damit. Ayaw mo nga pala ng nakikita yung cleavage ko!"

🎶Where you are now...

Pagkauwi ko ng bahay, agad akong nag tanggal ng heels at nagtatakbo palapit sa kaniya.

"Love! I have so many kwento to you!"

🎶How do I love
How do I love again?

"I saw Vhongskie kanina, tapos sabi niya magkakaroon ng reunion ulit ang showtime.. tapos sabi ko isasama kita, alam mo ba si vhongskie bigla na lang nalungkot. Tinanong ko naman siya kung bakit pero iling lang ang sinagot niya sakin. May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Vhongskie?"

🎶How do I trust
How do I trust again?

"Si Anne naka kwentuhan ko rin. Love! Ang ganda nya lalo, twinnie talaga kami hahaha tapos ang laki na ni baby Dahlia. Gusto ko sana iuwi saglit para makita mo, kaya lang sabi ni anne may pupuntahan pa daw sila ni Erwan."

Hindi ko alam na may pumatak na palang luha. Pinunasan ko yon tapos ngumiti ulit ako sa kaniya.

"S-sayang no? Hindi tayo agad nabigyan ng baby. Haha pero di bale na lang love, nandito ka naman lagi sa akin. Kasama naman kita lagi."

Niyakap ko sya kasabay ng paghalik ko.
"I'll sleep muna love, then wake me up later okay?" as usual. Naka ngiti lang sya sa akin.



🎶I stay up all night
Tell myself I'm alright...

"Good evening baby, let's eat our dinner na." sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na iniangat nya yung spoon and fork. Napangiti na lang ako.

"How's life, love?" Finally, he asked me.

"Okay naman, I feel great. Nandito ka lagi sa akin, I feel so contented. Kase hindi mo ako iniwan."

🎶Baby, you're just harder to see than most

"love.. alam mo yung nangyari before. Love, alam mo mas masaya ka kung.." nilapitan ko sya at hindi na hinayaan pang mag salita.

🎶I put the record on
Wait till I hear our song

"Pero sayo lang ako sumaya ng ganito. Kahit nasasaktan ako lagi, kinakalimutan ko na nga. Kase alam ko naman na nandito ka, kasama ko."

🎶Every night I'm dancing with your ghost

"i love you so much, vicey. Mahal na mahal kita." humilig ako sa balikat nya, at ramdam na ramdam ko ang pagyakap nya sa akin.

🎶Every night I'm dancing with your ghost...

"You know how much I love you, sorry love ha? Sorry, nasasaktan pa rin kita."

🎶Never got the chance
To say a last goodbye

"don't say sorry, kung alam mo lang vice.. masaya ako sa ganitong buhay ko. Kahit na one last goodbye hindi natin nagawa sa isa't isa. But still, it's okay kasi nandito ka. Nakakasama kita tuwing hatinggabi." pareho kaming natawa, at the same time may pumatak na namang luha.

🎶I gotta move on
But it hurts to try

" love, sinubukan kong kalimutan ka, pero hindi ko talaga kaya. Imagine that? After wedding natin flight natin papuntang Paris for our honeymoon.. tapos nagising na lang ako nasa bahay ako.. tapos sabi nila isang buwan akong comatose.."

Dinikit nya yung noo nya sa noo ko, umiiling siya. Huwag ko ng ituloy ang sasabihin ko.

" Love I tried to move on, pero hindi ko matanggap. Pagkagising ko, ikaw yung hinahanap ko. Pero love, alam mo bang ang tagal bago sila sumagot sa tanong ko?. One month, eksaktong pag gising ko.. isang buwan ka na palang wala sa akin."

🎶How do I love
How do I love again?

"I'm sorry, pero hindi ako magmamahal ng iba. Gusto pa kitang makasama.."

"I love you, love. Happy anniversary.."

🎶How do I trust
How do I trust again?

Niyakap nya ako kasabay ng pagkakaroon ng bukang liwayway, at dahil doon naglaho na naman siya. Umaga na naman. Mag hihintay na naman ako ng gabi para makasama ko sya.

Tinignan ko yung picture frame kung nasaan yung picture nya na laging kong kinakausap.

"happy anniversary love"

🎶Every night I'm dancing with your ghost...

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon