TRAVEL WITH YOU

127 6 0
                                    

Tapos na ang pag pag cecelebrate ng mga ShowTime hosts ng bagong taon. Balik trabaho na nga sila at sabay sabay na pag pasok sa studio.
Pagkapasok pa lamang nila, may hinahanap agad si Vice na babaeng kulot, si Karylle.

"Wala pa si Kurba?" tanong niya kina Vhong habang naka off mic.

"Nako brad, baka bukas pa dumating si Bruh." Vhong.

Sa kabilang banda naman, mugto ang mata ni Karylle kakaiyak ng gabing iyon dahil sa pag uusap nila ni Yael. Muli niyang binalikan ang mga araw na magkasama sila sa Los Angeles.

*Flashback*

Nakaupo si Yael habang umiinom ng wine mg lapitan siya ni Karylle sabay lapag ng isang brown envelope.

Napatingin dito si Yael at agad niya itong binuksan, nakayuko naman si Karylle na nangingilid ang luha.

"Hindi ko na kaya to yael, ayoko na magpanggap na okay tayong dalawa lagi. Gusto ko ng bumalik sa asawa ko.. kay Vice."

Nilalaman pala ng brown envelope ay ang marriage contract. Marriage contract nila ni Vice, ang totoong asawa niya.

"For five years,ikaw ang kasama ko. Ikaw ang nakikitang kasama ko ng mga tao lagi habang si Vice, nanahimik. Hinahayaan ka na makasama ako." His tears fell. Alam nyang kasal na si Karylle kay Vice bago pa nila gawin ang pekeng kasal.

Yun nga din siguro ang issue kaya hanggang ngayon wala pa rin anak sila ni Yael, hindi nya binigay ang sarili nya sa taong hindi naman nya tunay na kabiyak.

"I miss him so much, Y. " sabi ng umiiyak na si Karylle. Lagi na lang silang pasikreto mag kita ni Vice,at hindi magawa ang kanilang mga gustong gawin kahit pa walang camera.

Fix marriage, matagal ng balak iyon ng kanilang mga pamilya, niligawan din naman ni Yael si Karylle pero that time engaged na sina Vice at Karylle. Natuloy ang kasal nila Yael at Karylle, invited si Vice. At iyon ang dahilan ng pagluha ni Vice ng mahagip ito ng camera.

After that fake wedding nila yael, kinausap nya noon si Karylle.

'Masyado kitang mahal kaya hahayaan muna kita sa kaniya. Ayos lang kung yung kasal natin patago, pasikreto.'

Umiiyak na si vice at humihikbi na ito, 'Mahal na mahal kita, K. Kaya kahit gusto kitang lapitan at hawakan hindi pwede, kahit ako ang asawa mo.'

Parang nadurog ang puso ni Karylle kasabay  ng pagyakap nya at pag halik nya dito.

' I'll do everything para mabalik ulit sayo, hanggat kaya ko, gagawa akong paraan para matigil ang kahibangan na ito. I love you, love. Alam mo yan. I'm sorry.'

Lumagok naman ng alak si Yael at nilapag ang fake marriage contract, kasabay ng pag tulo ng luha nya.

"Until now pala, sya pa rin. Kahit pala noong magkakilala pa lang tayo, never mo ko minahal."

"Minahal kita, pero hindi katulad ng pag mamahal ko sa kaniya."Karylle.

"I understand, I'm sorry. Sinayang ko ang five years nyo."Yael.

*End of Flashback*

napatingin naman si Karylle sa singsing na nakasuot sa daliri nya. Tinanggal nya iyon at nilapag na lang sa table. May kinuha sya sa mini drawer nya, their wedding ring. Wedding ring nila ni Vice.

"Kurba!" hindi maiwasan na sigaw ni Vice ng makita niya si Karylle sa hallway habang papunta siyang lounge. Niyakap nya ito nang mahigpit.

"Sshh, ang ingay mo pogi!" bawal ni Karylle dito at tumawa. Inakbayan nya ito at bumalik papuntang dressing room niya.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon