KUMPAS

188 10 1
                                    

Napatingin ako sa doctor habang hawak ko ang result ng test na ginawa sakin.

"Magagamot pa naman to diba doc?" sabi ko sa kaniya. Nawawalan na ako ng pag asa. Alam ko naman na simula pagka bata ko ito na palagi ang tinatanong ko sa kaniya.

At alam ko na rin ang isasagot niya sakin.

"There is no cure on your disease, vice. All you need to do is to manage its symptoms."

Sabi ko na ba.

Mapait akong ngumiti bago ako tumango sa kaniya.

"Thank you doc."

Lumabas na ako ng clinic niya habang balot na balot ang aking katawan. Nakasuot ako ng jacket, naka pants, naka shoes at naka hoodie pa.

Sumakay na ako sa sasakyan at sinabi ko na sa driver ko na pwede na kaming umuwi.

Sa halip mag pa diretso ako sa bahay, pumunta ako sa tabing dagat.

Ala siyete na naman na ng gabi at ito ang paborito ko. Dito sa oras na to nag sisimula ang buhay ko.

Umupo ako sa buhangin habang hawak ko sa kanang kamay ko ang in can na softdrinks at sa kaliwa naman ang chips.

"Yung babae nalulunod!!!" Napatingin ako sa isang babaeng sumisigaw habang tinuturo niya ang kalagitnaan ng dagat. Naka kita naman ako ng kamay na para bang pinipilit ngang umahon.

Imbis na tulungan nila, nanatili sila sa tabing dagat at pinag masdan lamang. Kaya naman binitawan ko ang kinakain ko at ako ang sumisid papunta doon sa babae.

Hinawakan ko sya sa bewang at pilit kong nilangoy ang dagat hanggang mapunta kami sa buhanginan.

Bibigyan ko na sana sya ng CPR nang bigla naman syang bumangon at sinampal ako.

"what the fuck?!"

"Bakit mo ko sinagip?!"

Aba, babaeng to.

"Malamang nalulunod ka. Mabuti nga sinagip pa kita."

"Nagpapakalunod ako, hindi ako nalulunod!"

Irita syang tumayo at papunta na naman sa dagat kaya naman sinadya kong itulak.

"Ano ba!" singhal na naman niya sakin.

"Takot ka rin pala. Bakit ba magpapakamatay ka? O Teka, wag mo na ako sigawan. Pwede naman tayo mag usap ng maayos." hinila ko sya sa tabing dagat kahit paulit ulit pa sya pumiglas.

Inabot ko sa kaniya yung jacket ko, tinulungan ko rin sya na isuot yon.

" I don't talk to strangers. "

" Ilang minuto na tayo magkausap, so hindi na ako stranger sayo. Just say thank you to me."

"Bakit ako mag tethank you? Nagkaroon pa ako ng utang na loob sayo." umirap pa sya sakin bago niya i-flip ang kulot niyang buhok.

"Maganda ka sana, maldita ka nga lang. If you want someone to talk to, I am always available every night. See you tomorrow night here, kulot."ngumiti ako sa kaniya bago umalis. Patalikod na ako pero nakita ko pa rin syang umirap sakin. Hahaha


Pagkauwi ko sa babay, nag asikaso na ako agad at kumain na ako ng dinner. Kasabay ko sina mommy and daddy habang kumakain kami.

" anong sabi ng doctor mo sayo?"tanong ni daddy albert sakin.

" all goods naman, dad. Okay pa naman yung balat ko, wala naman gaano pagbabago. Mabubuhay pa ako ng matagal hahah! "

Alam kong sobra silang nag aalala sakin. Hindi ko na sila sinasama sa session ko palagi kay doc.

ViceRylle Collectanea FandonieΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα