I LOST HIM

156 4 1
                                    

"daddy! daddy!" napatingin ako kay Austin na tumatakbo at palapit kay vice habang may hawak pizza.

"daddy, gusto mo?" tanong nya kay vice habang nakatitig. Kinarga sya nito bago ngumiti at umiling.

"Kulang mo pa nga yan anak eh. Pero thank you sa pag alok kay daddy. Nasaan si Ashton?" tanong niya habang inaayos ang buhok ng anak namin.

"Tulog daddy." Bumaba na si Austin at umupo sa couch. Tumingin sa akin si vice bago lumapit.

"Kumain ka na?" tanong niya bago hawakan ako sa bewang at ngumiti sa akin. Marahan nyang hinalikan ang labi ko at nag smack sa akin.

"Hindi pa, katatapos ko lang mag prepare ng gamit ng twins. Pero may lunch naman na, ikaw gusto mo na ba kumain?" balik tanong ko sa kanya. Umiling syang marahan bago haplusin ang pisngi ko.

"Busog pa naman ako, love. Mamaya na lang ako kumain, sabay na tayo." saad niya at hinawakan na ako sa kamay.

"vice.." tinitigan ko sya bago ko marahan bumitaw sa kanya. Tumango sya at tumingin sa akin.

"Love, I'm sorry. I swear, wala akong alam kung paano ako nalasing ng ganoon. I just found myself lying on that bed with her."

Paano ako maniniwala kung pangalawang beses mo na yan ginawa?

"Pangalawa mo na yan ginawa, sa tingin mo ba maniniwala ako sayo?"

"Mahal, kahapon ko pa pinaliwanag sayo.. kahapon pa ako humihingi ng sorry sayo. Even sa socmeds, nagpapaliwanag ako. Pero what did you do? You blocked me on your socmeds, saan ako mag memessage sayo ngayon?" Naramdaman ko yung frustration nya. Napa hilamos na sya ng kaniyang mukha bago tumingin sa akin.

"Nagbago na ako, Karylle. Hindi na ako yung baklang party dito, party doon. Oo, ginawa ko yon noong una. I cheated on you. Pero ginusto ko magbago dahil narealize ko kung gaano kita nasasaktan. Narealize ko na ang tanga ko pala na saktan ka."

Rinig ko ang pag garalgal ng boses niya habang sinasabi niya yon sa akin.

"Hindi mo na ba ako kayang tanggapin? Hindi mo na ba ako kayang patawarin?" Tuluyan ng pumatak ang luha niya habang nakatitig sa akin.

"I accepted your apologies, but you broke my trust, vice. At hanggang ngayon hindi pa rin nababalik yung tiwala ko sayo ng buong buo." Sagot ko sa kanya.

Tumingin ako kay Austin na nakatitig na pala sa amin. Maging si vice napatingin sa anak namin kaya hinawakan nya ako sa kamay at pumasok kami sa isang kwarto.

"Pagod ka na sa ugali ko? Pagod ka na bang intindihin ako? Nagsawa ka na, ayaw mo na ba?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Nanginginig ang kamay niya habang hawak niya ako sa braso.

"Oo, Vice. Pagod na ako." mariin kong sabi habang nakatitig sa kanya. Binitawan nya ako at tumango sya sa akin. Hinayaan na lang niya ang luha niyang pumatak bago niya nilisan ang kwarto kung nasaan kaming dalawa.

Hinintay ko syang umuwi hanggang gabi. Pero dinner na, wala pa rin sya. Kaya nauna na kaming kumain ng kambal. Hanggang sa napatulog ko na yung kambal naming anak, hindi pa rin sya dumarating. Wala pa rin kahit anino niya akong nakikita dito sa bahay.

Ilang beses ko tinawagan ang phone niya pero hindi sya sumasagot sa akin.

Kinabukasan, nagising ako na may nakadagan sakin na braso. Umuwi sya. Nilingon ko sya at ang himbing ng tulog. Pinagmasdan ko yung mukha niya, may bakas pa ng mga luha. Mugto rin ang kaniyang mga mata.

Nagmulat sya at tumingin sya sa akin. Kasabay noon yung pag alis ng pagkakayakap niya sa akin.

"Sorry." mahina niyang sabi at umiwas tingin. Kinuha niya yung unan at yon ang niyakap niya. Tumalikod sya at muling pumikit.

Akala niya siguro galit na naman ako.

"Madaling araw na ako nakauwi, inaya lang ako ni Zeus at ni Wilbert pumunta ng bar. Hindi ako uminom, nilibre ko lang yung hashtags. Sorry di ako naka message, nakasilent yung phone ko." Paliwanag niya sa akin na hindi ako nililingon.

"Wala akong ginawa na kahit ano, di ako uminom. Di ako lasing. Sorry." pagpapatuloy niya at umayos na sya ng higa.

Niyakap ko sya at siniksik ko yung mukha ko sa leeg niya.

"Hindi ako galit." sabi ko at sinilip ko sya. Tumingin sya sa sakin at nagsimula na naman mag luha yung mga mata niya.

"Hindi ko na kasi alam kung paano ka susuyuin sa tuwing di tayo okay. Nagkakatrauma na ako Karylle sa tuwing hindi mo na lang ako kinakausap dahil galit ka. Paano mo ko natitiis ng ganon? Samantalang ako, iniintindi pa rin kita. Sinusuyo pa rin kita kahit ilang beses mo ko itaboy. "

"Ayokong dumating sa punto na sobrang pagod na ako. Dahil kahit mahal na mahal kita, baka bitawan na kita." Kumalas sya sa yakap sakin at iniwan ako sa kwarto.

Hindi naman ganito dati yung relasyon namin, maayos naman. Not until, nahuli ko syang niloloko ako. Nag confront ako sa kanya. Inamin naman niya na ginawa nya yon. Inaccept ko sya ulit sa buhay ko. Sabi niya magbabago na sya. Naging smooth na ulit yung relasyon namin.

Pero minsan, kahit maliliit na bagay napag aawayan namin na malala. Hanggang sa hindi na kami makakapag usap ng maayos.

Palagi lang ako galit, pero takot rin akong mawala sya.

"Kumain ka na, may pagkain na, I cooked." napatingin ako sa kanya na nass may pinto. Nakasilip at nakatitig sa akin.

"Nag hihintay na yong kambal."

Nilapitan niya ako at tumitig sya ulit sa akin, "Pasensya na sa nasabi ko kanina. Nabigla lang ako. Pero pwede bang huwag tayong mag away? Nakakapagod yon. Ngayon pakinggan mo ko para malinawan ka na..

Nag iinuman lang kami nina vhong, teddy, zeus, wilbert at nikko. Yun lang ang pinunta namin sa bar, love. Inom lang. Pero hindi ko alam kung bakit katabi ko na yung babaeng hindi ko kilala pag gising ko. Ako lang ang nasa bed that night."

" Kaya kahapon kinausap ko sila at tinanong ko kung paano yon nangyari, tapos late na ako nakauwi. Hanggang madaling araw sina Zeus at Wilbert lang kasama ko. Hindi rin nila alam, umuwi na sila pagkatapos nila akong alalayan na makahiga at makatulog. Love, I swear, nagbago na ako. Masaya ako sayo, kontento na ako sayo. " nakatitig niyang sabi sa akin at hinawakan ako sa pisngi ko.

Hinawakan ko sya sa kamay niya at yumakap ako." I'm sorry too, love. "

Ramdam ko ang haplos niya sa akin sa likuran.

" Mahal kita. " saad niya at hinalikan niya ako sa labi nang mabilis.










"Ang laki na ng mga boys ni daddy!" Vice. Niyakap niya yung kambal namin at ginulo ang buhok nilang pareho.

Napatitig ako sa kanya at bahagya akong napangiti.

Tinignan nya ako at lumapit sya sa akin.

"Kumusta ka?" tanong niya at hinawakan ako sa braso.

"I'm doing great. Busy sa theater plays at ibang projects. Ikaw?"

"Medyo busy sa work. Mas busy lang sa asawa ngayon. Hindi ko maiwan, buntis na e." medyo nakatawa niyang sabi sa akin at napailing.

Napatingin ako sa kambal naming mga anak. Siguro kung nabuhay lang yung sumunod sa kanila, magkasama pa rin kaming dalawa ni vice.

Tinaboy ko sya palayo sa akin. Ayaw niya noon na iwan ako, pero ilang beses ko sya sinaktan, sinigawan at pinaalis.

Hanggang sa nagising na lang ako, wala na sya sa bahay. He just left a note saying goodbye to me.

Paano kaya kung di ko yon ginawa?

Naramdaman ko yung yakap niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Vice, I'm sorry."

Umiling sya at ngumiti sa akin, "okay na yon, okay na tayo."

Bumitaw sya sa yakap at inaya na ako sa mga anak namin.

"Tara na, mukhang gutom na yung dalawang kamukha ko." nakatawa niyang sabi at hinila ako papunta kina Austin at Ashton.

Sana pala, mas minahal at pinahalagahan kita.







A/N:
Hi!

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now